"Oh siya sige na. Umayos ka na diyan. Maligo ka ha. Maggatas ka muna. Para hindi malamigan. Diyan sa poso ka na lang maligo. Yung shampoo at sabon andyan lang.

Kung tutuusin maswerte pa rin ako, kami... dahil may natitirahan pa kami. Hindi ko masasabing sobrang linis, pero pulido naman ito. May drawer din kami para sa damit namin. Hindi ko masasabing sobrang bango pero nalalabhan naman ito ng ayos. Yung folding bed naming dalawa eh kada linggo ay hinuhugasan namin para malinis din. Kung tawag nila sa amin ay basurero at nangangalkal mg basura ay hindi ko na problema iyon. Dahil sa simula't sapul ay ganito ang buhay ng pamilya namin. Sa ganitong buhay namulat ang pagkatao ko.

Ang nagsisilbing panangga namin sa araw at ulan ang pinagpatong-patong na yero na kagabi bago matulog ay pinugaran ng dalawang pusang hindi malaman kung nag-aaway o may hinagawang kababalaghan. Ang ding ding ay yung mga kahoy-kahoy. May mesa naman kami at upuan na kuha namin sa pangangalakal at pagbabahay-bahay. Wala namang pagbabago simula noong namatay si Itay. Maliban sa kami na lamang ni Kristan ang natira. Nabawasan kami.

Wala naman nasabing kamag-anak sila Itay at Inay, maliban kay Tita Josie na may junkshop kung saan kami dati nakatira bago pumanaw si Itay. Noong namatay si Itay ay pinalayas kami ni Tita Josie at hinayaan kaming magpasakalye na lamang. Hanggang sa mapadpad kami dito sa Barangay Ilogan malapit sa ilog at halos naging squater area na rin. Malinis ang tubig ng ilog. Nadisiplina na rin ata ng mga tao ang sarili para may mapag kunan kami ng malinis na tubig pampaligo at gamitin sa pang araw-araw na pangangailangan. May poso naman na sa ilog din galing ang tubig. Kung pagluluto naman ay mayroon kaming ulingan. May mga kahoy na siya naming kinukuha sa maliit na gubat malapit sa dulo ng ilog.

Natapos ang kapatid ko habang natapos ko ang paghigop ng mainit na kape. At ako ay nag-igib ng tubig sa may cr naming sobrang liit. Ayoko maligo sa poso sa labas. Malamig ang tubig at sabkitin pa naman ako.

Mamaya na ako bibili ng pagkain namin dahil trenta pesos na lamang ang natira sa amin. Pandesal nga ay dalawang piso na ngayon. Iniisip ko pa kung saan kami kukuha ng pananghalian. Sana ay bago magtanghali ay nakarami na kami ng benta ng kalakal sa junkshop ni Aling Tere.

---

"Ha? Trenta peso lang para sa dalawang sakong papel Aling Teresita Macandog?" sigaw ko ng ibigay sa akin ang baryahing pera. Nakuha namin ang dalawang sakong papel na basura ng dalawang teacher ko noong elementary ako. Dahil kilala nila ako ay ibinigay ito sa akin. Tinanggap ko naman dahil siguradong malaki ang benta pero itong si Aling Tere, ubod ng higpit sa pera! Kuripot! Andaming chechebureche sa mukha at may pacurler pang buhok. Yung tipong kulang na lang lagyan din yung buhok aa ibaba sa dami ng curler sa buhok. Very wrong! May katabaan pero dahil hapit na daster ang suot, humubog ang katawan nitonh tatlong layer ang tiyan.

"Aba, Keith, umaangal ka na ngayon? Kung tutuusin at dinagdagan ko pa yan ng limang piso dahil naawa ako sa'yo!" sabi niya sa matinis niyang boses.

"Very wrong! Naawa ka pa na'n Aling Tere! Ay siya sa'yo na yang trenta pesos mo! Kunin ko na lang yang dalawang sakong papel at ibebenta kay Mang Karding. Baka doon mas lumaki pa yung maibigay sa akin!" sabi ko at inilapag ang pera sa may timbangan at akmang kukunin ang dalawang sakong ibinigay ko sa kanya.

"Hep hep!"sabi niya at tumigil ako.

"Hooray!!" sigaw ng mga batang kasabay kong nagpapakilo ng kalakal sa kanya.

"Bakit?"

"Touch move, Keith! No exchange no return at no refund of purchase ang patakaran ng junkshop ko!"

"Wala akong pakialam! Kukunin ko ang sako ko at ibebenta sa iba! Napaka kuripot mo! Very wrong ka dun!" wika ko at hinila ang isang sako ko. Pinigil naman niya ako. Umirit siya.

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon