Chapter 2

26K 617 15
                                    


"Mommy!" Sigaw ng isang batang babae na patakbo sa kanya. Nilingon niya ito at binuhat.

"There you are my sweet Ceyera." Hinalikan niya ang inaanak sa pisngi nito. Napakalambot talaga ng mukha nito. Ang cute cute lang pisilin.

"Mommy Ninang, Sabi po ni Momma kain ka daw po sa house. Nandun po si Ninang Dyosa kasama po si Cas." Pagaaya sa kanya nito na mananghalian sa kanilang bahay. Binisita kasi siya nito sa clinic na pinagtatrabahuhan niya. Nagresign na kasi siya pinagtatrabahuhan dati dahil sobrang stress lang ang binibigay nito sa kanya na nagdulot ng pighati na naman sa kanya. Napili na lamang niya na maging assistant nurse sa isang pediatric clinic maliit man ang sweldo pero keri naman.

Nagpunta na nga sila ng inaanak sa bahay ni Celestine. Minsan hindi niya maiwasan mainggit sa dalawa niyang kaibigan perfect na perfect na kasi ang buhay ng mga ito isama pa na may mga anak na din ito.

"So, nandito ka na pala tayo ng kumain." Bati sa kanya ni Celestine. Naghain na nga ito. Tinulungan naman niya ito sa paghahain. Bigla naman dumating ang kaibigan niyang si Giselle.

"Ohmygee, So nandito ka na!" Niyapos siya nito ng mahigpit. Matagal na rin kasi simula ng hindi sila nagkita nito sa hospital pa ata nung binisita si nevermind.

"Lalo ka atang gumaganda ngayon ah. Hiyang ka kay Cad!" Puri niya sa kaibigan. Totoo naman kahit na may dalawa na itong anak kay Cad nanatili itong blooming.

"Syempre active ang s-x life!" Nagtawanan naman silang tatlo at sabay sabay na kumain. Masaya silang nagkakainan tatlo at bigla naman nag news flash sa tv.

Nakita niya ang mukha ng lalaking kanyang kinakalimutan. Ibinalita sa tv na ikakasal na ito sa isang tagapagmana ng hotel. Hindi pa tapos ang balita nang patayin ni Celestine ang tv.

"Ang panget kasi ng news. Magmusic na lang tayo." Alam ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanila ni Treyton. Kahit nasa Australia si Giselle at nasa Spain naman si Celestine ay nakakapagkwentuhan naman sila at nasabi nga niya sa skype ang nangyari sa kanila.

Nasabi din niya sa mga ito na nalaglagan siya habang siya ay nagbubuntis. Matapos kasi ang paghihiwalay nila ni Treyton naging matamlay siya lagi at nakakaramdam siya ng mga sintomas ng buntis ngunit pinagbalengwala niya ito dahil brokenhearted siya. Itinuon niya rin ang sarili sa pagtatrabaho. Minsan nga ay nagtatrabaho siya ng 24 hours makalimot lang pero hindi niya inaasahan sa mga ginagawa niya ay may mawawala sa kanya. Dahil sa pagtatrabaho ng overtime lagi bumagsak ang kanyang katawan at nawalan siya ng malay. Napagalaman na lamang niya ng siya ay magising na apat na buwan na pala siyang buntis at sa kasamaang palad ay nahulog ang bata. Hindi daw malakas ang kapit nito sa kanyang sinapupunan.

Matapos ang pangyayaring iyon lalo siyang naging matamlay at gusto na tapusin ang kanyang buhay pero dahil sa mga kaibigan niya na lagi siyang kinakamusta ay tinulungan siya ng mga ito na unti-unting makalimutan ang problema and she know na she's half way there.

"You know girls, kailangan natin magpasalon para marelax na din." Sabi ni Celestine matapos itong makapaghugas ng pinggan.

"Agree ako diyan Cel. Miss ko na din magpakulay ng buhok. Ano tara?" At nagkayayaan na nga sila sa mall. Habang nasa sasakyan sila pinaguusapan nila kung ano ang magandang hairstyles. Siya naman nakikigo with the flow na lang sa mga ito kaysa naman sa magmukmok siya no.

Makalipas ng kalahating oras ay nakarating na sila sa mall. Nagtungo agad sila sa salon at tinawag ang hairstylist ni Celestine. Ito na daw ang bahala sa amin. Sinabi pa ng dalawa sa baklang hairstylist na full makeover daw ang gagawin sakin.

Madali lang ang ginawa sa mga kaibigan niya dahil nagpahighlights lang naman ang mga ito. Pero siya ito at kung ano-ano pa ang pinagagawa sa kanyang buhok. Pansamantala naman na umalis ang kanyang mga kaibigan sinabi ng mga ito na may bibilhin lamang daw para sa kanya.

Libidinous Series 3: Treyton Zarek FedorovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon