26

13.2K 354 15
                                    

Ang daming nagbago sa buhay ko mula noong ikinasal na ako sa taong mahal ko. Ang saya ko, lalo na nang tuluyan nang makalad si Ago.

Ang buti niya sa akin. Nakakahiya na nga eh, kasi mas una pa siyang nagigising sa akin at sa pag gising ko ay masarap na almusal na ang nakahanda sa side table namin.

Sino ba naman kasi ang hindi napupuyat sa ginagawa niya sa akin sa gabi.

Kung papipiliin ako ni Boy Abunda, Cookies o sex, ngayon ay di na ako magdadalawang isip. Sex na agad ang pipiliin ko.

Kapag naman sa pag alis niya papuntang trabaho ay ako naman ang naglilinis sa bahay. At kapag wala na akong gagawin ay nagluluto na agad ako nang tanghalian ng asawa ko tsaka ko iyon ihahatid sa opisina niya.

Nagbago na si Ago ngayon. Nasa akin na ang boung atensyon niya. Mas minahal ko na siya ngayon dahil mas lalong lumalakas ang pintig nang puso ko kapag napapatingin ako sa kaniya. Ewan ko ba, lalo yatang nadagdagan ang kilig sa sistema ko.

Masaya kami pareho, hanggang sumapit ang araw na'to.

''Babe? Are you okay? --- y - you're bleeding! Shit!''

''Ago, masakit!''

I was caressing my back down to my butt. Ang sakit, namamadhid ang boung kong kalamnan. Ang daming dugo ang umagos sa binti ko. Kinakabahan ako.

Kinarga ako ni Ago papasok nang kotse. Di ko na namalayan kung saan kami pupunta o kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Basta napapapikit nalang ako sa sobrang sakit nang puson ko. Patuloy din ang pag agos nang malamig na pawis sa noo ko. Nanlalamig pa ako. Dios ko!

Gusto ko pang umiyak. Anong nangyari? Bakit ako dinugo! Nagdilim na ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan nang malay.

--

Puti. Puting kisame agad ang naulalingan ko nang magmulat ako nang mata. Si Ago naman na nakatulala ang unang taong nakita ko doon. Nagtataka naman akong tinawag siya.

Pakiramdam ko ay wala akong lakas para umupo. Ni hindi ko maramdaman ang kalahati nang katawan ko. Balisa akong pabaling baling.

''Sshh, babe.'' Hinawakan niya agad ang kamay ko at dinala iyon sa kaniyang labi.

May problema si Ago. Malamlam ang kaniyang mata at may bakas nang pamumugto dito.

''Ago? Anong nangyayari?''

Hindi na ako mapalagay.

''Tash, you -- have miscarriage.''

Napanganga ako. Hindi ko siya maintindihan. Ayoko siyang intindihin.

''Ha? Ano?  ---''

''Two months, Tash. Dalawang buwan kang buntis.'' Aniyang kumislap ang mata.

Bakit hindi ko alam?  Hindi, hindi pwede yun. Bakit hindi ko alam. Buntis ako?Dios ko! Bakit wala akong alam?

Bigla ay nag uunahang mga luha ang kumawala sa mata ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag isip. Hindi ko alam na delayed na ako.

''Oh my god.'' Hagulhol ko.

Magkaka anak na sana kami. Di ako makapagsalita dahil kahit saang parte nang isip ko ay nasa akin ang kasalanan. I just lost my angel. My first child.

Ang tanga ko kasi. Pero hindi ko naman kasi talaga Alan.

''A-Ago hindi ko alam.''

Iba. Iba ang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako halos makahinga dahil sa pag iyak. Kahit anong pilit kong alalahanin ang mga nararamdaman ko these past few days ay wala namang bago.

I Am Not Yours - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon