Chapter 21: Failure = Success

Magsimula sa umpisa
                                    

T____T

WOAHHHHHHH!!!!!!!!!!! Ohh Hindi!!!

Bakit po ba? huhuhuhu

Pwede ba umiyak?

Pwede bang magwala?

Bakit mo pa ako pinaasa Ma'am?

Bakit? T__T

Dahil sa ako naman pala ang iisang estudyante na bumagsak sa exam ni

Ma'am..Pinuntahan ko na siya sa office niya pagkatapos..

Gusto ko na talagang maiyak habang papunta ako sa office ni Ma'am..Ngayon ko lang

naramdaman ang ganitong pakiramdam..Kasi umasa talaga ako..

Sana hindi na lang ako umasa..

Sana hindi na lang ako naging engot..

Sana hindi na lang ako naging bobo T_T

Pumasok na ako sa office ni Ma'am

"Ma'am.. Goodmorning po.."

"Goodmorning din..Yumi dederetsuhin na kita ha.. Pag bumagsak ka pa sa special exam

mo, wala na talaga akong magagawa kundi ang ibagsak ka.."

T_T

"Ma'am naman..Maawa naman po kayo sakin.."

Nagmamakaawa na talaga ako kay Ma'am..Lulunukin ko na talaga ang pride ko..

"Alam ko Yumi mahirap ang pinagdadaanan mo..Pinagsabay mo pa ang pag-aaral at pagaasawa

mo..Kaya nakiusap na ako kay Gab na tulungan kang mag-aral para sa special

exam mo bukas since siya naman ang nakakuha ng highest score sa exam ko.Halos na

perfect na niya.."

Bakit ba hindi na lang ako naging matalino ano? San ba ako nagmana?

"Bukas ho agad Ma'am? Hindi po ba pwedeng sa susunod na linggo?"

Ito namang si Ma'am..Magbibigay na nga ng special exam eh bukas na agad..Di ba

pwedeng ipagpaliban muna?

"Hindi na pwede Yumi..Kayo na lang bahalang mag-usap ni Gab kung kailangan kayo

mag-aaral."

Lumabas na ako ng office ni Ma'am..

Wala na talaga akong pag-asa nito..Tsk!

Hindi ko na talaga alam gagawin ko..

Naranasan niyo na ba ang ganitong pakiramdam?

Saglit lang! Napaisip ako..

Sino daw iyong magtuturo sa'kin? si Gab daw?

Sinong Gab?

Bumalik ulit ako sa office ni Ma'am..

"Ma'am..Sinong Gab nga po ang tinutukoy niyo?"

"Si Gabriel dela Cruz.."

"Po?"

"May problema ba 'don?"

"ahh wala naman po Ma'am..Cge po.."

Lumabas na ulit ako sa office ni Ma'am..Si Gab? Pero diba hindi niya ako pinansin nong

isang araw? Eh nakakailang naman iyon..Pero sa pagkaka-alam ko eh wala naman

kaming problema..Baka hindi lang talaga niya ako narinig? Pero kasi lumingon siya diba?

Ayy baka nga hindi lang talaga niya ako narinig at nakita..Iyon iyon..

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon