Vice Ganda

5.3K 68 12
                                    

Hello! I'm Jose Marie Viceral aka Vice Ganda. I think, lahat naman kilala ako. I'm fo-- basta hindi pa ako one hundred. I'm proud and out gay. Halata naman diba?

Hindi sa nagmamayabang pero parang ganon na din. Charot! Isa ako sa nabibilang na pinakamagaling na artista sa bansa. Isa akong komediyante at host sa isang programang noon-time show na It's Showtime at tuwing linggo naman ay sa sarili kong show na Gandang Gabi Vice. Oh diba? Pak na pak!

Matagal na ako sa mundo ng pagiging artista. Hindi madali ang araw-araw kang makikisalamuha sa iba't-ibang tao na minsa'y gusto ka, ayaw ka, at pina-plastik ka. Sa tagal ko na sa nakasanayang trabaho, ay marami na rin akong nakilala. Katulad nila Vhong, Billy, Anne, Ryan, Kuya Kim, Tyang Amy, Cutie pie Jhong, Jugs & Teddy, Hashtags, Girltrends, etc. na naging malapit sa akin dahil sa araw-araw kong kasama.

At syempre, di ko malilimutan ang nag-iisang binibining nakilala ko at naging malapit sa akin. Si Ana Karylle Tatlonghari. Karylle, Kulot, Sakang, K, kahit na anong itawag sa kanya. Basta nag-iisa lang siyang Kurba ko.

Ilang taon na yung Showtime. Ilang taon na rin kaming nagkakasama. Monday to Saturday ang Showtime, Monday to Saturday ko din siya nakakasama.

Dumaan pa ang ilang taon, mas lalo ko siyang nakilala. Iba siya eh. Iba siya. Sa taong lumipas na magkaibigan kami, ay di lang pala pagmamahal bilang isang kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagkaroon pa nga kami fans ni Karylle dahil sa nausong ViceRylle na pinagsamang pangalan namin ni Karylle. Ewan ko ba diyan sa mga fans na yan. Haha. Gayunpaman, ako'y nagpapasalamat at nabuo ang love team na ito kaya't nakakaiskor ako. Charot! Hahaha.

Ang sarap. Ang sarap sa feeling ng may ka-tandem ka. Lalo pa't gusto mo din yung ka-tandem mo. Yung inspired ka lagi pag Sine Mo'To, yung may kaharutan ka, may kasama ka magpakilig, yung may inaasar-asar sayo. Nung una nga, naiinis ako kay Direk Bobet, sa dinami-rami bakit merlat ang pinartner sakin. Haha. Pero dati lang 'yon ha?

Ilang taon na ang lumipas. Ang tagal. Ang tagal ko ding tinago yung nararamdaman ko kay Karylle. Sa taong nagtagal, di ko namalayan na nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Wala namang masama hindi ba? Tao din naman ako. Half-half nga lang. Chos!

Iba na yung pakikisama ko sa kanya. Ibang-iba kumpara kila Anne at sa mga babaeng malapit din sa akin. Yung tipong, special siya sa akin. Yung tipong, gusto ko araw-araw lagi ko siya kasama, kausap, kalambibgan, etc. Basta mga ganon. Yung tipong ayokong may ibang magpapa-picture sa kanyang lalaki, ayokong hinahawakan siya ng iba. Possessive na kung possessive, mahal ko siya eh.

Unti-unti akong binago ni Karylle. Less make-up, less hair extensions, less short-shorts, lahat ni-less ko para sa kanya. Kulang na nga lang iannounce ko sa TV na lalaki ako.

Ngunit sa kabila ng lahag nang 'yon, ay hindi niya alam na ginagawa ko 'yon para sa kanya. Masakit. Masakit para sa akin na hindi mapansin yung mga bagay-bagay na ginagawa ko para sa isang tao. Oo, matampuhin ako, maramdamin, ma-pride. Pero siyempre, dahil mahal mo yung tao, kakalimutan mo lahat nang 'yon para sa kanya.

Napansin ng lahat yon. Lalo na nila Billy at Vhong. Lagi nila ako inaasar sa backstage kay Karylle pero di nila pinahahalata kay Karylle. Pati nga fans ng love team namin eh, nakahalata na. Di ko alam kung sadyang manhid ba talaga siya o kung ano.

Nagkaroon ako ng self-titled na album yun nga, yung Vice Ganda. Halos lahat nga ng kanta doon ay para sa kanya eh. Haha. Ang mais ko no? Pero wala eh. Don ko lang maieexpress ang sarili ko sa kanya. Sa pamamagitan ng musika.

Mas inamin ko sa sarili kong mahal ko siya nang nagiging iba na din ang turing niya sa akin. Di nawala yung mga good morning texts niya, good night texts, minsan tatawag pa para lang kausapin ako. Hehe. Syempre, ako naman itong si gaga, kilig na kilig.

LOVETEAM WITH BENEFITS • VICERYLLE [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon