Chapter Two: Baby

21.1K 252 13
                                    


November 17, Wednesday

Maaga akong umalis ng apartment upang kunin ang magiging anak namin ni Eliza. Noong nakaraan, malaking kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya. Sinabi ko na iniwan ko muna ang anak namin sa isang kakilala at pinaniwalaan naman niya ako.

Dapithapon na nang ako ay tumambay at umupo sa isang bench sa loob ng plaza. Pinapanood ko ang isang pamilya mula sa malayo na simula pang umaga ko sinusundan. Sila ang napili ko para sa aking susunod na plano. Narinig ko, habang ako ay naghahanap ng bata, na kakapanganak lang nila sa kanilang mag-aanim na araw na batang lalaki. Naibigan ko ang batang hawak nila kaya agad ko silang sinundan.

Nangako ako kay Eliza na dadalhin ko ang anak namin ngayon. Excited na talaga ako. Gusto ko ng maranasan ang magkaroon ng sariling pamilya na lagi ko inaasam noon. Kailangan ko ng mamadali at ayaw ko abutan ng gabi. Siguradong naghihintay na si Eliza sa akin at sa magiging anak namin.

Lumapit ako sa pamilyang iyon. Hinintay ko ang tiyempo para makuha ang bata sa baby stroller nito. Nang saglit lang malingat ang ina ng bata ay agad ko hinablot ang bata at itinago sa aking suot na jacket at lumakad na parang walang nangyari. Lumakad ako ng mabilis hanggang sa narating ko ang paradahan ng mga kotse. Pumasok ako sa aking kotse at naupo. Nanginginig ako sa sobrang tuwa. Tumawa ako pero ako'y tumigil ng marinig ko umiyak ang bata. Tulad ng isang ina, pinatahan ko siya. Tumahan din ang bata sa ginawa ko. Salamat naman at susumusunod din ang bata sa kagustuhan ko. "Simula ngayon ang pangalan mo ay Ethan at ako na ang magiging ama mo, okay? Ikaw ang magiging susi upang mapalago ko ang pagmamahalan namin ni Eliza,"

Dumating ako sa apartment bago lumubog ang araw. Ibinigay ko si Ethan kay Eliza. Sa sobrang galak ko, marami akong nasabing plano tungkol sa gagawin naming pamilya pero hindi pala siya nakikinig sa mga sinasabi ko. Bigla nalang siya umiyak. "E-eliza, bakit?" tanong ko sa kanya. Nag-aalala ako na baka nalaman na niya ang totoo.

Umiling si Eliza. "Natatakot ako," wika niya. "Kahit anak ko siya, wala ako nararamdaman sa batang ito. Natatakot ako na hindi ako maging isang mabuting ina sa kanya. Natatakot ako, Firo."

Hindi ko inaasahan ang pinagtapat sa akin ni Eliza. Nakalimutan ko na malakas din ang instinct ng mga babae pagdating sa anak nila. Pero alam ko na magbabago din iyon. "Nauunawaan ko."

Tumingin siya sa akin.

"Alam ko na dahil sa nangyari sa iyo ay naguguluhan ka pa." patuloy ko. "Pero pakiusap ko Eliza, wag mo kalimutan na mag-asawa tayo at mayroon tayong anak. Makakapaghintay kami ng anak mo, makakapaghintay kami hanggang sa maalala mo."

Maghihintay ako hanggang sa matutuhan niya ako mahalin kahit ayaw ko talagang mag-hintay gagawin ko ang lahat para sa kanya. At ang batang ito, si Ethan, saglit lang ang batang ito. Panandalian lang siya sa aking plano. Kung magkakaroon na kami ng tunay na anak ni Eliza hindi ko na siya kakailanganin pa.

"I love you, Eliza."

Obsessive HusbandWhere stories live. Discover now