Halata kasing mamaya pa ko makaka-alis dito. Hindi ko na maabutan pa yung isa kaya pinaki-usap ko na kay Yuri.

Agad naman sya'ng sumunod. Very good! Very good!

Binalikan ko tong bata'ng nakayakap sa binti ko. Iyak pa rin sya ng iyak, eto namang mga ulupong na to nanunuod lang.

Hinawakan ko yung muka nya at hinarap sakin.

"Ci-N! Hindi ako aalis! Wala'ng aalis!" Seryosong sabi ko sa kanya.

Tumigil sya sandali at tinignan ako. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya para maniwala sya'ng totoo yung sinasabi ko. Bumitaw sya sakin at tumayo.

"Totoo?" Tanung nya.

Nag-nod ako agad sa kanya. Pinunasan nya yung luha nya at inayos din yung sarili.

Tinignan ko ng masama ang mga luko. Sa halip kasi na tulungan ako, pinanuod lang nila kami.

Bwisit!

"Tara na! Kailangan nating puntahan yung isa!" Sabi ko at agad na tumakbo papunta ng main building.

Agad silang sumunod sakin.

Hindi nga ako nagkamali. Si Aries nga ang pinuntahan ng walang hiya at nagsimula na sila ng away.

"Tama na Keifer!" Sigaw ni Yuri habang inaawat si Keifer at Aries.

Pero ayaw bumitaw nitong Hari sa kwelyo ni Aries. Pati mga Section A nakiki-awat na rin. Nagkaka-gulo na yung mga ibang istudyante.

"Tara na! Dito na natin tapusin to!" Hamon ni Aries sa kanya.

"I will really END this now!" Galit na sagot ni Keifer.

Tinignan ko yung mga kasama ko. Akala ko kaya sila sumunod para awatin tong Hari ng mga Ulupong na to. Pero nanunuod lang sila ulit.

Ang galing nyo dyan!

"Ay baka po gusto nyong maki-awat?!" Sarcastic na tanung ko sa kanila.

"Hindi na... Yaan mo ng mabugbog yang pinsan mo." Sagot sakin ni Drew.

Tinignan ko sya ng masama. Kung sya kaya ang bugbugin ko dahil sa utang nya sakin na parang hindi na nya maalala.

Tuwing sisingilin nabibingi.

"Awatin nyo!" Inis na utos ko sa kanila.

Kahit mga halata'ng napipilitan lumapit agad sila kay Keifer. Lima agad silang humawak sa kanya bukod pa kay Yuri pero para'ng mga hirap pa rin sila.

"Let go of me!" Sigaw ni Keifer kila Felix at iba pa na may hawak sa kanya.

"Tama na Keifer!" Sigaw ni Yuri.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Ayaw kasi talaga nya'ng magpa-awat. Gusto talaga ng away. Anu ba?!

"Hindi talaga magpapa-awat si Keifer!" Sabi ni Eman.

Hindi ko na kaya pang manuod lang. Agad akong tumakbo palapit sa kanila at pilit pumagitna. Halos mapipi ako sa pagsasagupaan ng dalawa pero hindi ako nagpatinag.

Tinulak ko si Keifer ng buong lakas kaya nakakuha ng pagkakataon sila Felix na ilayo sya at pigilan sa pagsugod.

"Tama na! Tama na! Awat na! Please lang!" Sigaw ko habang nakapa-gitna.

"Pwede ba?! Umalis na kayo ng mga basura'ng yan dito!" Sigaw samin ni Mykel.

Tinignan ko sya ng masama. Makapagsalita kala ko naman napaka-linis, hininga nga nya amoy basura eh.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now