Nakita ko kaagad si Andrew na nakaupo kaya nilapitan ko siya.

May mga pagkain na rin na nakalagay sa mesa.

Lumapit na rin pala si Mica kaya nakita niya ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa.

"Wow! Ang daming pagkain. Binili mo to lahat Andrew?" Sabi ni Mica.

Tumango naman si Andrew bilang sagot niya.

Umupo kami kaagad para kainin ang mga binili niya.

Kumakain na kaming lahat pero si Mio ay hindi pa.

"Kain na Mio ang sarap oh" sabi ko at sumubo ako ng pagkain.

"Wala akong gana" sabi naman ni Mio.

Pagkasabi niya nun ay tumayo siya at umalis.

"Hayaan niyo na siya " sabi naman ni Kervin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami ni Andrew sa library para mag review sa quiz.

Nagpaiwan naman sila Mica sa room dahil may gagawin pa raw sila.

Magkatabi kami habang nagbabasa. Pero hindi naman siya nagrereview puro stories lang ang binabasa niya.

Tinignan ko ang book na binabasa ni Andrew at pagtingin ko ay nagulat ako dahil basa yung isang page.

Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak siya.

Kaya pala bigla siyang tumahimik at tumigil siyang magdaldal kanina.

Natatawa ako pero pinipigilan ko.

"Wag ka ng umiyak Andrew okay lang yan" sabi ko habang natatawa.

Bigla naman niyang pinunasan ang mukha niya pagkasabi ko at tumingin siya sa akin.

"Sinong umiiyak?" Sabi ni Andrew.

Tumawa ako lalo dahil sa mukha niya , yung mata niya pulang pula.

"Wag ka na ngang tumawa althea. Nakakaiyak kaya yung kwento namatay yung boyfriend niya. Sabi ni Andrew habang tumawa na rin.

Inaasar ko si andrew na iyakin dahil kalalaki niyang tao ang babaw ng luha niya.

Tumatawa lang din siya.

"Pwede bang sumali sa tawanan niyo?"

Parehas kami ni andrew na napatigil sa tawanan at napatingin kay Mio.

"Upo ka bro" sabi naman ni Andrew.

Umupo naman kaagad si Mio sa tabi ko at kinuha ang librong binabasa ko at tahimik lang siyang nagbabasa.

At ito namang si Andrew ay kumukuha ng patagong picture sa akin kaya kinuha ko agad yung phone ng malaman ko.

"Bakit mo binura? Ang cute kaya" Sabi ni Andrew.

"Anong cute ang pangit nga eh kainis ka andrew" sabi ko naman.

Pero inulit ulit ni Andrew ang pagpicture sa akin ng di ko alam.

Kinukuha yung phone niya pero di ko makuha dahil inilalayo na niya.

"Akin na yan andrew!" Sabi ko habang inaabot ang phone niya.

Hawak ko ang isa niyang kamay at hinihila siya papalapit sa akin para makuha ko yung phone niya pero di ko maabot.

"Isa andrew!" Sabi ko ulit.

"Dalawa!" Sabi naman ni andrew.

Nagulat ako dahil biglang tumayo si Mio sa upuan niya at kinuha niya ang kamay ko dahilan para makatayo rin ako.

Tumayo din si Andrew at nakatingin siya kay Mio.

Napatingin din ako kay Mio at nakatingin din siya kay andrew.

"Ummm guys anong meron?" Sabi ko sakanilang dalawa.

Wala akong narinig na sagot sa kanilang dalawa.

Hinila lang ako ni Mio palabas ng library. At naiwan si Andrew doon.

"Teka Mio. Saan tayo pupunta?" Sabi ko.

Huminto naman kami sa pagkakalakad. At humarap siya sa akin.

"Gusto lang kitang masolo althea bawal ba?" Sabi naman ni Mio.

Nakatingin lang ako kay Mio at hindi nagsasalita.

"Althea simula ngayon ako na palagi mong kasama okay ako na maghahatid at susundo sayo." Sabi ni Mio.

Hindi niya naman kailangan gawin yun.

"Pero ---"

"Sa ayaw at sa gusto mo althea"

Be My ManWhere stories live. Discover now