Unang kita ko pa lang sakanya noong bata pa lamang kami ay humanga na ako. Unti-unti hindi ko napapansin na minamahal ko siya at labis akong nalungkot dahil alam kong malabo niya akong mapansin Oo mayaman kami, matalino ako, magaling tumugtog, kumanta at sumayaw pero bakit di niya ako napapansin? Siguro dahil sikat sya samantalang ako nililihim ko ang tunay kong estado sa buhay.
Isang taon siyang nawala sa Pilipinas ngunit kahit na ganoon ay sinuportahan ko pa rin siya at minahal kahit na malayo siya.
Nang bumalik siya sa Pilipinas, ay wala akong hinangad na iba kundi ang mapansin lamang niya at kung pwede ay maging malapit sakanya. Araw-araw sinusubukan kong lumapit sakanya ngunit tinataboy niya lamang ako palayo.
Sa paglapit ko sakanya ay napalapit na rin ako sa mga kagrupo niya. Doon ko nalaman na may hinahanap siyang babae na di umano ay nakakuha sa kanyang puso noong bumalik sila ng Pinas at nalaman ko rin na ang totoong ako pala ang babaeng iyon. Sinabi ko sakanya yun pero ayaw niyang maniwala at paulit-ulit niya akong sinaktan gamit ang kanyang mga salita. Pinagmukha kong tanga ang sarili ko kakapilit sakanya pero hindi niya ako magawang paniwalaan.
Dumating ako sa punto na napagod na ako.
Gusto ko na siyang sukuan at kalimutan pero hindi ko iyon magawa dahil mahal ko siya. Napagdesisyunan kong lumayo na sakanya maging sa mga kaibigan niya nang hindi ko na talaga kinaya ang kanyang mga salita. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin at iparamdam sakanya ang aking pa-ibig kaya idinaan ko nalang ito sa kanta. Kanta na binuo ng aking Himig ng Pag-ibig. At sana sa awitin kong ito ay maipadama ko sakanya ang aking pagmamahal.
![Himig ng Pag-ibig [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/95635045-64-k770706.jpg)