Chapter 1

20.1K 736 89
                                    

[ Keith's POV ]

"MAGANDANG UMAGA!" pagbati ko ng malakas nang magising ako. Siyempre full of energy ako ngayong araw. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi!

"Salamat, Papa Jesus sa paggising sa akin!" nagcross sign ako at saka tumayo ako mula sa folding bed na nakuha ko sa pangangalakal noong isang araw. Okay pa naman 'to pero matagal na daw di ginagamit, kaya ibinigay na lang sa akin.

"Ang ingay mo naman Kuya! Umagang umaga oh? Tumahimik ka nga! May natutulog pa." sabi ng kapatid ko na nasa kabilang folding bed din.

"Tumayo ka na d'yan! Maaga pa tayong magkakalkal sa mga basurahan. Sabado ngayon at ngayon kukunin ng mga basurero ang kalat ng mga bahay-bahay! Dapat mahalungkat natin yun bago man maitapon lahat!" sabi ko dito at inalis ang tagpi-tagping tela na nagsisilbing kumot niya.

"Five minutes pa kuya! Sarap ng tulog ko, eh. Nanaginip pa ko!" tumalikod ito ng higa at kinuha ang kumot niya.

"Mayaman ka? Mayaman? Very wrong! Five minutes, five minutes ka pa d'yang nalalaman! Anla! Tumayo ka na d'yan at kumilos! Papaluin kita!" pambabanta ko dito.

Bigla naman siyang bumalikwas ng pagbangon.

"Oo na! Eto na. Alam mo para kang si Inay eh. Panakot mo talaga sa'kin yan." tampo nitong sabi saka tumayo at itiniklop ang higaan. Ayaw kasi niyang nasasaktan. Kahit kurot o palo lamang ay takot siya.

"Nako. Masanay ka na sa 'kin,  Kristan. Hindi ka pwedeng maging tamad at lagi ko iyang ipapaalala sa'yo. At teka! Bakit ka nasagot na ha? Ikaw ha? Nagiging pasaway ka nitong mga nakaraan mula ng mawala si Inay..." napatigil ako sa pagsesermon ng maalala ko ang Inay namin.

Pinagmasdan ko lang si Kristan habang nag-aayos ng hinihigaan.

Wala pang dalawang buwan ng mamatay ang Inay namin dahil sa karamdaman niya. Ang Itay naman ay yumao rin isang linggo matapos ilabas si Kristan dahil sa isang aksidente. Walong taon na ngayon si Kristan. At nag-aaral ng elementarya. Ako naman ay katatapos ko lang nang high-school noong nakaraang buwan at 18 years old na ko. Kung tutuusin dapat maaga akong nakapagtapos. Kaso, palagi akong tumitigil. Tigil. Balik. Tigil. Balik. Ang pangarap sa akin ng Inay at Itay ay natupad naman. Ang makapagtapos ako kahit high school. Hindi man ako ang pinakamatalino, lagi naman akong nasa top 10.

Ngayon ay nangungulila kami. Nakakalungkot na hindi ko man lamang natupad ang pangarap ko sa para kanila. Ang balak kong iahon sila at pagsilbihan bilang anak nila. Ang mabigyan ng maginhawang buhay. Natapos ko na eh. Konti na lang makakapagtrabaho na ko kaso... ang sakit para sa 'king isipin na wala na sila. Si Kristan na lamang ang natitira sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya itataguyod mag-isa pero kakayanin ko. Hindi ko man nagawa kay Itay at Inay iyon, gagawin ko para sa aking kapatid.

"Kuya. Sorry... promise hindi ko na ipapaalala sa 'yo sila Inay." sabi nito.

"...wag ka ng umiyak." hindi ko namalayang tumulo pala ang luha ko. Niyakap ako ng sweet kong kapatid.

"Okay lang ang kuya. Ikaw naman. Okay lang. Namimiss ko lang sila." pagpapakalma ko sa kapatid ko. Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Promise? Okay ka lang? 'Di ka pinalungkot ni Kristan?" tanong niya at nagpuppy eyes. Lumuhod ako para pumantay ako sa laki niya.

"Hindi. Napuwing lang ako." sabi ko at niyakap siya. Naging ganito siya simula ng mawala si Inay. Masiyahin siya kung tutuusin at nasasabayan niya ang mga biro ko. Pero simula ng mawala si Inay, kapag nakikita niya akong umiiyak, iniisip niya na kasalanan niya. Iniisip niya na iiwan ko siya. Nasa isip niya mawawala rin ako.

The Insolent Hunk (Dangerous Man Series) (BoyxBoy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat