Nine

1.1K 56 2
                                    

Maine's POV










Nasa sasakyan kami papunta sa bahay ng parents ko para sunduin ang mga bata. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang wala sa mood si Alden kanina pa. Nakikipagbiruan siya sa mga staffs, yes. Pero pag ako na ang magtatanong sa kanya ay ang bilis magbago ang mood niya.










"Mahal. Kamusta naman araw mo? Buti nakapag undertime ka sa office." I tried to sound jolly. Ayoko kasi isipin na may problema kami.










'Baka pagod lang siya sa trabaho. Baka yun lang ang dahilan kung bakit mabilis ang moodswings niya. Pero nakakapagtaka naman kasi okay naman siya kanina.










"Okay lang." Tipid na sagot niya habang nakatingin pa din sa daan. Hindi man lang ako nilingon. Napatingin ako sa kanya dahil sa inasta niya.










'May problema nga. Hindi naman to ganito sa akin e. Usually, lagi siyang masaya lalo na pag nagsosolo kami sa sasakyan.










Pumihit ako paharap sa kanya. Tinignan ko lang siya. Alam kong alam niya na nakatingin ako sa kanya but he didn't bother to also look at me. Nakatingin pa din siya sa daan at parang walang kasama sa sasakyan.










"Alden. Bakit hindi ka tumingin sa akin? Ano bang problema mo?" Pinipilit kong kalmahin ang boses ko kasi medyo naiinis na din ako sa kanya.










"Nagdadrive ako. Paano ako titingin sayo? Gusto mo bang mabangga tayo?" Sarcastic na sagot niya. And that's it.










"Ano bang kinakaganyan mo? Hindi naman ganyan ang mood mo kanina nung magkausap tayo ah? Bakit nung pagdating mo sa restaurant bigla kang naging masungit? Ano ba?" Hindi ko na maitago ang inis ko sa inaasal niya sa akin ngayon.










"Ako dapat magtanong nyan." Animo'y nagtitimpi lang din siya ng galit sa tono ng pananalita niya. Nagkataon na biglang nagka traffic.










"Shit! Kung kailan naman nagmamadali tsaka pa nag traffic!" Hinampas niya pa ang manibela. Pero alam kong hindi yun ang kinakagalit niya.









'Wala naman akong matandaan na may ginawa akong masama sa kanya para mag ganyan siya.










"Alden ano ba? Kausapin mo naman ako! Hindi yung ganyan ka ng ganyan. Hindi ko alam pinaghuhugutan ng attitude mo e!" Napataas na ang boses ko dahil sa inis ko sa kanya.










"Anong kinakainis ko? Yung kliyente mo! Hindi mo man lang nasabi sa akin na lalake pala yun! Tapos may gusto pa sayo! Ano gusto mo gawin ko?! Magsaya? Dahil ang asawa ko ay may kasamang lalake sa restaurant niya. I didn't know na may free snacks ka na din pala ngayon para sa kliyente mo." Mataas din ang boses na sagot niya.










Napakurap ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na yan ang dahilan kung bakit siya nagagalit kanina pa.










'Infairness Alden! Ang ganda ng dahilan mo! Napakababaw.










"Alden! Kliyente ko yun! Nagkataon lang na nagpaorder ako ng merienda para sa mga staffs ko dahil alam kong napagod sila sa dami ng tao. Alangan hindi namin siya alukin! Nakakahiya! Tapos aakusahan mo pa siya na may gusto siya sa akin? Kilala mo ba siya? E ngayon mo nga lang siya nakita! Ang babaw mo Alden!" Oo! Nagsisigawan na kami dahil pareho ng mainit ang ulo namin.









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon