11 ⚔️ His Plan

1K 75 11
                                    

DZION WILLIAM MHRIZ

"Dex!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay niya. Agad namang lumabas ang mga guards niya at iginaya ako papunta kung nasaan siya.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko siya sa tapat ng human-sized window ng office niya. Nakatanaw siya sa labas ng bahay.

"Bakit hinayaan mong malamangan kami ng Fencers?"

Hinarap niya ako. "That ranking was based on your group's performance," maikling aniya at marahang naglakad palapit sa akin. "Did your group did well?"

Natahimik ako sa tanong niya. Aminado naman ako na puro palpak ang mga nakaraang misyon namin, but I know that she can manipulate the result since she's the one who's making it.

"'Yan lang ba ang ipinunta mo rito? I didn't know that you can go this low, kuya, and just for a rank?"

"Pumapayag na akong imbestigahan si Midnight Blade."

A smile formed in her lips. "Excellent choice."

🗡️

Pagbalik ko sa Underworld ay sinalubong ako nina Terson. "Master, may misyon tayong kailangan gawin. Personal na ipinadala sa atin ni Supremo."

Agad kaming nagmadali pabalik sa office para tingnan ang sinasabi nilang misyon.

"Kukuha na sana kami ng magiging bagong misyon natin pero nakita ng taga-Blazer na nakapangalan ito sa grupo natin," ani Caz. Inabot niya sa akin ang portfolio.

Nang buksan ko 'yon, agad kong sinuri ang mga pictures na nilalaman niyon. These pictures are from the investigation of the authories with Golden's case. Paano nakuha ni Dex ang mga ito?

"Nakita na namin 'yan kanina. Base on what we saw, it is a crime occurred a decade ago. This girl in the picture was the victim, and our goal is to find that bottle." Itinuro ni Caz ang maliit na bottle na hawak ni Golden.

It is a small glass container made out of diamonds and has a gold cap. These evidences look familiar... ang ginamit dito ay kapareho ng ginamit sa paggawa ng sealing wax. So this means that the killer and the sender is the same.

"We need to find that bottle," I said with an authority on my tone.

"We already think of that, Master, but how...? This crime was occurred decades ago, how can we find that evidence that was lost years ago?" tanong ni Terson.

"Kung nawala ang evidence na ito sa mga pulis, hindi malabo na hindi pa ito nawawala sa taong may hawak nito ngayon," I replied.

"What if instead of finding a thing that's impossible to find, why not hanapin na lang natin ang manufacturer ng bagay na ito?" Caz suggested.

"That's brilliant, Caz. Sige, inaatasan kitang mamuno na misyon na 'yan habang ginagawa ko ang pinapautos ng Supremo sa akin." Dahil sa sinabi ko ay nagkatinginan silang tatlo.

"Hindi ka sasama sa amin sa paggawa ng misyon na ito?" Mababakas ang gulat at pagkalito sa mukha ni Jerome.

"No, I have more important things to do," I said at iniwan na sila sa loob ng office.

So... Paano ko sisimula ang pag-iimbestigas kay Midnight nang walang nakakapansin?

"Happy anniverssassin. Midnight!"

Tumigil ako sa pag-iisip at paglalakad ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa katabing office. Dahil may kaunting siwang sa pinto nila ay sumilip ako roon.

Napakakalat ng loob ng office nila dahil sa mga confetti sa sahig at mga lobong nakalutang sa kisame. Ano ba'ng nagaganap dito?

"Thank you, guys!" Hindi ko man makita ang kabuuhan ng mukha ni Midnight, pero alam kong nakangiti siya ngayon dahil sumingkit ang mga mata niya.

Oh... so it's her anniverssassin today?

Anniverssassin ito ay ipinagdiriwang upang gunitain kung kailan sila itinalaga bilang leader ng kanilang grupo. Kung tutuusin ay ilang taon na ako rito at naabutan ko ang Underworld na wala pang grupo-grupo na katulad ngayon. Nagsimula lang naman magkaroon ng grupo simula nang mawala siya.

Nang akmang aalis na ako ay bigla namang nag-ring ang phone ko. "Shit!" pabulong kong daing. Tumingin ako sa direksyon ng Fencers at nakita kong nakatingin sila sa akin ngayon. "What are you looking at?" taas-kilay kong tanong.

"E ikaw, what are you doing here? Are you spying on us, huh?!" galit at pasigaw na tanong ni Midnight.

This girl is really getting on my nerves na! Kung hindi ko lang siya kailangan para tulungan ako ni Dex ay matagal ko na siyang nabaril. If only I could tame her... wait! That's a brilliant idea! I need her to fall in love with me para makuha ko ang loob niya at madali ko na siyang maiimbestigahan nang hindi niya napapansin.

"Ano ba kayo! Wala ba kayong manners?" pagbasag ng bakla niyang ka-group sa tensiyon na namamagitan sa amin. Lumapit siya sa akin at kinalawit ang braso niya sa akin. "He's our Prince outside the Underworld so we should invite him to our celebration." Hinigit niya ako papasok at pinaupo sa sofa.

Nang maayos na ang lahat ay sinimulan na nila ang program para sa celebration nila. May mga games silang hinanda at sila rin ang naglaro. Ang ibang miyembro rin ng Fencers ay narito bukod sa main 4 ng grupo nila. Bakas sa mukha nila ang saya kahit sa simpleng ganito lamang.

Habang pinapanood sila ay aksidente kaming nagkatinginan ni Midnight, nginitian ko siya pero inikutan lang niya ako ng mata. What a spoiled brat.

"Sumali ka naman sa amin, Night!" paanyaya ng isip-batang Fencer. Hinigit niya ako at pinasali sa larong "Trip to Jerusalem".

Wala akong nakawa kundi gumalaw habang inaabangan ang paghinto ng music. Yung ibang miyembrong naalis na kanina ay niloloko kami na ihihinto ang music ngunit patibong lang iyon.

Lumipas ang ilang minutong paglalaro, marami nang naalis at dalawa na lang kami ni Midnight na natitirang matibay. Patuloy lang ang pag-ikot namin hanggang huminto ang music.

Sabay kaming umupo ni Midnight sa isang natitirang upuan na naging dahilan ng pagkaputol ng paa nito. Bumagsak ako sa sahig dahilan upang napadaing ako, at kasabay niyon ay ang pagbagsak ni Midnight sa ibabaw ko.

Napatingin ako sa mga mata niya. Napakalalim ng kulay asul niyang mga mata. Pinakatitigan ko pa 'yon hanggang matamaan ang mata niya ng ilaw na umiikot bilang party lights. Parang biglang naging transparent ang asul niyang mga mata, at sa likod nito ay panandaliang naging kulay ginto, ngunit sa pagkurap ko ay bumalik din sa dati.

"Ano, wala kang balak na bitawan ako? Sarap na sarap kang nasa ibabaw mo ako?" inis niyang tanong na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

Agad ko siyang tinulungan tumayo. Pinagpagan niya ang damit niyang nadumihan dahil sa pagbagsak namin at saka ako masamang tiningnan.

"Umalis ka na, Night. You're just ruining my special day."

Assassin's WorldWhere stories live. Discover now