Chapter 1

165 3 0
                                        

"HOME FOR THE HOMELESS"

Ito ang mga katagang mababasa sa gate ng isang bahay panuluyan. Para sa mga walang tahanan, walang mauuwian o pinagkaitan ng tirahan.

Isa itong pasilidad na may tatlong palapag. Napapaligiran ng katamtamang taas ng bakod at gate na yari sa bakal. Malinis at maayos ang buong kapaligiran at may ibat ibang klase ng halaman, sa loob nito mayroon ding mini chapel, playground at basketball court.

Dito kami dinala ng mga taga DSWD. Matapos kaming damputin ng mga pulis ng mahuli kaming pakalat-kalat sa kalye kahapon. Isa kasi akong palaboy at sa kalye na rin natutulog.

Sandaling inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Bahagya pa akong napatigil sa paglakad. Para kasing pamilyar ako sa lugar na ito. Nang biglang magsalita ang babaeng umaalalay sa akin..

"Nanay tayo na po sa loob para makapagpahinga na kayo." Sabi ng isang babaeng hindi ko kilala. Pero sa tingin ko dito siya nakatira.

"Ineng maari bang maupo muna ako doon?" Sabay turo ko sa isang pahabang upuang kahoy na nakadikit at naliliman ng isang puno ng Langka.

"O sige po dito muna kayo. Huwag kayong aalis dito ha? Papasok lang muna ako sa loob babalikan ko na lang kayo dito mamaya." Sabi nito matapos akong alalayang makaupo.

"Huwag kang mag-alala ineng hindi ako tatakas. Hindi na ako makakatakbo." Sabi ko dito. Nitong huli kasi sumasakit na rin ang aking likod at balakang. Mahina na rin ang aking tuhod iba na talaga kapag nagkakaidad na. Kaya paano pa ako makakatakbo sa idad kong ito, ilan taon na nga ba ako? Hindi ko na maalala.

Umayos na ako ng upo pagkaalis ng babae.

Tama! Parang natatandaan ko rin ang punong ito. Bulong ko sa aking isip at bahagya ko pang napagdikit ang aking palad. Dahil sa tuwang naramdaman ng maalala ko ito.

I was remembered the day, before! Dito ako madalas umupo noon.. Sabay haplos sa aking kinauupuan..

Dito ako madalas bumubuo ng mga pangarap ko.. Kasabay ng pagbangon ng alaala sa isip ko. Ang pangingilid ng aking mga luha!

Dito rin nabuo ang aking pagkatao at mga pangarap noon.. Noon yun!

Noong hindi pa nawawasak ang aking pagkatao at puno pa ako ng mga pangarap sa buhay..

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa paligid.

Mula sa aking kinauupuan natanaw ko. Ang mag-inang masayang nag-uusap sa 'di kalayuan. Bahagya akong napangiti at bahagyang nakaramdam ng pananaghili. Sa pagkakataong ito hindi ko tuloy naiwasang isipin..

Ang pagdaloy ng mga alaala ng aking nakaraan..

_____

"Sigurado ka na ba talaga iha? Kaya mo na ba talagang mag-isa? Sabi ni Nanay Celia.. She is the Directress of Home for the Homeless. And She's the acting mother of all here at home.

"Opo Nanay Celia ako na po ang bahala sa sarili ko. Huwag na po kayong mag-alala sa akin." Sabi ko.

The Homeless (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora