Chapter 5: Tears and Rain

50 3 0
                                    

Natasha POV

"Oh my gush nandiyan na si Aaron!"
"Wait! Baka nandito yung stalker nya."
"Tasha diba yun? Ano ba apelido?"

Napayuko ako sa naririnig ko at ginawa ko ang lahat para itago ang mukha ko at umiwas sa mga corridor na yun ang pinaguusapan.

Yan nalang nadatnan ko pagpasok sa school. Shet! Kapag nalaman nilang ako si Cedez magkakagulo. Una,malalaman ni Aaron at baka mapatanggal si kuya sa grupo nya.

Pagkalis ko sa kaguluhan dun sa pagpapahiya sa akin ni  Aaron sa buong university. Nandito ako sa Cubicle ng CR, pinupunasan ko ang luha kong walang tigil pa rin sa pagpatak. Damn tanga tanga mo Tasha. Napaka tanga.

Lalabas na sana ako ng cubicle para umuwi na ng may narinig akong yabag nang mga paa sa labas. Damn! Gusto ko na umuwi. Di ko na kakayanin kung may mananabunot p--

Biglang may narinig akong pamilyar na boses sakin boses na matagal ko ng binaon sa lupa. Nanginig ang buong katawan ko nang mapagtantong sya nga yon. Anger and sadness. Fuck! Nagkakagulo na ang sistema ko.

"Mike!Sam!Wil! Halika! " sabi ni Aaron nasa labas na ko ng cubicle pero di ako lumabas ng Cr para marinig yung usapan nila.

"Kilala nyo ba si Natasha?"

Tiningnan ko si kuya, parang di mapinta yung mukha nya kase di alam ni Aaron na kapatid ako ni Kuya. Ayun si Mike at Sam naman natatawang ewan. Nanginginig na ang kamao ko. Gusto ko silang pagsusuntukin at isigaw lahat ng bigat sa dibdib ko.

"Bat kayo tumatawa?!" Naiinis na sabi ni Aaron.

"Sino di makakakilala sakanya e pinost na sa chika sa university at sa pagpapahiya mo sa kanya sa gym." Sabi ni Mike.

Di maipinta mukha ni Aaron naasar siguro sya dahil ang laking gulo yung ginawa ko. Nagiwas tingin si Aaron at di makapag salita.

Happy Aaron? Happy? Fuck you!

Ginagawa ko ang lahat para pigilan ang sarili kong sugurin sya. Ano bang ganap ko? Tama lang naman sakin yon tsaka wala akong karapatang magalit. Sino ba ko? Ako naman ang pumili neto.

"Gusto ko walang kakausap sa kanya kahit sino sainyo at lalapitan sya." Sabi ni Aaron.

Nangunot ang noo ko sa utos nya. What? Bat hindi ang iutos nya ay ipahiya ako at gawing impyerno ang buhay ko dito?

Fuck! Gusto ko ba talagang maghirap? Ayos na rin yon. Di ko na rin gustong makita sila mahawakan pa kaya?

"Bakit? Para sayo lang siya? Haha!" biro na sabi ni Sam. Alam kong biro lang yon pero damn bat may naginit sa puso ko.

Oh shit! Nahihibang ka nanaman Tasha! Kaylangan ko pang ulit ulitin ang nangyari kanina para mabuo ulit ang galit at puot ko kay Aaron. Oh damn! Please cooperate heart!

Tiningnan ko ang reaksyon ni Aaron pero tangina nakangisi ang loko. fuck! Tuwang tuwa na pinagtitripan ako huh? Damn.

Naiiyak nanaman ako sa katotohanang para lang akong laruan sa mata nila. Damn. Ganun nalang ba talaga ako? Laruan at talunan?

"Gago! Ayoko ng issue alam nyo yan! Kung magkakaissue ako wag naman sa babaeng yun. Bwisit!"

Nabuhay ang kaninang namatay na galit. Ilang saksak ang tumusok ng paulit ulit. Kaylangan ko pang hawakan ang dibdib ko na parang makukuha neto ang sakit.

Damn! Umalis na kayo! Gusto ko ng umuwi.. Fuck. I feel so hopeless.. Kahit kapatid ko di ako mapagtanggol sa mga hayop nyang kaibigan.

"Oo tama ayaw lang ni Aaron ng issue" sabi ni kuya sabay iwas ng tingin. Damn.

I'm Just His Stalker: The New Beginning ( ST #1 )Where stories live. Discover now