Kabanata 3

10 4 2
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, maraming nangyari. Katulad ng may isang buwan na di nagpansinan sila Lexa at Kaili na maski ako ay damay. Galing no? Abnormal kasi sila. May natakot, may nasaktan at may nanakit. At muntikan pa kaming mahold buong section at di makagraduate. Thanks tour beloved Adviser! And Rest In Peace sa kanya.
Nategibam si Ma'am dahil daw samin. Huhu! Dejk. May sakit sya Cancer. #RIP

Nagkaayos na rin kami ni Mama at hindi nya lang sinabi ang nagyari kay papa pagkababa nito nh barko. Grave ang kaba nung umuwi si Papa. Para kong bata na papaluin sa pwet bes! Buti nalang talaga. Hehez

College na ko, Tourism Student ang lola nyo. Ang bongga di-

"Jade! Yung order sa counter 1 tulala ka na naman ang daming tao oh!" Sabi ng kasamahan ko dito sa Jollibee kung saan ako nagpapart-time.

"Eto na nga! Ang chaka neto!" Mabilis na binigay ko ang order ng customer.

"Jade! Number 17 pakihanap nalang! Then paki-check yung resibo if meron pang kulang. Go!" Taboy sakin ng isa ko pang kasama. Ako lang ba crew dito? Hays.

"Eto na!" Dali dali naman akong sumunod.

Madali kong nahanap ang table ng customer. Isa itong grupo ng mga estudyante na. 3 lalaki at 2 babae.

"Excuse po Ma'am eto na po yung order nyo." Sabi ko sabay lapag ng order nila. Nang ilalagay ko na yung soft drinks, ang walangya, natabig ako.

"Shit! Look what you've done!" Sigaw sakin ng lalake na natapunan yung uniform.

"Sorry sir, natabig nyo ho kasi ako." Sabi ko habang pinupunasan din yung part ng  damit ko na natalsikan.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka! Ang lagkit pa naman!" Sigaw nya sakin ulit. Di yata 'to marunong makipag-usap ng di nakasigaw e.

"Sir? Nakalunok ka ba ng megaphone?" Inosenteng tanong ko. Sabay tawanan ng mga kasama nya.

"Ha? Megaphone!?" Sigaw nya ulit tsk.

"Ahm, miss sige na. Paki palitan nalang yung drinks namin and pakilinis nalang 'to." Sabi sakin ng magandang babaeng kasama nila. Ang ganda nya. Ang haba ng pilik mata, pinkish na labi, mahabang buhok. At walang make-up! Asan ba ko ng umulan ng kagandahan? Hmm.

"Pasensya na po ulit." Pagkatapos ay umalis nako sa table nila. Bahala yung lalaking sigaw sigaw dyan. Kung di lang ako matatangal hahampasin ko yun ng lamesa e.

"Beastmode Jade? Haha! Diretso ang kilay ah!" Si Shey. Kasamahan ko dito.

"Lintek kasing customer yon be! Kung di nya ko natabig edi sana di kami parehas nanlalagkit." Nakangusong sabi ko.

"Hahaha! Okay lang yan, maganda ka pa rin  naman."

"Yan ang gusto ko sayo e! Masyado kang nagsasabi ng totoo." Ngiting abot tenga na sabi ko sa kanya. Hahahaha

"Yan din gusto ko sayo e! Masyado kang uto-uto. Hahahahahaha" siningkitan ko sya ng mata at mabilis pa sa alas kwatrong unalis sa harap ko.

"Makauwi na nga. Kaimbyernang araw 'to!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking sinigaw-sigawan ako kanina.

Patay malisya akong naglakad kunwari ay hindi ko sya nakita. Anak ng tinapa! Pag minamalas ka nga naman.

"HOY BABAE!" Sigaw na naman nya.

Lakad lang Jade. Wag mo pansinin.
Go Pushhhh! 

"Aba't! Hoy kinakausap kita!" Sabag hawak sa braso ko.

"Sabi mo babae. Lalaki ako kita mo?" Inosenteng sabi ko.

"Pinagloloko mo ba ko!?" Shet. Di talaga sa makapagsalita ng normal.

WIND UP OR NOT? #Wattys2017Where stories live. Discover now