Part 9

1.5K 75 8
                                    

Nathan's PoV

Natatawa talaga ako sa kaklase ko kaninang na may tagos dahil namumula parin sya dahil dun sa binigay kong napkin hahaha.

Alam kong wala syang dala kasi kulang yung binigay kong nononono check na napkin kaya naman bumili ulit ako kanina at hahaha ibang brand naman ang binili kong nakita ko sa commercial na si Julia Bareto ang model yung napkin na 'Kilos kabataan'

Tsk! Di ko parin maintindihan kung bakit ganyan ang mga pangalan ng napkin nila e masyadong jeje at exaggerated.

"Huy Nathan crush mo ba yung kaklase nating si Maria?" tanong sakin ng katabi aat kabarkada kong si Xian. Tsss chismoso!

"Hindi nacucutan lang ako sa kanya"

Natawa sya sa sinabi ko "Pfft! Hanep! Tagabili ka na nga ng napkin e. Bilib nako sayo tsong!" sabi nya sabay tapik sa balikat ko. Tsss ako ba.

Nagpatuloy nalang kaming dalawa sa palalaro ng LOL (league of legends) sa phone namin nang may biglang lumapit.

"ahm salamat nga pala dun sa kanina ah" sabi ni babaeng may tagos na lumapit talaga sa upuan namin. Tsss iba talaga paggwapo mga tsong e lapitin ng mga cute.

"Sus! Wala yun cute ka rin daw naman e!"sabi ng barkada kong si Xian sabay halakhak ng tawa.

"Haha! Pagpasensyahan mo na tong si Xian ah" sabi ko kay... ano nga ulit pangalan nya?

Binalik ko sa bulsa ko yung cellphone ko para naman maentertain ko si miss.

"Sabay nalang tayong umuwi" sabi ko at natuwa naman ako nang bigla syang nagsmile na lalong nagpacute sa kanya.

"Ah yeah sure! Magkapit bahay lang naman tayo e" sabi nya sh*t

pumayag sya hahaha.

"Tsss! Hanep pumapag-ibig ka tsong! Maglaro tayo ulit! K*ngna mo matatalo na tayo oh! Maya na yang chix mo " Pagrereklamo ng lokong si Xian. Sinuntok ko nalang sya ng malakas sa panga nya na ikinagulat ng kaklase kong may tagos. Actually normal na samin ang ganun.

"Hahaha tatahimik na tsong. Unahin mo na chix mo" sabi ni Xian sabay taas ng mga kamay at naglaro ulit. tsss tukmol yan e.

Paglingon ko kay Marie? May? Miane? Mia? ay nagulat ako ng ang sama ng tingin nya sakin. Wengya anyare? Akala ko magkaayos kami neto?! Ba't ayan na naman yang mood na yan?!

"ayos kalang?"tanong ko sabay hawak sa braso nya pero Punyeta hinawi nya agad ito.

"Wag mo nga akong hawakan!" sabi nya sabay naglakad padabog. Wengya ano yun?!

"Ma...!"  tatawagin ko na sana sya sa pangalan nya pero tangna di ko pala alam pangalan nya kaya hahabulin ko nalang sya.

Tsss kahit gwapo naghahabol din -.-

Pabili Pong Napkin [Short Story, COMPLETED]Where stories live. Discover now