Stealing 10

279 19 1
                                    

LIRIE'S POV

Ilang linggo na hindi nagpaparamdam si Nalu. Nawawalan na rin ng saysay ang araw araw na pagpasok ko ng Morthon, boring din pala kapag walang nang-gugulo sa paligid. Sila Rage lang at ang iba ang lagi kong nakikita at nakakasama, ni anino ni Nalu hindi ko nakikita at nakikisabay pa tong si Viahm. Kasabay ng pagkawala ni Nalu ay siya namang laging pagbisita ni Ziv, at kapag sinabing lagi.. as in araw araw siyang nabisita sa Morthon, ako na nga ang nagsasawa sa mukha niya. Pero kahit papano naman ay may naitutulong siya para magkaroon ng saysay ang araw ko at kapag kailangan ko ng kausap, hindi na siya kailangan sabihan dahil lagi siyang nandiyan kaya ayos narin.

--

"Hoy Lirie !" napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko na nanggaling sa likuran. Si Hunter lang pala akala ko kung sino na.

"Anong problema mo ?" tanong ko kasabay ulit ng pagtalikod at tinuloy ang paglalakad.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. "Problema talaga ? Ikaw, ang aga aga nakasimangot ka na naman. Ano ? Umuwi na ba si Nalu ?" awtomatikong napabagal ang paglalakad ko sa huling tinuran niya.

Marahan akong umiling. "Hindi na ata siya uuwi." mahina kong tugon, ugh bakit parang nalungkot naman ako bigla sa sinabi ko.

"Uuwi din yun no, matitiis ka ba nun."

"Natiis niya nga ako eh diba ?" totoo naman eh, ni hindi na nga ulit siya nagparamdam matapos ko siyang maabutan sa bahay ng isang beses.

"Baka talagang kailangan niya lang mapag-isa, masakit ang nangyari sa kanya Lirie." alam ko naman yun, pero sana alam niya rin na pwede naman niya kong kausapin kung kailangan niya ng kausap tss.

"Alam ko." sagot ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan.

"So, are you coming tonight ?"

"Saan ?" kunot-noo kong tanong, wala akong maalala na kailangan kong puntahan.

"Student party remember ? Sa campsite ?"

Napa-bukas nalang ang bibig ko nang maalala ang sinasabi ni Hunter. "Yeahh.. pupunta ako."

"Okay, see you later then." saktong maghihiwalay na kami ng daanan kaya naman nagpaalam narin siya.

Dumiretso ako sa isang bench malapit sa field, tutal wala pa naman akong klase kaya dito na muna ako. Pagkaupong pagkaupo ko palang ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Sigurado akong hindi yun tawag at tunog yun ng alarm, alarm na recording, bakit naman mag-aalarm ang cellphone ko ?

"L.N PIZZA HOUSE OPENING : Ililibre ako ni Lirie ^__^"

Ungas talaga !

Hindi ko alam kung tatawa ako o maiirita sa nakita ko.  Si Nalu ang naglagay nito at nakabalandra pa talaga ang mukha niya na naka-nguso sa screen habang nag-aalarm ang recording ng boses niya. Napailing nalang ako habang tinitignan ang cellphone at pinapakinggan iyon.

"L.N PIZZA HOUSE OPENING : Ililibre ako ni Lirie ^__^"

"L.N PIZZA HOUSE OPENING : Ililibre ako ni Lirie ^__^"

Napayuko nalang ako at parang bumigat ang nararamdaman ko. Pinatay ko na ang cellphone at baka kung saan pa mapunta ang pakikinig ko dito.

Opening pala ng L.N PIZZA HOUSE. Hindi naman kalayuan yun dahil paglabas ng subdivision ay ilang lakad lang nakikita na ang pizza house na yun. Naalala ko bigla nang ginagawa palang ang pizza house at napadaan kami roon, pinipilit niyang pabuksan yun kahit ginagawa palang, dahilan niya ay nagugutom na daw siya kaya bumibili siya ng pizza kahit under renovation ang lugar, baliw talaga. At dahil sa pag-pupumilit niya ay naipangako ko tuloy na ililibre ko siya kapag nagbukas na iyon. Sinabi niya pa na sampung box daw ang ilibre ko dahil kaya niya daw ubusin yun at sa sampung box daw na yun ay isang slice lang ang sakin, grabe talaga siya.

Kung nandito siya ngayon ay malamang nangungulit na siya para puntahan ang lugar. Kung tawagan ko kaya siya at sabihin na ililibre ko siya ng benteng box na pizza ? Pupunta kaya siya ? Malamang ay hindi, ni hindi niya nga sinasagot ang mga tawag o text ko makipagkita pa kaya ?

Sana nga nandito nalang siya, kahit ilang pizza ang ipabili niya  ay bibilhin ko at kahit hindi niya ako bigyan kahit katiting na slice ay ayos lang magpakita lang siya.

Ugh ! Namimiss ko na si Nalu, namimiss ko na ang kabaliwan niya. Bakit ba kase nangyayari lahat ng to?

--

"Miss ?" pinutol ng isang boses ang pag-iisip ko.

Mula sa pagkakayuko ay napatunghay ako at bumungad sa akin ang isang babae na pamilyar ang mukha. Umayos ako para maharap siya, binigyan niya ako ng ngiti ng isang naiilang na tao. I've seen her somewhere, I just don't remember where, when and how.

"Yes ?" may pag-aalangan kong tanong.

"Ah.. ikaw si Lirie diba ?"

Napataas ang kilay ko. "Uhh--hmm, and-- who are you ? Do I know you ?"

Napatahimik siya saglit na parang napahiya pero pagkuwan ay nakabawi agad siya ng ngiti.

"Ahh, hindi mo ba ako naalala ? Ako yung nakasabay niyo kumain dati sa canteen, yung kasama ni Nalu.. I'm Yhanie."

Yhanie ? Ugh, yes sabi ko na nga ba parang kilala ko siya.

"Okay, do you need something ?" tanong ko ulit.

"Ah wala naman, may nagpapabigay kase sayo."

Mula sa kamay na nakatago sa likuran ay inilabas niya ang isang kahon na--- wait, tama ba yung nababasa ko sa kahon ?

"PIZZA ? FROM L.N PIZZA HOUSE " nanlalaki ang mata kong tanong at walang sabi sabi na kinuha yun. "..kanino galing to ?" tuon ko sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot at napayuko ng bahagya.

"Hey.. kanino galing to ?"

"M-May nakasulat diyan." sagot niya at itinuro ang box, bakit ba parang natatakot siya sakin ?

Tinignan ko ang itinuro niya at nakita ko ang isang maliit na papel na nakadikit sa kahon. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan at nabasa ko ang mga kataga na hindi ko inaasahan.

"It seems like you can't buy me the boxes of ten L.N PIZZA, but as I promised, I'll give you the last slice out of ten box and here it is.."

Habang binabasa ay binuksan ko ang kahon ng pizza at nakita ang nag-iisang slice sa loob. Halata pa at naiwan ang sauce ng ibang slice sa gilid. Naka-design din ang ham ng smiley, naisip ko tuloy kung kinamay niya ang pag-dedesign dito ugh.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng papel na nasa kamay ko.

"..don't forget to smile Lirie and always be safe..

I MISS YOU little nagger."

ps : I'm f*cking serious here ! I really miss you, so be proud of it.

-from : ACE

Para akong inalog sa huling kataga na nabasa ko. Nailapag ko ang pizza at tinignan ang babae na nag-abot nito. Tumayo ako hinarap siya.

"Nasaan ang nagbigay nito sayo ?" mabilisan kong tanong at nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Hah ? Ah eh -- hindi kase--" umiwas siya ng tingin.

"Nasaan nga ? Nasaan si Nalu ?"

"Pero kase---"

"Aish ! Diyan ka na nga, pupuntahan ko nalang siya."

Walang alam na patutunguhan ay mabilis akong tumakbo at binabaybay ang palabas ng Morthon. Hindi ko alam kung saan siya pupuntahan, bahala na kung saan ako dalhin ng paa ko makita ko lang siya.

Bwisit ka Nalu ! Magpakita ka na.

The Art of StealingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon