"We will play, sasali ka," ani Aly sa kanya na nakangiti. Umiling naman si Cherinna. She's not used to it. Hindi siya sanay na nakikipaglaro sa mga batang hindi niya kilala kahit pa sabihin na kaklase niya ang mga iyon. Mas sanay siyang mga pinsan niya ang nasa paligid niya, at sina Lean at Enzo.

"Sali ka na, Cherinna," ani ng isang bata na kulot ang buhok na hinawakan pa ang kamay niya. Umiling muli si Cherinna. "Ayaw ko," sabi niya bago tumingin sa direksyon ni Jahann upang magpatulong. Nakatingin lang si Jahann sa kanila.

"Sasali ako, kaya dapat sasali ka rin kasi kambal tayo..." hinawakan ni Aly ang braso ni Cherinna. Tuluyan na siyang napasimangot.

May kinse minutos na silang naglalaro nang magsalita si Cherinna. "Ayoko na talaga," reklamo niya. Kailangang magkampihan sa laro na ginagawa nila. At wala namang pinapansin si Cherinna sa mga kakampi niya kaya natatalo sila.

"Ibang laro na lang tayo," sabi naman ulit ng kulot na batang babaeng humawak kay Cherinna kanina.

"Anong laro naman?" isang batang singkit ang nagsalita.

"Kasal-kasalan!" masiglang sagot ng batang kulot. Nagpapalipat-lipat lang ang tingin ni Cherinna sa mga ito. Hindi naman niya alam ang mga pangalan ng mga kalaro.

"Kasal-kasalan?" tanong ulit ng singkit sa batang kulot. "Wala naman tayong lalaki, eh..." luminga-linga ito. Puro nga lang silang babaeng naglalaro.

"Uhm..." tumingin siya sa paligid. "Ayun!" itinuro nito si Jahann. "Si Jahann na lang!"

Sinundan ni Cherinna ng tingin ang itinuro ng babae. Nakaupo si Jahann habang naglalaro ng Rubik's cube.

"Jahann! Jahann!" si Aly ang tumawag dito. Tinignan naman ito ni Jahann.

"Cherinna, tawagin mo si Jahann," tulak ni Aly sa kanya. Tinignan niyang muli si Jahann na nakakunot ang noo sa kanila. "Dali na!" muli siyang tinulak ni Aly.

Halos padabog naman na lumapit si Cherinna kay Jahann. Nakatingin lang ito sa kanya.

"Sali ka raw sa amin," nakasimangot na sabi ni Cherinna rito.

"I don't want to," sabi nito bago muling yumuko sa nilalaro nito.

"Sumali ka na!" hinawakan ni Cherinna ang kamay ni Jahann at hinila ito papalapit sa iba pang bata na naroon. Hindi naman na nagreklamo si Jahann ngunit bakas sa mukha nito na ayaw nitong makisali sa mga batang iyon.

"Game na," hinawakan ng batang kulot ang kamay ni Jahann. Tinignan naman ni Cherinna iyon. "Ikaw 'yung groom," sabi pa ng babae kay Jahann. Hindi naman ito kumikibo. Mas kumunot ang noo ni Cherinna nang sabihin ng batang iyon na siya dapat ang bride ni Jahann.

"Bakit si Jahann ang groom mo?" tanong ni Cherinna sa bata.

"Wala naman kasing ibang pwedeng groom dito, eh... may nakikita ka ba?" bahagya pang tinaasan ng batang kulot na iyon si Cherinna. Luminga-linga si Cherinna. She saw Dean. "Si Dean na lang ang groom mo. Hindi pwede si Jahann..." nagsisimula ng mainis si Cherinna.

"Si Jahann nga ang groom ko!"sigaw ng batang babae kay Cherinna.

"You're annoying!" humalukipkip si Cherinna.

"Mas annoying ka. Groom ko nga si Jahann, eh!" galit na sabi ng bata kay Cherinna.

"Hindi nga pwedeng si Jahann ang groom mo, ang kulit-kulit mo. Groom ko si Jahann. Diba, Jahann?" tumingin siya kay Jahann. She admires her dad so much. And Jahann's like his Dad. Kaya malapit talaga si Cherinna kay Jahann. She's possessive of him, as well.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon