Part 3

1.9K 89 1
                                    

Maria's PoV

"oh ayan na yung napkin mo!" sabi sakin ng kadadating lang na si Transferee boy sakin tapon ng isang balot ng napkin sa direksyon ko mula sa malayo.

Psh! Ang harsh talaga nito e! Pero atleast!

"Salamat ah!" sabi ko sa kanya.

"Psh!" Hayssst ang sungit talaga e! Sarap sapakin sa mukha kung wala lang akong utang na loob dito e grrr!

bababa na sana ako para magpalit sa CR dun sa baba ng maalala ko. Uwaaah may tagos pala ako! Luh wala akong dalang jacket! Jusmeyo!

Tinignan ko si transferee boy na may suot na itim na jacket. Hmm mwehihi! "Huy Transferee pahiram jacket mo!" sabi ko sa kanya pero amp! Di ako pinansin!

"psst!" patuloy parin sya sa paglalaro na para bang walang narinig -.- wow ha.

Lumapit ako sa chair nya at...

"HUY GWAPO!" at Asdfghjkl boom nilingon nya agad ako.

"bakit?" walang gana nyang tanong sakin! Grr sarap kalmutin ng isang to e! Kapal

"Tss! Pahiram naman ng Jacket mo oh! Ngayon lang naman e!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ha?! Ano?! Hwag ang dami mo ng utang na loob sakin tas hihiramin mo pa jacket ko?! Di na pwede yan!" Pagrereklamo nya. Aba?! Sya pa tong galit ah?! Ako na nga tong kinakawawa e!

"Sige naman na oh! May tagos ako e!" sabi ko

"Ano?! So gusto mong ipagamit ko sayo tong jacket ko at itakip dyan sa dugo mo?!" aba ang Arte Punyeta!

"OO!" sigaw ko dahil di ko na mapigilan ang inis ko. Nagmamakaawa na nga ako e di na sya nahiya!

"Ba't ka sumisigaw ha?!" sabi nya sabay tayo sa kinauupuan nya dahil sa galit.

"Galit ka ha?! Manghihiram lang naman ako e!" sigaw ko sa kanya at kulang nalang ay kalmutin ko ang pagmumukha nya sa inis!

Natuwa ako ng bigla nyang hubarin ang jacket "Oh! Ayan na!" sabi nya sabay bigay sakin. Waaah pumayag sya Wahahaha.

"oh ayun naman pala e!" sabi ko sabay tali ng jacket nya sa gilid ko para matakpan ang impaktang tagos sa likod ko.

"psh!"

"Suuus wag ka ng magreklamo papayag karin naman e! sige baba lang ako" sabi ko sabay smile sa kanya pero wa efek mga be umupo lang ulit sya sa upuan nya at naglaro ulit.

Pabili Pong Napkin [Short Story, COMPLETED]Where stories live. Discover now