The Girl Who Destroyed The World

Magsimula sa umpisa
                                    

Last 2 subjects ang TLE at music. Medyo palpak 'yung schedule, isang oras ang binigay para sa TLE kahit na 30 minutes lang ang kailangan kasi maikli lang 'yung exam. So ang ginawa nung mga nasa ibang section, ginamit 'yung natirang 30 minutes ng TLE para sa exam sa music. Bale 11:00 pa lang tapos na sila (11:30 ang dismissal).

Samantalang kami, iniwan kami nung proctor namin pagkatapos naming mag-TLE. Wala pa 'yung mga test paper para sa music kaya hindi pa kami nakapag-umpisa ng maaga. Well nung una, oblivious kami to the fact na ginamit nung other sections 'yung extra time para magsagot na in advance. Pinalabas kami nung proctor para mag-review matapos ng TLE test. Syempre 'yung iba naming mga kaklase, ultimate kapalmuks mode on na. "Wow, tingnan mo, tayo pa lang ang lumalabas, ang talino talaga ng section natin" and crap. Pero nung 10:45 na at hindi pa rin lumalabas 'yung mga taga-ibang section, nagtaka na kami.

Classmate 1: Umalis na 'yung proctor natin [sa TLE]. Siguro siya pa rin dapat ang proctor sa music, hindi lang niya alam.

Classmate 2: Sus, nakalimutan na may music exam pa tayo.

Classmate 1: Bale exempted na tayo.

Classmate 2: Tara, uwi na.

Pagdating ng 11:00, dumating 'yung adviser namin, dala-dala na ang mga test paper para sa music. WOOHOO! HAPPY NEW YEAR!!! Ang ingay talaga sa room. 'Yung mga kaklase ko, parang mga probinsyanong kamag-anak na nag-we-welcome ng balikbayan... na adviser. Ang ingay talaga. Tinataktak (shet 'di ko alam ang onomatopoeia nun) nila 'yung mga upuan nila. Parang new year's celebration, ang ingay, kulang na lang may magtorotot at maputulan ng kamay.

Pero 'yung mismong exam sa music, shet. 'Di namin alam 'yung mga sagot. Parang hindi kasi naturo sa amin 'yung ibang andun. Kaya dinaan namin sa hula. Hindi pa ako tapos magsulat nung pangalan ko, pinasa na ni kupal classmate 'yung test paper niya. 'Yung iba, natapos na 'yung test in 5 minutes. And to think na may mga kaklase akong gumawa pa ng kodigo sa music nung free time kuno namin. On the bright side, hindi rin nagamit nung mga tungak 'yung kodigo nila dahil mali 'yung inilagay nilang info... wala na rin silang nagawa kundi manghula.

---

Pagkatapos ng exam, wala pa 'yung service (maraming salamat sa engot kong kapatid na nagsabing 12:00 pa ang dismissal at hindi 11:30). Kaya bumili muna kami ng donut. Hindi namin nakasalubong si Valerie Concepcion, pero naroon sa bilihan ng donut si ex-crush.

Sa sobrang tagal ng service... wow natikman na ata namin lahat ng klase ng donut. Kulang na lang bilhin na lahat nung nasa estante. Tapos 'yung iba kong ka-service, bumili pa ng siomai with rice sa kabilang tindahan.

Nalusaw na yata lahat ng donut sa tiyan namin pero wala pa rin 'yung service. 'Yun nga lang, andun na pala; hindi lang namin napansin.

END OF SEGMENT

===

Serious storytime... 203480289356 times ko na sigurong narinig 'yung "mukha kang bitch" remark in regards sa... mukha ko. Eh, not really "bitch" per se... to paraphase - hindi ako mahilig ngumiti. Pero walang kinalaman 'yan sa topic. Yata.

Minsan talaga nakakatakot makihalubilo sa tao. I love my friends, I hate everybody else. Joke. I like nice people, I tend to be indifferent towards others. At sana indifferent na lang din sila pagdating sa 'kin dahil shet, takot ako sa kanila? Eek.

Minsan nararamdaman kong masyadong negative ang tingin ko sa tao. Parang akala kong naiirita sila sa akin. Siguro hindi naman palagi. Pero takot pa rin ako sa kanila.

Minsan sasabihin nilang may gamot daw para sa "disorder" na ito. "Sus, wimp, go out, socialize, get a life". It works with some, yes, pero punyemas mahirap kasi eh! [To clarify once again: I have friends - not a plethora of fake ones. Hindi man sila ganun karami, at least authentic naman... as far as I know. Argh!!!]

===

May isyu.

Ano ba kasi 'yung insektong bumubuo ng cocoon sa pader ng kwarto? Dafuq? Parang kakulay nung peanut kisses 'yung cocoon nila. Minsan may lumalabas na puting baby larva or whatever. Minsan gumagapang 'yung cocoon. At minsan gumagawa sila ng bahay sa tabi ng kama ko. Putaragis, binubunot ko pa 'yung mga cocoon gamit ang tissue. And to think that natutulog ako SA MATTRESS NA NASA FLOOR. Accessible to insects everywhere. Merienda time.

Sila raw 'yung tinatawag na "plastic bagworms". Kasing-sahol lang ng mga ipis. At pareho ko silang gustong burahin mula sa daigdig.

===

CAT SEGMENT: 24 January 2014

Hindi na by platoon ang CAT. By section na dahil nag-pa-practice kami para sa fancy drill. And, you know, dahil magkakaklase ang mga nasa platoon, talagang tawanan to the max. Well, syempre may rules sa CAT pero parang informal talaga 'yung session or whatever kanina. We will all go to some sort of CAT jail, possibly, maybe, perhaps, whatever. Bahala na.

Sabi ko noon, nasa amin ang pinakasadistang platoon leader evur [MWAHAHAHAHAH] *insert Beethoven's 5th symphony here*... well... siya ulit ang platoon leader ko, kaklase ko siya, baka may Wattpad siya, baka masapak niya ako kung nakita niya 'to. (at sa lahat ng nagtatanong kung masochista ako... I neither confirm nor deny this allegation)

Walang inspection. Sayang ang napakatagal kong pagpapaayos ng buhok.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon