Sixteen

1K 52 2
                                    

Alden's POV









Na stuck ako sa mahabang meeting maghapon. Pasado alas singko na ng matapos yun. Nagmamadali akong nag ayos ng gamit ko para makauwi na. Hindi ako pwedeng ma late. Ayoko. Maghihintay ang mag iina ko.








'Nakakainis naman kasi. Hindi naman dapat ako na stuck ng ganun katagal. Ang dami lang reklamo ng mga consignee.









"Anak, uuwi ka na ba?" Nagulat pa ako ng makasalubong ko si Papa. Palabas na kasi ako ng office.









"Opo Papa. 5 o'clock na. Hinihintay na po ako for dinner ng mag iina ko. Bakit po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at kung bakit nandito pa siya. Usually kasi ay hanggang 3pm lang siya.









Si Tita Mama kasi ayaw na niya aabutin ng gabi si Papa sa daan. Mahirap na kasi ayaw niya naman mag hire ng driver. And he's not getting any younger. Malabo na din ang mata niya kaya iniiwasan niya din na gabihin sa daan.








"Kasi dumating ang Daddy ni Julie Anne kasama ang ibang clients na ni recommend niya sa atin. Madami daw importers ang gusto ng service natin kaya sa atin sila magpapaimport ng cargoes nila." Paliwanag ni Papa. Nakaramdam naman ako ng inis.









"Papa naman. Baka naman pwedeng bukas na lang. Kasi gabi na din e. Naghihintay ang mag iina ko." Napasimangot ako. Ayoko sa lahat ay yung naiistorbo ang pag uwi ko. Dahil mas importante sa akin ang pamilya ko.









"Alam ko naman yun anak. Kaya lang minsan, kailangan mo din i-set aside na muna yan. Isang araw lang naman e. Magsabi ka na lang kay Maine. Sayang ito anak. May masasabi pa sila sa atin kapag tumanggi tayo ngayon. Masisira ang credibility ng company natin." Nakikiusap na tugon ni Papa. Napahawak naman ako sa sentido ko. As if I have a choice.









"Sige po. But can we make this a little quick?" Naiinis ako pero wala akong magawa. Binaba ko ang gamit ko at sumabay na kay Papa papunta ng conference room.









"Goodevening." Pinilit kong ngumiti. Ayoko naman masabihan nila na snob at rude ako. Kinamaya  ko sila isa isa.









"Hi!" Eto na naman ang maharot na babaeng to. Makadikit sa akin ganun na lang. Sa akin pa talaga siya tumabi. To think na 16 chairs ang nandito sa conference room.









'Bigwasan ko kaya to? Nakakairita e. Alam naman na may asawa at mga anak na ako.









"Hi." Tipid na bati ko din sa kanya. Tsaka ako bumaling sa tatlong kliyente na nasa harapan ko. Pinakilala ako ni Papa sa kanila. Obviously, mga Americans sila pero marurunong magtagalog. Dala na din siguro ng lagi silang nandito sa Pilipinas.









"Narinig ko kasi na maganda daw ang terms of delivery ng mga containers pag kayo ang humahawak." Nakangiting tugon ni Mr. Jamieson.








"Well, we're making sure that the containers will be on its warehouse at the said date and time. Most especially if its perishable." Paliwanag ko naman. Tumatango tango lang sila.









"Nagugutom ako. Lets go grab some snacks." Nagulat ako sa narinig ko. Pero hindi na naman ako nakapag salita pa. Napatingin ako kay Papa. Pero wala din naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila.









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon