Chapter Six: Nightmare

12.2K 147 23
                                    

Chapter Six:  Nightmare

Eliza...

Naabutan kong nagsusuklay ng buhok si Eliza sa harap ng salamin. Napakaganda parin niya sa aking paningin. Hindi ko talaga maiwasan na hindi lumingon sa kanya. Ayaw ko mawalan ng pagkakataon na hindi makita ang bawat anggulo. Ang kanyang mga mata, ang mga matatamis niyang ngiti pati narin ang kanyang paghinga na lagi kong sinasabayan.

Pinuntahan ko si Ethan sa kanyang crib dala ang ginawa kong gatas ngunit wala siya roon. Tinanong ko si Eliza ngunit tila bingi siya sa aking tawag. Ngayon tumatawa siya na parang bata at tila may binubulong. Nakangiti siya ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya at nagpaningdig balahibo sa akin.

Kasabay ng kanyang pagbungisngis ay ang ingay ng tubig mula sa gripo. Nakaramdam ako ng matinding kaba at agad tumungo sa banyo. Pagbukas ko ng pinto, tumumbad sa akin ang nakalubog na katawan ng batang si Ethan sa bath tub na punong-puno ng tubig. Patuloy na umaagos ang tubig sa bukana ng bathtub.

Dali-dali kong kinuha ang bata sa akalang maiiligtas ko pa siya ngunit huli na para magawa ko iyon. Naninigas na siya at wala na ang kulay niya. Maya-maya'y sumulpot sa aking likuran si Eliza. Lumingon ako.

"I hate you."

November 23, Tuesday

Napabalikwas ako sa aking hinihigaan. Tumumbad sa akin ang nagagalit na boss na pinagtratrabahuan ko. Nakatulog pala ako sa trabaho at itong si boss ay nakita akong natutulog at hinampas ng dyaryo.

Tumingin-tingin pa ako sa paligid. Gusto ko masigurado na panaginip lang ang lahat. Buti naman di totoo ang mga panaginip ko. Pero ngayon iniisip ko, paano kung magkakatotoo iyon at gawin din iyon ni Eliza sa magiging anak namin? Paano kung bumalik na ang alaala niya at dahil sa laki ng galit niya magawa niya akong...

Ngunit magagawa ba talaga iyon ni Eliza pagnagkataon? Hindi siguro, dahil bago pa mangyari iyon natutuhan na niya akong mahalin. Mamahalin niya ako dahil ginagawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa kanya at kung sakaling bumalik ang alaala niya mababawasan din ang galit niya sa akin.

Pagkatapos ng aking trabaho, bumalik ako sa aking apartment sakay ng aking kotse. Di ko inaasahan na may pulis na agad na dumating at nagtutumpukan sila sa hallway sa ikatlong palapag. Dumaan ako na parang walang alam sa nangyayari. Nakita kong kausap ng landlady ang mga pulis. Ikinukuwento niya kung paano niya natagpuan ang nakakarumaldumal na anyo ng bangkay. Palihim nalang ako natawa habang ako'y dumadaan.

Isang lalaki ang nakatayo sa aming pintoan. Nakatingin siya sa akin na may pagtataka. Nagulat ako pagkat nakabukas ang pintoan ng apartment. Dali-dali akong lumapit at pumasok at natagpuan ko si Eliza na kausap ang isang pulis. Tinatanong siya ukol sa mga nangyari kay Mike. Biglang pumasok ang lalaki na nakatayo sa pinto at nagpakilala. Ang pangalan niya ay Frederick, isang detektib.

Inaasahan ko na mangyayari ito. Laging inuunang tanungin ng mga pulis ang mga kapitbahay ng biktima kaya naman handa ako para dito. Komportable akong sumasagot sa mga katanungan nila. Ang kinaiinisan ko lang ay ang madilaw na buhok ng detektib at ang mga titig nito na tila inaalam ang kailaliman ng pag-iisip mo at tila din na parang alam niya na nag-sisinungaling ako.

Hindi rin nagtagal ang pagtatanong nila sa aming dalawa. Nang sasaraduhin ko na ang pinto biglang nagpahabol ng tanong ang detektib, "Mr. Guevarra, ilang taon na kayong kasal?"

"Isang taon." Sagot ko.

"Isang taon." Ulit ng detektib sabay tiningnan niya ako ng matalim. "At nasaan ang suot niyong singsing?"

Napalunok ako.

"Kung kasal kayo bakit hindi niyo suot ang singsing?" muli niyang tanong. "Hindi ba masyadong kataka-taka na ni isa wala mang litrato dito kahit ng kasal niyo."

"Bagong lipat kami dito. Nasunog ang dati naming tirahan at wala ni isang gamit ang nailigtas." Sagot ko na may halong kaba.

Tumango ang detektib sa akin sabay tumingin kay Eliza. "Mrs. Guevarra, ilang taon ka na ba?"

Lumingon ako kay Eliza. Tulad ng inaasahan ko hindi makasagot si Eliza pagkat hindi naman niya maalala ang nakaraan niya. Tumingin sa akin si Eliza na humihingi ng tulong sa pag-sagot.

"Base sa nakikita ko sa iyo, hindi ka pa lalampas ng labing walo." Patuloy ng detektib. "Marahil labing apat o labing limang taong gulang ka palang. Masyado ka pang bata para ikasal lalo na at nakasaad sa batas natin-,"

Agad ko pinutol ang pagsasalita ng Detektib. "Tama na! Ano ba talaga ang gusto mong palabasin ha Mister detektib. Kasal kami ng asawa ako, May anak kami at tungkol naman sa singsing na tinatanong mo, meron kaming singsing. Hindi ko lang magawang ibigay pagkat kailangan niya ng panahon para maunawan na mag-asawa kami. Nawalan siya ng alaala matapos siyang masangkot sa aksidente. Ngayon kuntento ka na ba sa mga sagot ko?"

"Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo dito. Umalis na kayo. Alis!" sigaw ko sabay malakas na isinara ang pintoan sa harap nila. Humihingal pa ako. Sumandal ako sa pinto. Ginagalit talaga ako ng detektib na iyon. Ginagalit niya ako.

Ginagalit niya ako!

Binagsak ko ang lahat ng mahawakan ko. Nagwala ako hanggang sa tuluyang nasira at nabasag ang lahat sa harap ko.

Nakatingin parin sa akin si Eliza. Takot na takot siyang humarap sa akin. Nababahala ako sa mga tingin niyang iyon na dahil sa tingin ko'y nababahiran na iyon nang pagdududa. Hindi pwedeng mangyari ang kinakatakutan ko. Ayaw ko mawala muli si Eliza. Ayoko.

 Nilapitan ko siya at niyakap ng buong higpit.

"Firo." Mahinang tawag ni Eliza.

Nanginginig siya. Marahil natakot siya sa ginawa kong pagwawala. "I'm sorry, Eliza. Hindi dapat ako nagalit sa harap mo." Ibinaon ko ang aking ulo sa kanyang balikat hanggang sa napaiyak nalang ako.

"Eliza, you dont believe him, right? Nangako ka na sa akin noon na sa akin ka lang maniniwala. Kasal tayo. Kasal tayo at kaya ko patunayan yan." Iyak ko. "I love you Eliza. I love you."


Kinabukasan pagkauwi ko galing trabaho. Naabutan ko si Eliza na nakabihis dala si Ethan palabas ng apartment.

At iyon na nga ang simula ng kinakatakutan ko.

Obsessive HusbandWhere stories live. Discover now