Twenty

1.9K 59 22
                                    

Nadine's POV








Literal na nakanganga pa din kami sa mga asawa namin. Sa sobrang kasiyahan namin dahil tumawag ang ultimate crush namin ay hindi na namin napansin na nandun na pala sila at nakikinig. Bakas sa mukha ni Maine at Julia na kinakabahan sila. Lalo na ako, iba din kasi magselos si James e.








"Mahal ko, ano kasi. Wala yun." Pauna ni Maine sa nakasimangot na si Alden. Pero hindi pa din nababawasan ang pagkakunot ng mga noo nila.







Imbes na sumagot ay isa isa silang pumasok sa loob. Hindi man lang kami niyaya. Mga walang puso lang. Hindi pa din kami makakibo nila Nadz. Nasa state of shock pa kasi e.








"Kasi naman! Bakit ba tayo nagtilian pa? Paano na naman ako magpapaliwanag nito kay Diego e. Iba din magselos yun. Alam niyo na, abnoy." Natatawang sabi ni Julia. Infairness, sa sariling asawa pa talaga niya nanggaling na abnoy siya. Haha!








"Tsk. Pero Kath? Bakit naman kaya tumawag sayo yun si Albie?" Si Maine naman ang nagtanong. Umupo na kami dahil nakakangalay na tumayo e. Haha!








"Dunno. Nagulat nga din ako e. Hindi lang naman ako nagulat sa reactions niyo. Eto si Julia napaka lakas tumili e. Ikaw talaga may kasalanan kung bakit kayo narinig." Tatawa tawang sagot ni Kath kaya natawa na din kami.







"Sus. Ikaw? Hindi ka tumili? Baka nga nagbubunyi yang pwet mo dahil ikaw ang tinawagan." Ganting asar ni Julia sa kanya.








"Wahhhhhhh!" Nagtilian na naman kami dahil lang nagkatinginan kami. Parang alam na namin ang natakbo sa isip ng bawat isa. Tawa kami ng tawa. Bahala na yang mga asawa namin mainis. Crush lang naman e.








"Ang ingay niyo! Hindi pa din ba kayo tapos kiligin dyan?! Samantalahin niyo na! Hindi niyo na ulit makikita ng gwapo yan!" Si James. Infairness sa kanila parang mga kabute. Hindi namin namamalayan na andyan na sila.








"Uwi na nga ako! Hinahanap na ko ng mga anak ko!" Si Kath. Hindi talaga niya pinapansin si DJ. Parang wala na lang sa kanya ang lahat.








"May dala kang sasakyan?" Si Julia.








"Yup. Sige na. Mauna na ako." Hinalikan niya kami at tsaka nagpaalam na. Nagbilin na lang kami na tumawag siya pag nakauwi na siya. Nag aalala din kami dahil medyo malalim na ang gabi.







"Sundan mo na dre! Para kang bading dyan!" Si Diego ang nagsalita. Hindi naman nag aksaya ng panahon si DJ at sinundan ang asawa niya. Kami naman ay naiwan. Na hindi na naman alam kung anong sasabihin sa mga asawa namin.








"Nadine Alexis. Tara na. Baka kasi hindi ka makatulog kakaisip dyan sa crush mo! Dre, salamat! Maine, magpaliwanag ka dyan sa asawa mo!" Sabi ng magaling kong asawa. Hindi man lang pinagsalita yung dalawa. Madalian akong nagpaalam sa kanila at tsaka sinundan ang nag aamok kong asawa. Haha!









Alden's POV







Nung makaalis na sila ay hindi pa din nawawala ang pagkainis ko. Sino na naman yung Albie na yun? Nawala na nga si Jake sa eksena, pumalit naman tong lintek na Albie na to. Tapos si Maine ay abala sa pagliligpit ng mga kalat ng aming mga bwisita.








"Mahal. Ako na lang susundo bukas sa mga anak natin ah? Dadalhin ko na din kina Papa at Tita Mama. Namimiss na kasi nila yung dalawa e." Patuloy pa din siya sa pagliligpit.








Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon