Meseket beh

6.2K 73 14
                                    

"Tama na 'yan, Karylle." Pag-awat ng isang babae sa kaibigang walang tigil sa pag-inom ng nakakalasing na inumin.

"M-malay mo Anne...malay mo mag-aalala na siya sa-sakin." Sabi ni Karylle habang patuloy sa pag-inom ng alak.

"Karylle! Wake up! What the-- nag-iisip ka pa ba? Karylle naman, pang ilang beses na ito. Lagi na lang ba ganito? Laging ikaw ang iintindi sa kanya? Porket ba iba siya? Ganun yon?" Sabi ni Anne at tila nauubos na ang baong pagtitimpi sa kaibigan.

"Anne, mahal niya ako. Mahal niya ako. Alam ko yon, Anne! May..may iniisip lang siguro siya, naguguluhan, or maybe he's into something.. pero mahal niya ako, Anne. I trust him." Sabi ni Karylle na naguguluhan at mangiyak-ngiyak na.

Hindi pa naman maile-level si Karylle na lasing. Matino pa naman siya mag-isip (?) At sapat para lang malaman ang kanyang mga sinasabi at ginagawa.

"Karylle, hindi ko na alam gagawin ko sayo. Gusto kita tulungan sa paraang alam ko, pero mukhang ayaw mo sa paraaan ko. Sa bagay, ikaw nga naman 'yan. Gusto kita tulungan kasi kaibigan kita. Ayokong naghihirap ka sa ganyang bagay. Iba na kasi yang sitwasyon niyo ni Vice eh, hindi na tama yung ganyan. Eh, wala eh. Siguro lalayo na muna ako. Hindi na muna kita papakialalamanan." Sabi ni Anne habang inaayos ang gamit at ang sarili.

"How come na ang isang Ana Karylle Tatlonghari na kilala kong matalino at matapang ay naging kabaligtaran ng pagkakakilala ko.." pahabol pa ni Anne.

"Anne, h-hindi naman sa ganon. I'm s-sorry. Pero kasi Anne-- you don't understand!"

"Yes, Karylle. You're right. Di kita maintindihan. Di na kita maintindihan. Yung Karylle na kilala ko, wala na. Yung kaibigan ko wala na. So, I guess we're done here. Goodbye, K." Pagkasabi ni Anne ay agad na ring umalis.

Naiwan naman si Karylle na lumuluha at nagpapakalunod sa alak.

Alas-tres ng madaling araw nang makarating na siya sa condo ni Vice nang langong-lango sa alak. Si Vice ang nobyo/nobya niya. Ilang beses na siyang itinakwil ngunit matindi pa ang pangungulit at pamimilit ni Karylle kumpara sa pulubing namamalimos sa Quiapo.

Ilang beses siyang sinaktan. Paulit-ulit pero di iyon naging dahilan niya para bumitaw sa relasyon nila.

Paulit-ulit na nakikipaghiwalay ang kanyang binabaeng nobyo. Ngunit sadyang mas malakas pa loob ni Karylle sa mga drug pusher, kaya't hanggang ngayon ay may nag-uugnay pa rin sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig at blankong ekspresyon ang ipinapakita ni Vice sa nobya habang naglalakad pababa ng hagdan.

Kahit na alam niyang ayaw siyang makita at madama siya ni Vice ay dumiretso pa rin ito sa nobyo. Nagbabakasakali.

Nagbabakasakaling tanggapin at mahalin siyang muli.

"Oohhh V-vice, gising ka pa pala. Naistorbo b-ba kita? P-pasens--"

"Umalis ka na, lock the door. Ayokong may kung sino-sinong tao ang pumapasok dito," di na natapos ni Vice ang sasabihin ng dalaga at agad na tinalikuran si Karylle.

Agad namang hinawakan ni Karylle ang braso dahilan na magpumiglas ang bakla sa huli.

"Ano ba! Get your dirty hands off me!" pag-iiwas ni Vice ng kanyang sarili sa nobya. Umarte pang nandidiri at pinupunas sa sa damit ang dumikit na balat sa kanya ni Karylle.

"G-grabe ka naman, m-malinis naman ako. Vice, please naman..wag ka namang ganyan," nagsusumamong pagbanggit ni Karylle.

"Anong malinis? Bakit ba kasi nandito ka. Iinom-inom ka tapos pupunta ka pa rito. Amoy alak ka. Ano ba, Karylle. Tang*na naman! Ano bang hindi mo maintindihan sa ayoko na? Na bakla ako? Na lalaki ang gusto ko? Ano ba! Tangina pagod na ko umiwas sayo, Karylle." Pasukong sambit ni Vice.

LOVETEAM WITH BENEFITS • VICERYLLE [Rated R]Where stories live. Discover now