PROLOGUE

172 4 2
                                        

Can a nerd become a criminal? Can a single student become one of the world's best detectives? Can a normal person become someone that everyone doesn't expect here to become?

7am

Nagpunta ako sa school habang suot ang malaki kong salamin at ang wig ko na sinigurado kong kapit na kapit sa buhok ko. Kinabit ko din ang retainer ko na araw araw kong pinapalitan. Hawak hawak ko ang tatlo kong libro sa magkakasunod na periods namin for this day.

Pero pagpasok ko ng school, agad kong nabitawan ang mga libro ko nang biglang may naghagis sakin ng mga itlog, harina, at kung anu-ano pang mga pagkaing pwedeng mamantsahan ang kasuotan ko.

Pero ngumisi lang ako at nagpatuloy sa girls' locker room, kung saan ako naligo at nagbihis.

12pm

[Sa may likod ng West Shopping centre mamayang 7pm. Hihintayin kita duon.]
Narinig kong sabi ni Vince, ang hacker kong bestfriend.

"Copy. PM mo sa'kin mamaya yung bio ni Sophia Mendez, I need it. And do it as soon as possible."

[Sige. Buksan mo na email mo, na send ko na.]

Binuksan ko ang email ko at nandun na nga ang buong bio ni Sophia, at lahat ng informations about sa kanya.

"Thanks."

4:30pm

Lumabas ako ng room at sinalubong lahat ng pambu-bully sa'kin ng mga schoolmates ko, pero dumiretso lang ako sa likod ng school at nagbihis. Isang overall skintight leather suit, black leather thigh-high boots, at yung black kong helmet.

Pinuntahan ko muna ang bahay ni Sophia Mendez, ang co-leader ng isang fraternity na siyang nambu-bully sa'kin dati, at ang pumatay sa isa kong kaibigang nerd sa room na si Anna Flores, exactly 1 year ago. Lulan ako ng bigbike ko habang papunta sa bahay nila.

Pumasok ako sa loob ng walang pasabi, at walang bakas na ginagawa o kahit anong ingay, at dumaan sa may bintana niya. Nakapatay ang ilaw pero batid kong walang tao sa loob. Kaya naman kinuha ko ang UV light kong kasing hugis ng flashlight.

Binuksan ko ang isa niyang drawer pero wala don ang hinahanap ko. Binuksan ko ang left door ng double-door closet niya at hinalungkat yon, pero wala akong nakita. Pero nakita kong parang may crack ang sahig nung closet niya kaya naman mahina ko yong kinatok, at narinig kong parang may space yun sa loob.

Tumingin muna ako sa paligid at wala ngang tao, kaya naman hinanap ko ang dulo ng closet at binuksan yung sahig non.

Fdge...

6:58pm

"Oh? Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa'kin ni Vince nang pumasok ako sa kotse niya matapos kong paliitin yung motor ko. Funny? No. I'm serious. May pinipindot yon sa gilid at para siyang natutupi hanggang sa maging isang maliit at mabigat nalang siyang bagay na hugis briefcase. Imbento yon ng tito ko na scientist, inventor at isa ding hacker, na siyang nagpalaki sa'min ng bestfriend kong si Vince.

"Wala, pinuntahan ko lang yung bahay ni Sophia."

"Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka parin nakakamove on sa pagkawala ni Anna?"

"Vince, Anna is one of my friends. In fact, siya lang ang nag iisa kong kaibigan sa school, dahil hindi naman kayo nag aaral dun nung ate mo. Wala siyang ginagawa kay Sophia! Napagtripan lang siya! She doesn't deserve it!"

"Okay, I understand. But make sure na walang mangyayari sayo ha."

"Hmm. So asan na yung next target naten?"

Naglabas siyang picture ng isang babae habang naka-stapler ito kasama ang infos niya. "Marie Misaca, isang accountant na walang ibang ginawa kundi bawasan ang perang wini-withdraw at dine-posit ng mga tao. Madaming nagre-reklamo pero hindi siya umaamin. Whe need to dispatch her immediately."

"Easy. San siya ngayon?"

"Hm. Baka easy?"

"Why?"

"Aside from being an accountant, mayroon din siyang gang. 25 years old palang kasi siya kaya naman kaya niya pa yung mga gangster moves na yan. Member lang siya non pero siya yung pangatlo sa mga malalakas."

"Hmm. Not bad. Let's start."

9pm

"Detective Song, I need you to investigate this case."

Inabot sa'kin ng chief ang isang folder na naglalaman ng ibang documents na agad ko namang tinanggap.

"Bakit, sir? May krimen na naman bang nangyari dito sa'tin?" Matawa-tawa kong tanong sa kanya,

"Take it seriously, Song. Isa yang mabait na accountant dun sa may bank diyan sa malapit. Madaming namumuri sa kanya at marami daw siyang kaibigan dahil bukod sa pagiging mabait, eh loyal daw siya yan sa trabaho niya."

"Ahhhh. Sige sir, mauna na ako."

"Sige. By tomorrow, dapat may konting infos ka nang maibigay sa'kin ha."

"Yes, sir."

*****************

END OF PROLOGUE

THE DECEIVER 💐Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang