Chapter 4

27.1K 570 7
                                    

Matapos ang gabing yun may naging pagbabago naman sa kanilang dalawa ni Treyton. Nabawasan ang pagkagalit niya dito. Inaaya siya nitong magdate pero kalimitan ay nirereject niya ito. Ayaw niya kasing mapahamak ito lalo na nasabi nito na may fiance nga ito na handang makipagpatayan kapag may babae si Treyton.

Kahit na patuloy niya itog nirereject hindi ito tumitigil upang mapaibig muli siya nagtataka na nga siya kung bakit mukhang wala itong pakialam kahit makita sila ng fiance nito. Katulad na lang ngayon meron na naman itong iponadala na bouquet ng roses at chocolates sa kanya halos araw araw na lang at may note pa itong kasama.

I will never get tired of courting you till' I make you mine again.- T

Kinilig naman siya sa mga notes nito. Alam niyang mali pero hindi niya pa rin maiwasan na maibalik ang damdamin para dito.

"Tita!" Napatingin naman siya sa may pinto ng clinic ng dumating ang dalawang cute na bata. Si Gid at Cassidy. Nilapitan niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi.

"Why are you here kids?" Tanong niya sa mga bata.

"We will see doctor pogi." Tukoy nito sa pinsan niyang doctor na naka duty ngayon sa clinic.

"Oh. Doctor pogi is just having a patient now wait lang kayo dito ha. I will get you some toys." Sabi niya naman sa mga ito.

"Yehey! Toys!" Excited na sabi ng dalawa.

"Bulaga!"

"Ayy!" Napasigaw siya dahil sa gulat. Nahampaa niya pa ang taong nanggulat sa kanya si Giselle lang pala.

"Aray ko naman So! Ang bigat ng kamay ha parang bakal." Sabi nito sa kanya. Nakuha kasi siya ng mga laruan ng ginulat siya nito.

"Oh bakit ka nandito?" Tanong nito sa kanya.

"Malamang papacheckup ko ang aking mga babies kay Doc Pogi." Sabi nito na parang kinikilig pa.

"Ikaw talaga kapag narinig yan ni Cad punishment ka na naman." Sabi niya dito at bigla ngang sumulpot si Cad.

"Hey So!" Bati nito sa kanya. It's still the same Cad playful smile,gorgeous and much more mature now dahil kasal nga ito pero it looks more good on him sabi nga ni Giselle hot na hot pa rin daw.

"Hey Cad. Nako iuwi mo na nga itong asawa mo nang maparusahan mo na. Kiniki---" Sabi niya pero pinutol agad ito ng kaibigan.

"So! Uhmm---Mi Sol. Nagbibiro lang yang si So miss lang kasi ako niyan." Naparoll eyes na lang siya sa endearment nito kay Cad. Mi Sol daw means My Sun dahil siya daw ang langit nito. Ang dami lang talagang alam ng kanyang kaibigan.

"Oh. Nice suggestion So." Mapaglarong ngiti ni Cad.

"Cad! Sasamahan ko pa ang mga bata bukas ayoko naman maglakad na parang nabalian!" Napatawa na lang siya sa dalawang ito. Hinayaan na muna niya na magaway ang mga ito at pumunta na sa dalawang bata. Nakarinig naman siya ng baritonong boses sa receiving area ng clinic.

"Ninong Treyton. Ninang Haima is there" turo ni Cassidy Anne sa kanya. Lumapit naman siya sa mga ito at ibinigay ang mga laruan sa dalawang bata. Tuwang-tuwa ang mga ito sa paglalaro.

"Bakit ka nandito?" May himig na pagtataray ang boses niya.

"Like what I've said So. I will never stop doing sweet things to you until I win you back again." Paliwanag nito sa kanya. Kinilig ulit siya sa ginawa nito pero ayaw niya itong bigyan ng signal mahirap na.

-----
Dumaan pa ang mga araw at pabongga ng pabongga ang mga sorpresa sa kanya ni Treyton. Akala niya talaga na magsasawa ito pero hindi. Nagtataka nga siya e baka minamanmanan na ito ng fiance nito pero wala naman siyang narereceive na mga threats so assume niya hindi naman.

Libidinous Series 3: Treyton Zarek FedorovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon