Chapter 14. Adobo

Start from the beginning
                                    

" Hmm. Ang bango naman ng niluluto mo hija. Ano ba iyan?" tanong ni Manang.

" Ah, adobo po Manang. Pakihayin na po tsaka pakitawag na din po sina Kuya."

" Sige hija."

Inayos ko na ang lamesa. Masipag ako ngayon kasi masaya ako haha.

Nang dumating sila nagsi-upo na sila. Nagdasal muna kami bago kumain. Sana magustuhan nila yung luto ko.

" Hmm. Ate ang sarap nito. What's this?"

" Adobo yan Alex."

" Manang, ito uli ang iluto mo mamaya ha, masarap e."

" Hijo hindi ako ang nagluto niyan. Ang ate mo."

"Talaga ate? Masarap ka pala magluto. Ito uli iluto mo ha?"

" Sige, baby. "

"Ikaw ang nagluto?" tanong ni Kuya.

Tumango ako.

" Samahan mo ako sa simbahan mamaya Alex."

" Why Kuya?" tanong ni Alex.

" Ipagpapasalamat natin ang himalang nangyari." sabi niya sabay tingin sakin ng naka-grin.

Binatukan ko nga. Hinayupak na to, akala ko kung napaano na.

Tinawanan niya lang ako.

" Ikaw Kuya ha, minsan na nga lang ako magluto niloloko mo pa ako. Hindi kita pakakainin ng luto ko mamaya. Bleeh!"

" Hahaha. Ikaw naman Sab. Syempre joke lang yun. Papakainin mo ako mamaya ha."

" Whatever Kuya. Alis na ako. Bye Alex! Bye Kuya!"

"Bye ate!"

"Bye, ingat ka!"

Masaya ako habang naglalakad papuntang school. Sana magustuhan ni Zach yung luto ko. Sana kainin niya.

Dahil masaya ako ngayon, nakinig ako sa klase ni Ma'am.

Lunch na.

" Sabrina tara na." yaya ni Zane.

" Naku Zane hindi na makakasama satin si Sab kasi busy siya ngayon e."

" Talaga ba Sabrina? Gusto mo tulungan kita?"

" Naku wag na kaya ko na to. Sige ha."

" Sige, siguro next time na lang. "

" Tara na Zane, gutom na ako."

" Oo na, lagi ka namang gutom e. Hindi ka ba pinapakain sa inyo?"

"Tse. Ilibre mo ako ha!"

" Haayy! Mamumulubi ako sayo niyan e."

Diretso pa din yung sagutan nila hanggang sa makalabas sila. Nung wala na sila,kinuha ko yung bag ko at dali daling nagpunta sa rooftop.

Naabutan ko si Zach na nagbubukas pa lang ng lunch box.

"Zach!"

" What are you doing here?"

"Diba sabi ko sayo sasamahan kitang kumain kaya eto sasamahan kita."

Umupo na ako malapit sa kanya.

" And did I agree?"

"And did I tell you na gagawin ko to wether you like it or not?"

"Why are you doing this?"

"Wala lang, gusto ko lang din kumain dito bakit ba?"

" This is my place. You better get out of here."

 IN-ACCEPT NA AKO NI CRUSH!Where stories live. Discover now