Chapter Zero: Amnésie

37.4K 387 18
                                    

Nagsimula ang lahat nang makita ko si Eliza na walang malay, malamig ang katawan at walang tigil ang paglabas ng dugo sa kaniyang bibig. Puno ng takot at kawalan ng pag-asa ang mawala siya sa akin kaya agad ko siya dinala sa malapit na ospital.


November 10, Wednesday 

Hindi siya mamamatay...Hindi ako iiwan ni Eliza.

"I'm sorry mister, the patient was in the state of coma. Hindi namin masisigurado kung magigising pa siya." 

Para akong pinagsukluban ng langit nang sinabi sa akin iyon ng doktor. 

Coma? 

Napuno ng galit ang loob ko at hinablot ko ang kwelyo ng doktor. Gusto ko maiyak sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na habang buhay matutulog si Eliza. Hindi ito dapat mangyari. Dapat kami magkasama! "Please Doctor, save her," pagmamakaawa ko.  "Please do everything to wake her up." 

Ngunit umiling lamang ang doktor. Binitawan ko siya at naglakad patalikod hanggang sa ako'y napasandal sa pader. Hindi ito pwedeng mangyari. Gusto ko siyang makitang gising. Ayaw kong iwan niya ako na ganito.

"Even though she's in coma, she's still responsive. Maririnig niya ang sasabihin mo ngunit hindi lang siya makakasagot," patuloy na pagpapaliwanag ng doktor sa akin ngunit ang ibang sinabi niya ay hindi ko na pinansin. Ang isip ko ay nakatuon sa mahal kong si Eliza. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa kanya. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana ako umalis at iniwan siyang nag-iisa.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan inilagay si Eliza at isang nars ang lumabas. "Dok!" tawag ng nars. "Nagising na po ang pasyente."

Nagulat ako sa aking narinig.

Agad pumasok ang doktor at ang nars sa loob.

Tulala ako. Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko. Gising si Eliza. Gising siya. Madali ako pumasok sa loob pero napatigil ako bago pa ako tuluyang makalampas ng pinto. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Paano kung bigla siyang magalit kung makita niya ako?

Dahan-dahan akong pumasok ng silid at sumilip.

Nakahiga si Eliza sa kama. Maputla at mahina ang kaniyang pangangatawan.  Napalilibutan siya ng doktor at nars habang siya'y sinusuri at tinatanggal ang tubong nakakabit sa bibig nito saka pinalitan ng oxygen mask.  

Lumapit ako na puno ng kaba at kasabikan para hawakan siya. Binigyan ako ng mga nars ng daan para makalapit.

Balisa si Eliza. Nanginginig ang aking kamay habang inaabot ko ang kaniyang maputla at nanlalamig na kamay. "Eliza," tawag ko sabay halik sa kaniyang kamay tulad ng prinsipe na binati ang kaniyang natutulog na prinsesa. Gulat na gulat siya sa aking ginawa at sinubukan makawala sa aking hawak ngunit hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang kamay.

"S-sino?" pagod na sabi niya."S-sinno k-ka?"

Napatigil ako. Para akong naging bato ng marinig ko ang mga sinabi niya. Lumingon ako sa doktor at sa mga nars at bago kay Eliza.

Hindi ako maalala ni Eliza?

Obsessive HusbandWhere stories live. Discover now