Last subject na namin pero ngayon ko lang napansin. Kainis! Kala ko ba crush mo yun Mica? Bat ngayon mo lang napansin? Sabagay busy din ako sa pangongopya ng assignments kanina eh.

"Di ko alam eh. Peram akong phone," sabi ni Mark then binigay ko naman sa kanya yung phone niya then binalik ko na yung attention ko sa prof namin.

"Hahaha!"

Napapalingon ako minsan kay Mark kasi tumatawa habang may pinipindot sa cellphone ko. Bakit feeling ko binababoy na niya yung social media accounts ko?

"Hoy ano ba yan?" Sabi ko sabay kuha ng phone ko sa kanya.

"Class dismissed." Nagsi-alisan na halos lahat ng mga blockmates namin. Kami nalang ni Mark ang natira sa room.

"Tignan mo phone mo. Hahaha!"

Inirapan ko siya then tinignan ko na phone ko. Omg!!!

"Waaaah Mark! Bakit mo ginawa yun? Hala ka! Nakakahiya! Grabe." Sabi ko habang nagmamaktol.

Bwiset na Mark kasi 'to eh! Chinat lang naman nya si Theo gamit ang account ko. At alam nyo kung anong unang chat niya???

'Babe.'

"Chill ka lang! Sinabi ko namang ako yan eh. Tignan mo pa."

Sabagay. Totoo nga naman. Ay hala nag-vibrate phone ko! Ibig sabihin...

"Hoy ayan Mark nagreply na siya. Replyan mo!" Sabi ko pero ito namang si Mark dinilaan lang ako then tumakbo na palabas ng room.

Nakakainis ka talaga Mark! Madapa ka sana, una mukha! Hayop ka. Hmp!

Binasa ko na yung chat ni Theo.

Theo Redrogoza: anong mga ginawa ngayon pre?

Okay Mica. Sabihin mo lang na umalis na si Mark and wala naman siyang masyadong na-miss. Ako lang! Charot!

Monica Ramirez: umalis na po si mark. pero wala naman pong masyadong ginawa today, naglecture lang.

Okay! Send. Whooo okay na yan Mica! You did your part lang naman diba?

Theo Redrogoza: ahh okay

Yun na yon? Bahala nga siya dyan!

Theo Redrogoza: thank you

Awie nag-thank you naman pala. Bait bait ng baby boy kooo.

Monica Ramirez: wala po yun :)

Halaaa! Bat may smiley face pa??? Baka mahalata niya. Ugh! Ang impulsive ko kasi eh. Nakakainis! Dibale baka naman di na magreply yun eh.

Theo Redrogoza: wag ka mag po nakakailang hahah

Monica Ramirez: sige po

Monica Ramirez: ay joke lang haha

Theo Redrogoza: sige po

Monica Ramirez: hala bakit may po rin?

Theo Redrogoza: kulit mo po eh hahah

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon