Chapter 11♥♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero imbis na masaktan, tumatawa pa ang kumag!

“Wow! Napaka-sweet mo talaga.”

“Ano ba? Pasa ba ako o hindi?”

“Pasado ka,” bigla akong natulala.

What?

Ako pasado?

It means sa London ako mag-aaral?

“Oh! Natahimik ka naman? Ayaw mo ba?” biglang tanong ni Zandro.

“A-ano…” hindi ko alam ang sasabihin ko.

Halos isang buwan din akong nag-review para sa international scholarship na iyon.

Kasabay kong kumuha ng test ang kaibigan kong si Patty.Galling ito sa mayamang pamilya pero trip nitong mag-apply sa isang scholarship.

“Don’t worry sweet, pumasa din naman ako eh. Kaya huwag kang mag-alala na ba ka ma-miss mo ako.” Naka-ngising sabi ni Zandro.

Tinapunan ko lang ito ng masamang tingin. Bigla naman itong tumawa.

“Ikaw naman oh, huwag mo naman masyadong ipahalata ang pagnanasa mo sakin.” Patuloy pa rin nito sa pang-aasar.

“Eh kung itapon kaya kita sa creek!”

“Okay lang,” Ay talaga naman!

“Teka nga, bakit kumuha ka rin ba ng scholarship?”

Mayaman sina Zandro, katunayan na ang ama nito ang isa sa mga may-posisyon sa school namin.

“Hindi porket mayaman at gwapo ako, hindi na ako pwedeng kumuha ng scholarship.” Hindi talaga pwedeng hindi isisingit ang sarili niya!

“Malala ka na.” wala na akong ibang masasabi pa kay Zandro.

Wagas ang kayabangan niya! Nasalo lahat eh!

“But seriously, I apply the scholarship because I want to prove something.” Seryosong sabi nito. Napakunot noo ako sa sinabi nito.

At mukha talaga itong seryoso!

“Ha?”

“Never mind. Baka kapag sinabi ko pa lalo ka lang ma-in love sakin.” Bigla naman itong bumalik sa kayabangan.

“Ewan ko sayo!”

Pagabi na ng magpasya kaming umuwi ni Zandro.

Yes! Nag-liwaliw pa muna kami. Habang inililibot ang buong mall, nasabi na niya na may meeting ang mga nakapasa sa scholarship sa Monday.

Sinabi rin niya na biglaan din ang paglalabas ng test result. At siyempre hindi mawawala ang kayabangan ni Zandro habang magkasama kami.

But I felt this time na hindi na masyadong nakaka-asar ang mga hirit niya. Actually masaya kasama si Zandro no wonder kung bakit siya ang crush ng kaibigan kong si Sarah.

Medyo nakalimutan ko na rin ang pag-e-emote ko about kay Aiden…

And speaking of Aiden… bigla ko na naman naalala ang kasama nito sa picture.

Bigla tuloy akong napa-buntong hininga.

“Hey,” untag ni Znadro.

“Tired?” tanong nito. Medyo nga pagod na ako. Kanina pa kami paikot-ikot sa mall.

“Sort off…” bigla akong napahikab. Well, pagod na nga siguro ako.

“Okay, ihahatid na kita.” Pagkasabi noon biglang hinawakan ni Zandro ang kamay ko.

“Kanina mo pa ako hinahawakan sa kamay,” sita ko dito.

Kanina pa ito, kung hindi naka-hawak sa kamay, naka-akbay naman. Hindi ko na lang sinisita dahil shock pa ako sa pagkapasa ko.

But this time parang nakakarami na si Zandro.

“Kilig ka naman?” batok ang naisagot ko kay Zandro na ikinatawa lang ng huli.

Nasa parking lot na kami ng bigla akong mapahinto.

Parang biglang tumigil ang nas paligid ko dahil sa lalaking naka-suit.

At hindi lang basta lalaking naka-suit!

A very to the nth power handsome guy in a black suit! Oh my gosh!

Si Aiden, first time kong makitang naka-formal attire!

Anak ng sampung tupa!

___________________________________________

wheeeww!!! FINALY!!! ahahahha!! XD

i miss writing!! SUPERB BUSY!!

any way, itong chapter na ito ay dedicated kay Zandro...himself!!!

ahhahahah.. yeah!! totoo pong tao si Zandro!! well, minus the "yabang personality"

sana lang hindi niya ako masakal if ever na mabasa niya ito!!! XPPP

okay Zan, this is for you!! palaki ka huh!!! ahahhaha!! *wink* (matangkad in real life yan)

any way again, malapit na ang GRADUATION DAY!! *confetti*

at sana makapasa ako sa uneversity !!! XD

advance HAPPY GRADUATION sa mga taong nagbabasa na this year ang graduation :)))))

ahahahhahahaha!!!

vote, comment and fan????? XD

xOx :))))

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon