Eight

1.2K 51 1
                                    

Maine's POV











Inasikaso ko lang sandali ang mag aama ko at nagpasya na ako pumunta ng restaurant. Si Andrew ay iniwan ko muna kay Mommy. Tutal yun naman ang gusto nila lagi e. Nasa kanila ang mga apo nila. Si Abbey ay susunduin na lang daw ni Daddy sa school tapos sa mansion na muna namin magstay. Susunduin na lang siguro namin ni Alden mamayang hapon.









Ngayon kasi ang schedule ng food tasting ni Sir Jake para sa mga dishes na napili niyang ihahanda sa opening ng clinic niya. Maliit na clinic lang daw pero good for 350 persons ang ihahanda niya.










Si Nadz at James ay nagkaayos na din. Sinundo kasi sila ni James sa bahay ng Mama ni Nadz. At sana ay maayos na din nila yung gusot sa pagitan nila. Parang mga bata lang at akala mo walang anak kung makaarte ang mga loko. Haha.










"Hi Mahal ko. Nahatid ko na po si Andrew kina Mommy. Si Abbey naman ay susunduin na lang din ni Daddy. Papunta na ako sa restaurant ngayon." Inupdate ko muna syempre ang asawa ko. Baka mamaya magalit naman to pag hindi niya alam ang whereabouts ko.










"Okay ka lang ba dyan? Mag taxi ka na lang Mahal. Susunduin na lang kita mamaya tapos punta tayo kina Mommy. Matagal tagal na din tayong hindi nakakadalaw dun e." Sagot niya mula sa kabilang linya at naexcite naman ako dun.











"Okay then. Hintayin na lang kita sa restaurant huh? I need to hang up now. I love you." Matapos niyang sumagot ay binaba ko na ang telepono. Kinikilig pa din ako sa simpleng palitan lang namin ng I love you e.











'Hay! Faulkerson. Kahit mag asawa na tayo ay kinikilig pa din ako sayo.












Nag abang ako ng taxi sa labas ng subdivision namin. Magiliw naman akong binati ng mga security guards na naka duty doon. Inabutan ko sila ng pang merienda nila dahil hindi naman nila ako pinapabayaan sa tuwing makikita nila akong nag aabang ng taxi.












"Yaman yaman ni Ms. Maine ayaw magdala ng sasakyan." Biro ni Mang Jun. Ang pinaka matanda at senior sa lahat ng security guards sa subdivision. Siya ang tumatayong OIC.











"Ikaw talaga Mang Jun. Hassle din magdala ng sasakyan. Tsaka alam ko naman po na hindi niyo ko papabayaan pag ang aabang ako ng taxi e. Baby niyo po ako diba?" Magiliw na sagot ko sa kanila kaya napatawa naman sila. Yan kasi ang turo sa akin ni Daddy. Matuto akong makisama sa ibang tao. Mayaman man o mahirap. Wag na wag akong mananapak ng ibang tao dahil hindi siya ganun.












Bagay na nadala ko hanggang ngayon. Pati nga sa staffs and crews ko sa restaurant. Hindi ko pinaparamdam sa kanila na Boss ako. Although nandun pa din yung respect. Gusto ko masaya silang papasok dahil mahal nila ang trabaho nila. Hindi dahil sa binabayaran ko sila. Gusto kong nakikita kong magaan ang loob nilang magtrabaho sa akin.










"Aba oo naman. Subukan lang may mambastos sayo dyan. Kung hindi ko barilin yun." Biro ni Mang Jun. Natawa naman kaming lahat dun.











"Mang Jun. Kamusta na po si Elena? Okay na po ba siya?" Ang anak na bunso ni Mang Jun ang tinutukoy ko. Minsan na din kasi naming natulungan ni Alden si Mang Jun ng madaanan namin siyang problemado dahil may pneumonia si Elena at hindi sapat ang perang hawak niya ng mga panahong yun para mapaospital ang anak niya.










Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon