Chapter Three: Ring

18.1K 218 39
                                    

Chapter Three: Ring

November 18, Thursday

Tuwing 7:00 at 9:30 ng umaga pumapasok ako sa college. Pagdating naman ng 10:00 am, lunes hanggang biyernes, ay nagtatrabaho ako bilang waiter sa isang maliit na restaurant at kung papalarin, sa 6:00 hanggang 8:00 ng gabi ay naghuhugas naman ako ng pinggan sa isang FastFood Resto. Kahit nakakapagod at maliit ang sweldo gusto ko ipagmalaki na ang perang pinaghirapan ko ay para sa kinabukasan ng aking pamilya.  Ginagawa ko ang lahat para maging normal ang pamumuhay namin. Sakaling nagkaroon na ako ng sapat na ipon ay titira ako mula sa malayo kasama si Eliza kung saan walang nakakakilala sa amin.

Napatigil ako sa paglilinis ng makita ko ang isang pareha sa di kalayuang mesa. Nasa likuran nila ang mga violinist na tumutugtog ng malambing. Maya-maya'y lumuhod ang lalaki sa harap ng babae at tila mayroon pinapakita na isang maliit na kahon. Nang binuksan ng bababe ang maliit na kahon ay lumantad ang isang kumikinang na singsing. Bigla naman napaiyak sa tuwa ang babae. Hindi makapaghintay na inabot ng babae ang kanyang kamay at saka isinuot sa kanya ng lalaki ang singsing. Pagkatapos agad nagyakapan at naghalikan ang dalawa na tila hindi mo na sila maipaghihiwalay pa.

Naalala ko bigla ang ginawa ko pag-alok ng kasal kay Eliza. Di tulad nila, walang masarap na pagkaing nakahanda, walang mga bulaklak, walang lovesong na tumutugtog at wala kami sa romantikong lugar kundi si Eliza, ako at isang singsing lang ang naroroon sa apat na sulok ng silid ng gabing iyon.

Iyon din ang gabi na di ko malimutan, ang gabing sinaktan ako ng labis ni Eliza..

Masaya akong umuwi ng gabing iyon dala ang singsing na binili ko na nagkakahalaga ng 30,000. Di na ako makapaghintay na ipasuot ang singsing sa daliri ni Eliza. Puno iyon ng kumikinang na dyamante at naalala ko, sabi pa sa akin ng saleslady na pinagbilhan ko, na sino nga naman daw babae ang tatanggi sa mamahaling na singsing na iyon lahat yata ng babae gusto ang mga diyamante.

Pinuntahan ko si Eliza sa silid kung saan ko siya itinago ng tatlong araw. Tandang-tanda ko ang kalagayan niya sa silid na iyon. Nakakadena ang kanyang mga paa sa kama. Ang kanyang hubad at nanginginig na katawan ay binabalutan lamang ng puting kumot. Nangangayayat narin siya pagkat tinanggihan niya ang mga pagkaing inihanda ko. At ang kanyang mukha, nang makita niya ako, ay halos nadungisan na agad ng luha. Para siyang daga na lumayo at isiniksik ang sarili sa gilid ng pader nang lumapit ako.

"Eliza, tingnan mo ito." tawag ko sa kanya na puno ng kagalakan. Namumula ang pisngi ko ng pinakita ko sa  kanya ang singsing. "N-nagustuhan mo ba? Ha-habang d-di pa tayo kasal, ito muna ang susuutin mo."  Hinablot ko ang kamay niya at sinubukan pasuotin ang singsing sa daliri niya ngunit agad niya iyong inilayo. Dahil sa ginawa niya tumalsik ang singsing sa aking kamay. Nagulat ako at tiningnan siya. "Eliza?"

"Never!" sigaw niya sa akin. "I will never marry you!"

Hindi iyon ang gusto ko marining mula sa labi niya. Lahat ng sinabi niya ay taliwas sa inaasahan ko. Puno ng galit ang bawat salitang binibitawan niya. Halos ikabingi ko dahil paulit-ulit ko iyon naririning sa utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan na ako sa mga sinabi niya sa akin. Tuluyan akong nanghina at parang unti-unting papel na pinipirapiraso. "Eliza, please don't say that, I-Ilove you so-,"

"I HATE YOU!"

Sinampal niya ako ng malakas.

Wala na akong maalala sa mga sumunod na nangyari. Nalaman ko nalang hawak ko na ng mahigpit ang leeg ni Eliza. Dumudugo ang kanyang ilong at gilid ng labi. Namumula at namamaga rin ang kanyang mga pisngi. Nabigla ako sa ginawa ko. Anong nagawa ko? Bakit ko siya nagawang saktan? Halos papatayin ko na siya!

Lumayo ako.. "I'm sorry. Please, Eliza, I'm sorry. I don't meant to hurt you." Iyak ko.

Sumigaw si Eliza ng akma ko siyang hahawakan. Sobra ang pagkatakot niya sa akin.

"Eliza, I'm sorry. I-i don't know what happen. I promise I wouldn't do it again. Please Eliza. I love you, I love you. I love you. Please love me. I really love you. I love you so much that I can't even take to lose you. Please say it. Please Eliza, say it to me. Please. I want to hear it. Please say you love me!"

"Ah, I see. Now I knew it. You don't like this ring, am I right? You are disappointed because its cheap but too shy to tell me. Bakit di ko naisip iyon? Napakatanga ko. Hindi karapatdapat na ang isang mumurahin ang nasa daliri mo. Don't worry, Eliza. Next time, I'll really work hard, Magtratrabaho ako buong araw, buong gabi at pagkatapos bibilhin ko ang pinakamahal na singsing na magugustuhan mo at hindi tulad ng mumurahing ito. Pangako yan Eliza. Pangako."

Ang nakaraan ay nakaraan nalang. Ngayon hindi na masasakit na salita ang sinasabi sa akin ni Eliza. Nagagawa narin niyang sabihing mahal niya ako. Anong tuwa ko sa tuwing naririning ko ang sagot niya. Pero ngayon ang problema ko nalang ay ang singsing na hanggang ngayon ay pinag-iipunan ko. Aabutin pa ako ng ilang taon para mabili ang gusto ni Eliza.

Ayaw ko naman ibigay sa kanya ang mumurahing singsing na binili ko noon. Ayaw ko na magalit  muli siya  sa akin. Hindi ba ayaw niya ng singsing na iyon? Hindi ba?


Obsessive HusbandWhere stories live. Discover now