HI-RO

6.9K 67 3
                                    

Biyernes ng umaga ay maagang nagising si Karylle. Alas siete kasi ng umaga ang pasok niya sa isang pribadong paaralan.

Di naman kalayuan ito sa kaniyang tahanan kaya't di siya nabababahala sa oras ng kanyang pagpasok. Pagtapos mag-ayos ng sarili ay nagmaneho na siya papunta sa pinapasukang unibersidad.

Si Karylle ay bente-dos anyos na. Nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Ngunit nagpasiyang humiwalay muna ng tirahan para mapadali ang pagpunta sa kanyang pinag-aaralang eskwelahan. Masasabing mayaman naman si Karylle dahil sa mga nakakayanan niya.

Nang makarating sa unibersidad na kanyang pinapasukan ay dumiretso na siya sa kanilang silid.

"Oy K! Aga ah," malambot na pagbati ng matalik na kaibigan ni Karylle na si Vice sabay beso pa dito.

Si Jose Marie Viceral o mas kilalang Vice. Siya ang matalik na kaibigan ni Karylle sa unibersidad na pinapasukan. Lagi silang magkasama sa kung saan. Minsan nga'y sa tinitirhan ni Karylle natutulog si Vice.

Wala namang issue sa kanila dahil si Vice ay proud and out gay. Maski kay Karylle ay walang bahid ng kamalisyahan ang pagiging touchy ni Vice sa kanya.

"Eh malapit lang naman eh, ikaw nga nauna ka pa sa akin tas sasabihin mong ako yung maaga. Hahaha. Sus! Nag-aabang ka lang ng machuchu*a mong boylet eh, kilala kita Jose Marie," mapang-asar na sabi ni Karylle kay Vice na may kasama pang hampas sa balikat ng huli.

"Gaga, eh malay mo nemen seyeng ehehe," malanding tugon ni Vice sabay pa ng pag-angkla ng sa braso ni Karylle na nakahawak sa strap ng bag niya.

"Ewan ko sayo. Para kang gago," sabi ni Karylle kasabay ng pag-upo sa upuan at bahagyang ngumiti.

Alas tres ng hapon ay natapos ang lahat ng klase nila. Nasa lounge ngayon si Karylle at hinihintay ang kaibigan.

'Tagal naman nitong baklang 'to,' sambit ni Karylle sa kanyang isipan. Naisipan naman ni Karylle na tawagan na ang bakla.

Ring...ring...ring

V: Hello, Karylle? Teka ito na. Pababa na ko. Wait lang 'te. Makikita mo din ako. Miss mo na ako agad eh.

K: Hoy babaeng may lawit wag kang ngang ano diyan. Bilisan mo ikaw na lang makikisabay, makikikain ka pa. Tse. Dali na aba.

V: Hoy babaeng mukhang lalake ikaw kaya sa klase kong 'yon. Nabibwisit nga ako sa prof na yon. Akala ko aabot pa kami ng Bandila bago idissmiss yung klase.

K: Dami mong chika. Bilis na. Baba!

V: Ikaw 'tong tumawag-ta--

Toot...toot...toot

'Baklang to. Di man lang ako pinatapos' sambit naman ni Vice sa isip niya.

Makalipas ang limang minuto ay agad na nakarating sa lounge ang bakla. Hingal na hingal ito at pawis na pawis.

"Magkabarkada kayo ng prof mo, no? Ang tagal mo din eh. Akala ko aabot pa muna ng Bandila bago ka makarating dito," sabi ni Karylle at naglakad na papuntang parking lot.

"Ay wow! Sorry madam ha? Sorry." Eksaheradang pagkakasabi ni Vice.

Di naman umimik si Karylle. Sa malamang ay nainis.

Nakarating na sila kung saan nakapark ang kotse ni Karylle ngunit wala pa rin itong imik. Napansin naman ito ni Vice.

Nakasakay na sila sa kotse ni Karylle. Si Karylle naman ay kunot-noong nakayuko na tila may hinahanap sa bag niya. Si Vice naman ay bumebwelo sa sasabihin.

"Ah, Karylle. Sorry, baby. Please? Promise, bibilisan ko na sa susunod. Kainis kasi yung prof eh, tapos ayan nagalit ka naman sakin dahil sa kanya. Pfft," pangiwing sabi ni Vice.

LOVETEAM WITH BENEFITS • VICERYLLE [Rated R]Where stories live. Discover now