Part 12

1.3K 71 3
                                    

Nathan's PoV

"Araaaaay! Huhu kainis!" pagrereklamo ni Maria habang namumulupot na sa sobrang sakit ng kanyang puson. Sh*t! Anong gagawin ko?

"Ano bang gagawin ko ha?" tanong ko sa kanya. Kasi pati ako natataranta na mga tsong di ko alam kung anong gagawin ko.

"Ewan! araaaaay!" wengya pano ko ba to matutulungan ha pag-ganyan naman sya?!

Alam ko na! *Calling Ate Xyra*

Nagriring pero ba't ang tagal sagutin?

"Please ate k*ngna sagutin mo to!" mariin kong bulong dahil tsk umiiyak na talaga yung isa dyan sa sobrang sakit.

*"Hello Nates? Baby boy ko napatawag ka baby?"* sagot nung nasa kabilang linya

"Tumahimik ka nga sa kakababy boy mo dyan ate!" pagrereklamo ko sa kanya.

*"Naman e! Baby boy naman talaga diba? Ikaw lang naman yung baby boy ni ate e"* kainis din tong si Ate e

"Tsk! May tanong ako ate" direkta kong tanong para tigilan na nya kakadada nya.

*"Ahm ano yun baby boy?"* Nakakakilabot talaga tong tawag ni ate sakin e. Tsk kainis!

"Ano po bang gamot para sa pananakit ng puson pag may regla ang babae?" tanong ko sa kanya

*"ANO?! DYSMENORRHEA BA?! BAKIT? SINO BANG MAY GANUN BABY BOY?! GIRLFRIEND MO?! MAY GIRLFRIEND KANA PALA BABY BOY?! BA'T DI YAN ALAM NI ATE?!" k*ngina may di ko alam kung tama ba na tinawagan ko tong si ate e -.- kung pwede lang manapak sa tawag psh!

"K*ngna mo ate ang oa mo! Sagutin mo nalang kasi!" singhaw ko dahil sobrang umiiyak na talaga si Maria sa sakit.

*"Psh! Sabihin mo sakin kung sino yan ah!"* daming dada e -.-

"Oo na! Oo na!"

*" Eto painumin mo sya ng aspirin tapos masahiin mo yung likod o yung puson nya, lagyan mo rin ng maiinit na bimpo kung ayaw mo nun. Pagpahingahin mo nalang sya at hwag na hwag mong pakainin ng maasim gaya ng mangga!" sabi nya at di ko na sya pinatuloy dahil alam kong marami pa yung ibang dada kaya binabaan ko nalang yung tawag.

"Araaaaay! huhu" mangiyakngiyak nyang sabi habang hinahawakan yung puson nya.

"Tsk! Bawal palang kumain ng mangga e bobo mo Nates!" sabi ko sabay sapak ng mahina sa ulo ko.

"Maria asan ba yung lagayan nyo ng gamot? Meron ba kayong aspirin?" tanong ko sa kanya

"Oo nasa kusina! Dun sa may cabinet sa taas may maliit dun na medicine box!" sabi nya sabay turo dun sa may kusina nila.

Tss! Ba't ba kasi ang laki ng bahay nato?!

Pumunta akong kusina nila at kinuha ang isang medicine box.

"Maria? Ano ba yung itsura ng aspirin?" tanong ko habang kinakalkal yung laman ng box.

"G*go nasa bottle yun dyan na maliit! Di ka ba marunong magbasa?!" k*ngina sya pa tong galit?!

"psh! Eto oh!" sabi ko sabay abot nung isang maliit na peraso ng aspirin sa kanya.

Ininom nya naman agad ito. Hahawakan ko na sana sya para masahiin ang likod nya nang "Ano?! Anong pinaplano mo?! Sige!Sige subukan mong lumapit dito! Wag mokong hawakan ah! Ako nalang matutulog nalang ako!" sabi nya sabay tulak sakin palayo. Psh!

"Oo na po maam sorry na, uwi nalang ako" sabi ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko. At naglakad nalang palabas pero...

"Nathan!" napalingon nalang ako nang bigla nya akong tawagin

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

Tumayo naman sya at naglakad papalapit sakin habang nakahawak parin sa may puson nya sabay sabing "Salamat ah" at sh*t hinalikan nya yung pisngi ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ningitian ko lang sya sabay talikod at nagmadaling lumakad palabas. K*ngna kinabahan ako run ah! Wew iba talaga pag gwapo.

PS: Nangasim din po ako dun sa mangga hahaha
PPS: Alam nyo na gagawin pagmeron kayo. (Maghanap po kayo ng gaya ni Nathan hahaha)

Pabili Pong Napkin [Short Story, COMPLETED]Where stories live. Discover now