"Anak mo ito at may nangyari sa atin." Insist nito.

            "Ilang buwan na ba iyan?"

            "T-two? I mean three ata." Gusto niyang matawa sa naging sagot nito. As far as she remember the last time she saw her was around four months ago and after that hindi na niya ito nakita pa. Kung buntis ito makikita na niya ang baby bump nito pero sobrang impis ng tiyan nito sa suot nitong fitting na dress. And the way she answered parang hindi sigurado.

            "Kung ganoon, kung buntis ka nga pananagutan ni Aiden ang dinadala mo." Naramdaman niya ang paghawak ni Aiden sa beywang niya. "Mali, namin pala."

            "What do you mean?"

            "We can support you until you gave birth to your baby, kapag nakapanganak ka na madali nalang magpaDNA test. Kapag napatunayan natin na si Aiden nga ang ama niyang anak na dinadala mo hindi mahirap ang bigyan siya ng magandang buhay, you can give your baby to me as well. Aalagaan ko at ituturing na tunay na anak ang batang dinadala mo. Pero kapag nalaman namin na niloloko mo kami at hindi talaga si Aiden ang tatay niyan kukunin ko ang rights ng bata dahil hindi ka mapagkakatiwalaang nanay. At babayaran mo hanggang sa pinakasentimo ang suportang ibibigay namin sa iyo. Ano deal?"

            Hindi siya tanga para basta-basta nalang isusuko si Aiden sa babaeng iyan. Masyado ng marami ang naging paghihirap nila at ang iniyak niya. Aj's grandma already warned her about this scenario so she is already prepared. And besides siya ang mahal ni Aiden at mahal din niya ang lalaking ito. Kung isusuko niya si Aiden alam niyang hindi ito magiging masaya at lalo naman siya. For some reason wala siyang galit na nararamdaman kung totoong anak man ni Aiden ang dinadala ng babaeng kaharap nila ngayon. Maybe because they aren't in a relationship if ever something happened to them.

            "Arrrgghhhhhhhhhh!" galit at basta nalang nagmartsa palayo ang babae. Hinintay niyang mawala sa mga mata nila ito bago niya hinarap si Aiden.

            "Hindi ako magagalit sa iyo ngayon kung totoong anak mo man iyong dinadala niya. Tatanggapin ko kung anak mo man iyon because I love you so much. Pero kapag mangyari na naman ito when we are in a relationship swear I'll make your life a living hell." Banta niya sa lalaki.

            "I promise."

            "No promises, just do it."

            "I do. I love you so much. Hindi na siguro ako makakahanap ng babaeng kasing ganda mo, kasing talino mo."

            "Talagang wala ka ng mahahanap. Dahil kapag naghanap ka pa puputulin ko ang dapat putulin." Natatawang kinabig siya nito at muling hinalikan sa labi. Mas mahaba at mas—"Teyka nga pala bakit mo ako pinapunta dito?"

            "I want my people to know their queen."

            "Queen talaga?"

            "Yep, my queen. At may gusto akong makausap mo." Bigla itong umayos.

            "Who?"

            "It's a surprise. Come on." Hinila siya nito papasok sa opisina nito. Shit, kinakabahan siya this is the first time na makakapasok siya sa lungga ni Aiden. Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ng masayang ngiti at kakaibang tingin ng mga staffs ng mga ito.

            "Bossing si pinakahihintay na ba iyan?" tukso ng mga staffs nito. At ang lalaking ito ang lapad ng ngiti at proud na proud na ipakilala siya sa mga ito.

Royale  Series 4: THROUGH THE YEARS (COMPLETED)Where stories live. Discover now