Chapter 8: Escape

48 3 0
                                    

Natasha POV

Naalimpungatan ako sa lamig na humahampas sa katawn ko. Nangunot ang noo ko ng maramdamang gumagalaw ang kinalalagyan ko.

"Aghhh.." Daing ko. Damn. Napadami yata inom ko.

Minulat ko ang mata ko pero napapikit rin ako dahil sa pagikot ng paningin ko. Di pa ko nahihimasmasan.

"Tasha? Are you awake?" Halos mapatalon ako ng may bumulong sa tenga ko.

Ramdam ko ang init ng hininga nya sa batok ko. Minulat ko ang mata ko para tingnan ang sitwasyon namin na sana di ko nalang ginawa.

"Fuckkkkkkkkk!!!" Hysterical kong sabi. Magpupumiglas sana ako pero hinapit nya ko lalo palapit sakanya.

"Shitttt Tasha don't move!" Sigaw nya, napapikit ako ng pwersahan nyang pinireno ang motor na sinasakyan namin.

Yes! This is hilarious! We are riding a motorcycle! Nasa unahan nya ko habang nakapulupot ang kamay nya sa ilalim ng dibdib ko para di ako mahulog habang umaandar ang motor. Kahit mabagal ang takbo nya fuck! Nasa tabi kami ng bangin for pete's sake!

"Are you out of your mind Jacob?!" Nagpapanic akong lumayo sa motor damn! Sa tabi talaga ng bangin sya nagpark huh?!

"What?" Natatawa nyang tanong habang bumababa sa motor.

Madilim pa siguro 12 midnight palang.

"Bakit di na lang tayo nag taxi?! Motor talaga?! Nagiisip ka ba?! Pano kung mahulog ako dyan ha?! Madisgrasya tay--?!"

"Sinundan kitang nakamotor. Di ko naman alam na maglalasing ka. Iiwan ko yung motor ko?" nakangiti nyang sabi.

"Sino ba nagsabing sundan mo ko?! Fuck!!" Frustrated kong sabi.

Di ko din alam bat ganto ang reaksyon ko. Dahil ba sa katotohanang nakatulog ako sa mga braso nya at kasama ko sya buong byahe o dahil sa motor ako nakasakay sa gilid ng bangin?

"Damn. Bakit di ka nalang magpasalamat? Kung di ka pa nahimatay baka pinaglalamayan na yung Aaron mo." Ismid nya at tumalikod na sakin.

Nangunot ang noo ko. Di ko makuha. Di yun ang sagot sa tanong ko.

"And don't worry mamatay muna ako bago ka mahulog. Your safe in my arms, baby." He wink at me bago sumakay ulit sa motor nya. Pinaandar nya ito papunta sa harap ko.

"Let me ride with you." Abot nya sa kamay nya. Wala sa sariling inabot ko ang kamay nya na nagpangiti sakanya.

Iuupo nya sana ako sa harap pero umiling ako.

"No. Sa likod mo nalang ako. Nahimasmasan nanaman ako." Nagaalinlangan pa sya pero tumango nalang.

Kahit naman masakit pa ang ulo ko, nahimasmasan na din ako. At sa nakikita ko palabas na yata kami ng boundary ng Tagaytay.

Hinawakan ko ang buhok ko ng linipad ito ng hangin. Walang duda nasa tagaytay pa rin ako at di ako tinatakas ng lalaking to.

Naiisip ko palang mukha ni kuya bumabaliktad na ang sikmura ko. I am pretty sure magagalit yon.

Pinatakbo nya ang motor kaya wala sa sariling napahawak ako sa dibdib nya. Narinig ko syang natawa sa ginawa ko kaya nahihiyang tinanggal ko ang kamay ko don. Damn! Kahit malamig ramdam na ramdam ko ang paginit ng pisnge ko.

Nanginig ang kamay ko ng hinawakan nya ang kamay ko at linagay ulit yon sa dibdib nya.

"What th--"

"Don't worry baby di ako magiisip na tsina - tsansingan mo ko." He chuckled.

"How dare you!!" Aalisin ko na sana yung kamay ko pero pinigilan nya nanaman to. I heard his small chuckles. Damn!

I'm Just His Stalker: The New Beginning ( ST #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon