Friendship

1 1 0
                                    

Dear Diary,

Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganito. Dati naman aobrang close kami. Pero bakit ngayon daig pa namin ang may pader sa gitna namin kahit na magkatabi lang kami?

Sa tuwing magkakasalubong kami para bang hindi nya ako nakikita. Umiiwas sya ng tingin na para bang hangin lamang ako sa kanya.

May nagawa ba ako?

Ayaw na ba nya akong maging kaibigan?

Samantalang noong bago lang sya dito sa School ako lang ang bukod tanging kumakausap sa kanya dahil inaayawan sya. Ako lagi ang nagtatanggol sa kanya sa panahong inaapi sya. Ako lagi ang nandyan para magpunas sa mga luha nya kapag umiiyak sya dahil sa pambubully ng mga mga classmates namin. Ako ang naging sandalan nya noong panahong naghiwalay ang Mama at Papa nya. Nagturingan kaming parang magkapatid.

Pero ngayon, hindi ko na alam.

Hindi na nya ako siguro ako kailangan dahil nagkaroon na sya ng ibang kaibigan simula noong pinilit ko syang isali sa table tennis. Gusto ko kasing gawin nya ang mga bagay na dati pa nyang gustong gawin ngunit takot lamang sya. Takot syang mareject.

Sobrang namimiss ko na ang bonding namin sa umaga. Na sabay papasok at kakain kapag lunch time. Kakain ng isaw, tokneneng at kwek kwek malapit sa paradahan ng bus.

Miss ko na ang lahat ng iyon. At miss na miss ko na sya.

Kailan kaya babalik ang dati?

Sa panahong umiiyak kami sa kakatawa sa mga biruan namin. Sa panahong pareho kaming kikiligin kapag may nakita kaming poging dumaan. Sa panahong karamay namin ang isa't isa.

Pero alam ko, babalik sya. Babalik ang dati. Di man sa ngayon pero darating din iyon.

At kapag dumating ang araw na iyon, nandito parin ako tatanggapin sya bilang kaibigan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Diary,Where stories live. Discover now