CUMservative

8.1K 74 4
                                    

"Si Vice manlilibre sa atin mamaya syempre," pangakakantyaw ni Vhong kay Vice at tinapik pa ang balikat ng huli.

"Nako nako Ferdinand wag mo kong dinadaan-daan sa ganyan ganyan mo ha," sabi ni Vice na prenteng nakaupo sa couch kung saan nandoon silang lahat ng magkakaibigan.

Nasa condo kasi sila ni Anne. Ang isa sa magkakaibigan.

"Hoy Yokaba, nung nakaraan tinakbuhan mo kami ah," panggagatong pa ni Anne.

  
"Eh paano ba namang di ko kayo tatakbuhan eh ikaw kaya magbayad ng bill na triple pa ang presyo sa kinakain mo ng tatlong beses sa isang araw, tse!" Sabay irap sa magkakaibigan.

"Hahahaha! Hay nako, hayaan niyo na nga 'yan si Bestie. Basta, wag niyo ipapakilala 'yan sa kasama natin mamaya. Ganda pa naman non. Tsk! Tsk! Oh paano ba 'yan? Akin yun ah! Ako didiskarte don," Sabi pa ni Billy at humiga sa sofa.

"Sayang! Hot pa naman non. Ay brad nako. Nahiya ang hourglass sa kurba non! Hot non puta," Dagdag pa ni Vhong.

"Teka teka teka! Naman eh, si-sino kasama natin mamaya? Maganda? Sino 'yon?" Interesadong tanong ni Vice at umayos pa ng pagkakaupo.

Si Vice ang nag-iisang bisexual sa grupo nilang magkakaibigan. Nagkakagusto sa lalaki, at pati na rin sa babae. Pero kadalasan ay sa babae siya mas nahuhumaling.

"Si Karylle? She's my friend. Mabait 'yon. Maganda pa." Pagpakilala ni Anne kay Karylle.

"Ahhh okay," tipid na sagot ni Vice at bumalik sa pagkakasandal.

"Oh pano? Pano? 7pm tara? Sa dating gawi.
" sabi ni Vhong.

"Ge ge ge, Anne mamaya ha? Si Karylle," pagpapaalala pa ni Billy kay Anne.

"Bestie, ano nga number ni Coleen?" Pang-aasar ni Vice kay Billy.

"Ehh! Ewan ko sayo. Malamang bet mo 'yang babae ni Anne. Kilala kita brad," makahulugang sabi ni Billy kay Vice.

"Wangkosayo," tanging nasabi na lang ni Vice.

***

Alas syete nang gabi ay saktong nakarating si Vice sa sinasabing lugar. Nanatili siyang nakaupo sa sasakyan at unayos ang sarili. Saglit siyang tumingin sa salamin at nag-apply ng manipis na make-up lang.

Ngumi-ngiti pa siya sa salamin para tingnan ang itsura niya na tila ba nagpapractice na ipakilala ang sarili.

Napatingin naman siya sa cellphone niya at nakita ang pangalan ni Anne.

From: ANNE-ning

Bakla! Wala na bang itatagal yan? Billy and Vhong's here. And Karylle, of course.

hindi na niya nireplyan pa si Anne at bumaba na sa sasakyan. Kinuha niya ang gamit niya at huminga oa ng malalim bago sinimulang maglakad.

Pagkapasok niya ng bar ay magulo, madilim, at masikip dahil sa madami ang tao. May mga babaeng sinasayawan na siya at mga lalaking sinayawan din siya. Hindi naman kasi maitatanggi ang kagwapuhan at kagandahang pinagsama sa iisa niyang mukha. (Ay naks naman bays! Oh enge lima)

Nakita niya ang isang table at nandito nakaupo sila Anne, Vhong, billy, at ang Kaibigan ni Anne na si Karylle.

Saglit na napatigil si Vice sa paglakad papunta sa table nila at natitigang saglit si Karylle. Bumalik na lang siya sa realidad ng marinig ang pagtawag nila Billy.

"Oh eto na pala si Vice! Vice!" Pagtawag ni Billy kay Vice. Napalingon naman sa kinaroroonan niya si Karylle.

Nginitian siya ng dalaga at nginitian din naman niya ng huli.

LOVETEAM WITH BENEFITS • VICERYLLE [Rated R]Where stories live. Discover now