10 ⚔️ The Ranking

1.1K 78 11
                                    

BRIANNA ZAFFRIE COLTON

"Paano ba 'yan, Gunster, ako na naman ang nagwagi," mapang-asar na sambit ko nang tuluyang mawalan ng buhay ang killer.

"We are supposed to make her surrender, pero sa ginawa ninyong pag-atake, we failed to save her from your wrath," ani Caz.

Agad niyang naagaw ang pansin ko. Nilapitan ko siya at tiningnan ang leeg niyang nagkaroon ng kaunting laslas dahil sa ginawa kong pagbato ng shuriken kanina.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano ako tingnan nang masama ni Night Bullet. I turned my gaze to him, pero hindi siya nagpaawat.

"Is there a problem, your highness?" I curiously asked, dahilan upang bumalik siya sa katinuan.

"W-wala... May iniisip lang ako," nauutal na sagot niya. "Gunster, let's go. Bumalik na tayo sa Underworld." After that, iniwan na nila ako roon at umalis na.

Naglakad na rin ako paalis at para puntahan ang Fencers na nakikipaglaban pa rin base sa naririnig ko sa earpiece.

"Retreat, Fencers, tapos na ang misyon natin dito."

"Midnight! Tulungan mo kami, si Cath may tama!" rinig kong sigaw ni Frizza, kasabay ng pagkalansing ng kanyang espada.

Wala na akong inaksayang oras at kumaripas na ng takbo palabas. Doon, naabutan ko sila na patuloy pa rin sa pakikipaglaban. May mga dumating na back-ups, pero dahil sa dami ng mga knights ay parang hindi ito nauubos.

Agad hinanap ng mga mata ko si Catherine at hindi naman ako nabigo nang makita kong nasa gitna siya nina Thyrie at Frizza at pinoprotektahan siya ng dalawa.

"Tumakbo na kayo at dalhin ninyo si Cath, ako na ang bahalang dumepensa sa inyo," utos ko, kasabay ng pagsaksak ko sa likod ng isang knight.

'Tulad ng inutos ko, inakay nila si Cath at tumakbo na paalis. May ibang Fencers na nakabantay sa kanila at ako ang nasa una.

Dinukot ko ang dagger sa bulsa ko at ibinato 'yon sa isang knight na muntik nang sumaksak sa assassin ko. He thanked me after that.

Habang nakikipaglaban ay unti-unti rin ang naging pag-atras namin hanggang nakahanap kami ng butas kaya tuluyan kaming nakaalis sa Dungeon Station. Agad akong sumakay sa van kung nasaan sina Thyrie at pinaharurot 'yon paalis.

"Frizza, ang first aid kit!" natatarantang sigaw ko, at ibinigay naman niya sa akin 'yon.

Dali-dali kong binigyan ng paunang lunas ang hiwa sa likod ni Cath. Sigaw niya ang nanaig sa loob ng sasakyan habang ginagamot ko siya at nang matapos ay nawalan na siya ng malay.

Ilang minuto lamang ang nilakbay namin pabalik ng Underworld. Nang makarating kami roon ay agad naming dinala si Cath sa infirmary upang tuluyang magamot.

"Magpahinga ka na, Midnight, kami na ang bahalang magbantay kay Cath. Magkita-kita na lang tayo bukas," ani Thyrie.

Dahil sa sinabi ni Thyrie, agad kong naramdaman ang pagod at pananakit ng katawan ko na kanina ay hindi ko pa nararamdaman. Pumayag na rin ako at bumalik sa office para magpahinga.

🗡️

"Yanna, anak, wake up..."

A voice awakened me. I opened my eyes and saw a gorgeous woman smiling at me. Marahan akong umupo at pinagmasdan ang mukha niya.

"Mommy..."

"Wake up, Yanna, hinihintay ka na ng daddy mo at ni Jill sa dining room to have our breakfast together."

I smiled at her at sumama na sa kanya palabas. Nang makarating kami sa dining room, nakita ko si daddy at si Jill na magkatabing nakaupo roon. Sa tabi ni Jill ay nakita ko ang mukha ng isang babae na matagal kong hindi nasilayan.

"Bitch!" sigaw ko nang makita siya. Agad kaming tumakbo palapit at niyakap ang isa't isa. "I miss you!"

She chuckled. "I miss you more, Yanna." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at magkatabi kaming umupo sa dining table.

After our breakfast, lumabas kami ng palasyo para makapagpahangin sa garden, ngunit sa hindi inaasahan ay nakita namin sa swing si Caz at may kasama itong lalaki. I can't lie that boy has a gorgeous face.

Lumapit kami sa dalawang lalaki kaya naagaw namin ang pansin nila. "Who is he?" tanong ko while pointing out the handsome boy.

Tumayo ang lalaki at hinarap ako. Ilang sandali lamang ay inilahad niya ang kanyang kamay kaya tinanggap ko 'yon. "Prince William of Geordan, your highness," he introduced himself as he kissed the back of my hand. "And you are...?"

"Princess Yanna Colton of Europhia," I replied. "And this is my cousin..." dagdag ko at itinuro ang babaeng katabi ko.

Habol-hininga akong umupo sa aking kama. Hawak ko ang aking dibdib habang ina-adjust ang aking paningin sa liwanag. I dreamed about my past again. It's still hunting me down.

Bumalik lang ako sa katinuan nang makita kong pumasok si Frizza sa office. Sa sala pala ako nakatulog, hindi ko na namalayan kagabi dahil sa sobrang pagod.

"Are you okay, Zaff?" I can sense the worry in her tone. I nod as response. "Gising na si Cath at maayos na ang lagay niya. Naitahi na rin ang sugat sa likod niya."

"That's good. Huwag na lang muna siyang makulit para maging mabilis ang paggaling niya."

Pumasok siya sa kwarto niya at agad ding lumabas. "Ngayong araw lalabas ang ranking, mag-ready na kayo," aniya.

Oo nga pala, I almost forgot about it. It's the day where we will find out which group exceled these past missions.

Dahil sa sinabi niya ay agad akong kumilos. Nang matapos ako ay agad akong pumunta sa battlefield dahil doon palaging ginaganap ang pagpapakita ng rankings.

Nang makarating ako roon ay marami ng assassins ang naroon. Dahil isa ako sa mga leader ay agad nahahawi ang dagat ng mga assassins tuwing nakikita nila akong naglalakad palapit sa kanila, hanggang makarating ako sa unahan.

Katabi ko si Night Bullet na kasalukuyan ding naghihintay ng resulta.

"Hindi na ako magtataka kung kami na ang nasa itaas ngayon. Puro palpak kasi kayo nitong nakaraang mga misyon, e," pabulong na pang-aasar ko.

I can see his deadly glare in my peripheral vision na lalong nakapagpatawa sa akin. "You seemed affected, Night. Aren't you confident na kayo pa rin ang nangunguna sa rankings?" Hinarap ko siya. "It seems you didn't."

Akmang magsasalita pa lang sana siya nang biglang dumilim ang battlefield at biglang nabuhay ang napakalaking screen sa itaas. Doon ay lumabas ang isang taong naka purong itim na damit at mata lang ang nakikita dahil balot na balot ito ng kasuotan niya.

"Good day, my assassins. Today is the day na malalaman muli natin kung sino ang mga maghaharing grupo rito sa Underworld. These groups will have some privilages that other groups don't have."

May iba pa siyang pinaliwanag na alam naman na namin dahil paulit-ulit lang niya itong sinasabi tuwing araw ng paglalabas ng rankings.

"So here is it... Congratulations, my baby assassins."

The ranking flashed in the screen. It started from the lowest to highest. "So here are the top five groups. As expected, they are still the five groups who exceled in our missions."

Rank five Armies, rank four Blazer, rank three Venom, rank two Gunster, and rank one is Fencers.

Hindi ko naiwasang mapatalon dahil sa tuwa. Finally, after decades of being here at Underworld, sa wakas ay nanguna na rin ang grupo namin. We finally surpassed Gunster with one fvcking point!

Mapang-asar kong tingnan si Night Bullet na kasalukuyan nang hindi maipinta ang mukha. Masama siyang nakatingin sa akin at kung nakakamatay lang ang titig malamang kanina pa ako pinaglalamayan.

"I finally defeated you, Night Bullet."

Assassin's WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon