"Nag-alala kami sayo ni Lola." Sabi ko.

"S-sorry... Kinuha din nya kasi yung mga gadget ko."

"Y-yun lang ba ginawa nya sayo? Hindi ka naman nya sinaktan?" Nag-aalalang tanung ko.

Wala na kong tiwala sa Kuya nya. Baka hindi lang pala yun ang ginawa nya kay Ci.

Hindi sumagot si Ci-N. Umiwas sya ng tingin at naghimas ng batok.

"Ci. Magsalita ka! Anu pa ginawa sayo ng Kuya mo?!"

Umiling sya. "Wala na... Pero binantaan nya ko. Ikaw daw ang babalikan nya kapag hindi ako tumino."

Ako?! Ha!

"Edi balikan nya! Kala naman nya natatakot ako sa kanya!" Sagot ko at tumuloy na sa paglalakad papasok sa dining.

Sumunod naman sakin si Ci. Kala naman ng Kuya nya matatakot ako dun. Yun nga ang gusto ko, ang makaharap sya. Magkaka-alaman kaming dalawa.

Kumain na kami pareho. Walang kumikibo samin. Siguro kasi namumualan sa pagkain ang bibig nya.

Susubo ko palang sana yung bacon na nakuha ko ng biglang pumasok sa Aries at agad na tinignan ng masama si Ci-N.

"What the..." Bulong nya. "...What are you doing here?!" Inis na tanung nya kay Ci-N.

"Hhhhmmmm... Hmm.. hmmm..." Sagot ni Ci-N.

Huh??

Wala akong naintindihan sa kanya. Puno'ng puno pa kasi yung bibig nya, daldal na sya ng daldal.

Sakin binaling ni Aries ang tingin nya.

"H-hindi ko pa alam. Tatanungin ko pa lang sya." Mabilis kong sagot.

Hindi nagsalita pa si Aries. Naupo nalang sya at kumain. May pagkakataon na tinatapunan nya ko at si Ci-N ng matalim na titig.

Kahit tuloy gusto ko pang kumain, napilitan akong tumayo agad.

"Tara na Ci... Baka malate tayo." Aya ko sa kanya.

"Huh?! Maaga pa." Sagot nya at sumubo ulit ng kanin.

Makisama ka naman! Hindi nya ma-gets yung gusto kong sabihin.

Pinandilatan ko sya ng mata. "Tara na." Madiin kong sabi.

Kahit nagtataka, tumayo nalang din sya at naglakad kasabay ko. Habang nglalakad panay ang kalabit nya sakin.

"Bakit?"

"Hindi pa ko tapos kumain. Bakit mo ko inaya?" Tanung nya.

Luko'ng to! Hindi talaga nya nagets na may namumuong delubyo dun sa hapag.

"Wala! Baka lang talaga malate tayo." Palusot

Nagkibit-balikat nalang sya sakin. Pagbalik sa kwarto, bigla nalang sya'ng nagtatakbo palapit dun sa malaki'ng maleta na nakabalandra sa tabi ng kama ko.

Hiniga nya yun at nagpipindot dun sa lock ng zipper.

Sa kanya pala to?!

"Ang laki'ng maleta nyan. Umano kaba at may dala kang ganyan?" Tanung ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kabinet ko.

"Lumayas." Mabilis nya'ng sagot.

Tinignan ko sya ng may pagtataka. Lumayas?!

"Seryoso. Umano ka nga?" Tanung ko ulit.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon