Kabanata 1

48 3 0
                                    

JADE'S POV

"Jade! Sorry, hindi ko naman inaakala na ganto manyayare, sinabi ko lang yung nakita ko kasi nag-aalala ako sayo, totoo." Naluluhang sabi ni Ella.

"Alin ang hindi mo gusto? Ang ginawa ko? O ang pagkakahiya ko? Nag-aalala? Talaga ba?" Malamig na sabi ko.

Pakiramdam ko, namanhid ang buong katawan ko sa mga nangyari. Sa pagkakapahiya. Pakiramdam ko bawat taong makakasalubong ko hinuhusgahan ako. Yung pakiramdam na gusto mo nalang bigla maglaho.

Shit. Bakit ganto?

"Kasalan ko ba!? Kasalanan ko bang nakipagmake-out  ka at nakita ko!? Kasalanan ko bang sabihin sa mga kaibigan natin kasi concern ako!? Kasalanan ko bang nakipag-inuman ka at nalasing ka!?" Sigaw na tugon nya sakin.

Malamig ang pagkakatingin ko sa kanya, tangina. Paano nya nasasabi ang masasakit na salita na yan sa mukha ko mismo?

Kaibigan? Kaibigan. Tss

"Ja-jade. I'm so-sorry. I didn't mean that. Please, maniwala ka sakin." Umiiyak na sabi nya.

Hndi ko alam kung bakit hindi ako makasagot sa mga sinabi nya at mistula akong natuod. Siguro kasi, at somehow may point sya. Hays

"Masyado pa tayong bata Jade, we're just 16 and we're only 4th year student. I hope you get my point" nanlulumong paliwanag nya.

Tumango lang ako kahit sobrang sama ng loob ko. Dahil sa nangyari, napatawag ang parents ng buong barkada. Cutting classes lang naman, buti nalang at Adviser lang namin ang kinausap at konting counseling samin.

Hay Buhayy. Yes, tama kayo ng hula. Nakipagmake-out lang naman ako sa isa sa mga kaklase ko. Or should I say MANLILIGAW KO DAW?

Wala kong maisip na palusot bukod sa nadala lang ako at lasing kami pareho. At ang magaling na Ella na kaibigan ko ayuun, sinabi sa iba naming barkada.

Shit. Sa sobrang gusto namin na maging MEMORABLE ang HIGH SCHOOL LIFE namin eto ang napala. Nakakatawa na nakakainis.

Naturingan Vice President ng klasrum tapos ganto? Odi boom panes sila diba? Hays. Ambigat sa dibdib, wala naman ako nun. Hays ambigat talaga sa dibdib.

Habang tulala ako sa nakatingin sa bintana, may dumating na mga sakit sa ulo. Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Hi Boifren! Wag na isipin yun, keri lang yan." Sabi ni Kaili. Yes boifren ang tawagan namin, hindi dahil tomboy kami. Kaya ganon kasi, basta gusto lang namin!

"Hoy, anong okay don? Ikaw kaya mahuling makipagmake-out tas kumalat sa room, what more pa kaya kung sa campus pa ano? Instant famous ka non Gerlfren." Natatawa pang sabi ni Lexa. Kung si Kaili boifren ang tawagan namin kay Lexa naman ay gerlfren.

"Wow. Salamat! Laking tulong nyo! Mga bwisit nato! Bwisit. Ang sarap ngang dukutin yung mga mata ng mga lecheng kaklase natin e. Kala mo mga diyos sila at napaka-perfect." Ismid na sabi ko. Kahit naman sobrang down yung pakiramdam ko thankful parin ako kasi may mga baliw akong kaibigan na pinapagaan yung loob ko.

"Wag mo na intindihin yon, inggit lang mga yun satin, alam mo naman showy tayo magpakita ng kalokohan, unlike them. If you know what I mean" ngingsising ngisi na sabi ni Charity.

Napabuntong hininga nalang ako, grabe. Alam ko naman na makakalimutan din nila yon, pero kasi hindi ko pa naman boyfriend si Sandro pero ginawa parin naman. Pero hanggang make-out lang yon! I mean, birhen pa ko. Jusko naman!

WIND UP OR NOT? #Wattys2017Where stories live. Discover now