Mermaid - 40

13.7K 469 47
                                    


Hi! Katulad nang pangako ko sa inyo, ito na po ang Update sa araw na ito. Natutuwa ako sa mga comments nyo sa story na ito. Ipagpatuloy lang po natin. Salamat sa mga Votes and Comments, all the love x. Pasensya nya sabaw ang update ngayon, bawi ako sa susunod na araw.

--



/ PETUNIA /

Tirik na ang araw nang magising ako, maingay narin sa condo ni Seb, rinig na rinig mo ang malakas na tawa ni Ted at Lander. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nila sa mga oras na ito at bakit ang ingay nila ngayong umaga.

"Oy, Lansa gising kana pala- nakaramdam narin ako na gising ka, naamoy kasi kita hahahaha" hinampas ni Seb sa ulo si Ted na tumatawa parin, na tila hindi na saktan sa pagbatok sa kanya.

"Bakit ba lagi mong inaasar si Petunia, hindi naman sya malansa..minsan lang pag walang ligo hahahaha" dugtong naman ni Ice.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nilang dalawa, hindi ko sila maintindihan kung bakit nila sinasabing malansa ako. Hindi ko din naman kasi alam ang 'malansa' na iyun. Pero ang sabi ni Gello, amoy daw iyon nang mga Isda. Hindi ko naman kasi naaamoy ang sarili ko, may amoy pala kami ditto sa dalawang paa. Mabango kaya yung malansa?

"Kumain ka muna Petunia" hinawakan ako sa kamay ni Seb at hinila nya ako papunta sa kusina, narinig ko pang umangal si Ted pero hindi sya pinansin ni Seb.

Pinaghila nya ako ng upuan, naikinainit nang aking mukha, sya nadin ang naglagay nang pagkain sa akingpinggan. Natutuwa ako sa pagbabago ni Seb sakin, hindi ko akalain na mauuwi ang pang aaway nya sakin sa pagibig nya sa akin ngayon. Parang ang bilis nang mga pangyayari.

"Nakatulog kaba ng maayos?" tanong sakin ni Seb, hindi ako masyadong makakain dahil nakatingin sya sakin. Natutunaw ako sa mga mata nya, napakagandang mata.

"Ahm.. oo naman, bakit?" dahan dahan kong sinubo ang kanin habang nakatingin sa kanya, naiilang talaga ako pag nasa tabi ko sya.

"Wala, naitanong ko lang" uminom sya ng tubig, kaya mabilis kong kinain ang pagkain na nasa pinggan ko, ayun lang ang pagkakataon ko na hindi sya nakatingin. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. "Naiilang kaba sakin? Sabihin mo lang aalis muna ako?" tanong agad nya.

"Hindi..an-ano, gutom na gutom na kasi ako" pagdadahilan ko sa kanya. Baka kasi pag sinabi kong oo, masaktan sya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, kumabog nang malakas ang aking dibdib.

Bakit ba lagi nalang ganito ang aking nararamdaman pag nakakatabi ko na sya, parang nagwawala ang aking puso at ang aking tyan sa kanya.

"Namumula ka" humalakhak sya habang nakatingin sakin, napakagat ako saking labi at yumuko, nagiinit talaga ang aking mukha. "Hey!" tawag nya sakin, ngunit diko sya tinignan.

"Bakit?" nakatingin parin ako sa aking pagkain.

"Tumingin ka sakin..." sabi nito, pero hindi ko parin sya sinunod. "..baby, tumingin ka saki-" agad akong napatingin sa kanya.

Baby..

Nanlalaki ang kanyang mata at namumula ang kanyang mukha, nakatitig lang sya sakin at hindi gumagalaw. Natatawa ako sa kanyang itsura, siguro natauhan sya dahil mali ang kanyang sinabi.

'Baby? Hahahaha, hindi mo naman ako anak ah" napahawak ako sa aking tyan dahil sa kakatawa, nakita kong napahinga sya ng malalim at ngumiti sakin.

"Buti nalang, iba ang meaning sa kanya nun.." rinig kong bulong nya.

Pagkatapos ko din kumain ay nakisalo narin kaming dalawa ni Seb kela Gello na nagkakatuwaan parin sa hindi ko alam na dahilan. Tawa lang sila ng tawa habang nagpapasahan nang mga Cellphone, siguro may nakakatawa silang tinitignan.

Napatingin ako sa buhok ni Ted, ang ganda talaga nito. Naalala ko ang kulay nang buhok ko noong sirena pa ako, kulay ginto ito na kumikinang pag natatamaan nang sikat nang araw. Kaylan ko kaya uli masisilayan ang buhok kong ginto? Kaylan kaya ako babalik sa tunay kong anyo? Saan ko naman kasi mahahanap ang halik nang pag ibig na iyan na makakapag balik nang akong tunay na anyo.

Halik nang pag-ibig...

Si Seb? Hindi kaya si Seb ang makakapag balik sa pagiging taong isda ko? Imposible, tao sya at sirena ako, mag kaiba kami ng mundo. Kaya hindi si Seb iyun- pero kung hindi sya, ano ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya? Bakit bumibilis ang tibok nang puso ko pag nasa tabi ko sya? Bakit lagi nyang binubuo ang araw ko, lagi nya akong napapasaya, makita ko lang sya sumasaya na ako. Hindi ba't pagmamahal ang tawag dito? Pag-ibig ito.

"Ang lalim naman nang iniisip mo" tumabi sakin sa pagkakaupo si Jin.

"Ah.. hindi" napahinga ako ng malalim.

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon, may kasalanan pa sya sakin, hindi nya kasi pinaliwanag nang maayos yung ibig sabihin nung kakaibang buhok na iyun. Napahiya tuloy ako ng husto sa kanila. Pinagtawanan ako ng mga lalaki, lalong lalo ni si Ted, sa sobrang pula ng mukha ko kahapon, gusto ko ng magpahagis papunta sa karagatan ma wala lang sa harap nila. Nung mga oras pa naman na iyun ay kumakain nang tinapay si Seb ayun nabulunan, bumara yung tinapay sa lalamunan nya, tumakbo agad sya sa kusina para makainom nang tubig.

"Tampo ka parin sakin? Sorry na nga Petunia, busy lang talaga akong manood nun kaya hindi ko naipaliwanag sayo ng maayos" pangungulit ni Jin.

"Nakakahiya kasi yung nangyari kahapon"

"Hindi na mauulit yun, atleast alam mo na kung ano yun" hindi na talaga mauulit yun, grabe kahihiyan na tanggap ko sa kanila.

"Wala naman ako nun e, tinignan ko kagabi wala" sabi nya kasi sa ibabaw daw yun nang pipay, tinignan ko wala naman ako nun, siguro sa mga may dalawang paa lang talaga tumutubo yun.

Hays, sana makakita ako nun.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" sinamaan ko sya ng tingin. "Sorry, sorry"

"Ano yun?" tanong agad ni Gello.

"Wala, usapang babae lang ito" sabi ko agad sa kanila.

"Ay Join ako sa inyo" tumayo si Ice at lumapit samin, napatingin kaming lahat sa kanya. "Ehem, tol tara dota tayo" sabay yaya nya kela Ted.


My Little MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon