EPISODE 16

220K 1.2K 20
                                    

Maggie's P.O.V.

Ang tagal naman ni Kuya. Kanina pa kami naghihintay ni Ate Claire dito sa labas ng supermarket. Sinamahan ko kasi siyang mamili ng ilang groceries na kailangan nila para magkalaman naman ang pantry nila. Pero ito namang si Kuya na siya mismong nagsabing susunduin niya kami ng ganung oras ay isa't kalahating oras nang late!

Sa sobrang pagka-inip ko, ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Bernard. Magpapasundo na lang sana kami. Pero hindi naman siya sumasagot. Malamang ay sobrang busy.

"O ayan na pala si Mike," nakangiting sambit ni Ate Claire habang tinatanaw ang papalapit na kotse ni Kuya.

Hay nako! Napakapasensyosa talaga ng isang ito. Hais! Ang swerte ni lalake, ang malas ni babae.

"Pasensya na, medyo ma-traffic," pagdadahilan ni Kuya nang makapasok na kami sa kotse niya. "May dinaanan pa kasi ako."

"Okay lang 'yun, sweetheart," sabi ni Ate Claire. Dun siya nakaupo sa unahan katabi ni Kuya at ako sa likod dahil ako 'yung asungot.

"Anong okay lang?" pagtataray ko. "Isa't kalahating oras kaming naghintay, 'no. Sinayang mo ang oras namin! Tinawagan ko na nga ang best friend mo para sama sunduin kami, buti hindi sumagot, kung hindi baka namuti na ang mga mata mo dito ngayon!" reklamo ko.

"Si Bernard?" sagot niya, "Hindi sasagot 'yon. Nasa opisina niya kanina si Cristelle eh. Actually, doon ako naggaling eh."

Natigilan ako.

"S-sinong Cristelle, kuya?"

"Ah! 'Yun ang one and only true love ni Bernard. 'Yun ang pinakaseryoso niyang naging nobya. In love na in love 'yung mokong na 'yun d'on eh. Nagkahiwalay lang sila dahil nangibang bansa si Cristelle pero ngayong bumalik na, mukhang magkakabalikan na ulit. Ang ganda n'on, modelo."

Napalunok ako. Bigla ring narindi. 'Yun kaya ang dahilan kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Pag-uwi ko sa condo, bigla akong naging curious. Sino si Cristelle? Anong kayang itsura niya?

Napahalwat tuloy ako sa mga photo albums ni Bernard. Wow. Halos lahat ng photo albums niya, siya at si Cristelle ang laman.

Paano ko nalaman?

May mga labels kasi ang likod ng mga pictures. May nakalagay dun sa isang sweet photo nila together: Me and my only love, Cristelle. Sulat kamay ni Bernard. May isa pa, Me and my future wife. May isang photo si Cristelle bilang modelo, sinulatan ni Bernard sa likod. My life... Mrs. Cristelle San Juan-Alonzo.

Shit lang.

Bakit ang sakit? Hindi ko pa naman din kumpirmado na nagkakamabutihan na sila ulit, pero bakit ako nasasaktan?

Siguro kasi, naiinggit ako.

Ang dami nilang memories.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Samantalang kami, puro sex trippings lang.

And then it hit me. Ilang buwan na kaming secretly nagde-date o nagli-live in. Heto nga at malapit na kaming magkaanak, but we never had any picture together at all.

Napaluha ako. Nai-insecure ako. Naiinggit. Una, dahil nauna si Cristelle sa akin. Pangalawa, dahil mukhang siya pa rin talaga ang inuuna niya before me. For the first time kasi, he ignored my calls, and texts.

Sabi nila, first love never dies. Totoo kaya 'yun? Kung totoo 'yun, anong laban ko?

I feel so down and my surging pregnancy hormones doesn't help. Kailangan ko ng makakausap. I need to talk to my friends.

"First love never dies!" utas ng tatlong barkada ko in perfect unison. Palibhasa lahat sila ay kasal sa first boyfriends nila.

Mukhang mali yata ako ng nilapitan. Lalo kasi akong na-depress. Hindi naman nila alam ang sitwasyon ko. Nagpanggap lang ako na humihingi ng opinion, na kuwari'y alang-alang sa isa ko pang kaibigan.

"Paano kung puro sex ang inaatupag nila nung boyfriend niya, sa tingin niyo ba may laban siya dun sa first true love na nagbabalik?" tanong ko. Kunwari ay itinatanong ko 'yun para sa isang kaibigan kong confused.

"Ahhh! Wala 'yan," sagot ng isa sa tatlo. Si Kathy. Ang pinaka-matured sa aming apat. "Kung ang tingin lang sa kanya ng boyfriend niya ay sex object, pampalipas oras lang 'yang friend mo. Kapag dumating 'yung tunay na mahal, wala siyang magagawa. Masasaktan lang siya. Kaya kung ako dun sa friend mo, kumalas na siya habang maaga pa. 'Yun ay kung ayaw niyang madurog siya sa huli."

And then my mind went blank.

Kathy was right.

Masakit. Sapul sa mukha ko at sa dibdib. But she was right.

I am no one but a sex object. 'Yun ang tunay na titulo ko sa buhay ni Bernard.

Pampalipas oras.

Pampalimot sa masaklap na nakaraan.

Panakip butas.

Pangtanggal inip.

Parausan.

Ni hindi man lang nga dumaan sa courtship ang relasyon namin.

Sex kaagad.

[ITUTULOY]

S. T. Book 1 [PUBLISHED] [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon