Chapter Seven

136K 2.3K 20
                                    

Chapter 7

Nagising siya ng maaga at dahil tulog pa ang binata ay hindi na niya ito inambala pa. Pumunta siya sa kitchen at naabutan ang lola at mama ni Aj.

"Good morning po." Bati niya sa dalawa.

"Good morning Lucille. Gutom ka na ba? Sandali lang ito at ipagluluto kita ng bacon."

"Naku huwag na ho tutulungan ko nalang po kayong magluto. Hindi pa po naman ako gutom."

"Nagluluto ka rin? For sure magaling ka rin sa kusina gaya ng parents mo."

Nalungkot siya ng maalala ang parents niya. "Hindi po ako kasing galing nila but i can cook."

"Halika Lucille, nagbebake ako ng cake. Tulungan mo akong magdesign." Ibinigay sa kanya ni lola Veronica ang isang pink na apron. Agad niya iyong isinuot at tinulungan ito. Tinulungan din niyang magtimpla ng adobo at menudo ang tita May niya. When she was still a child ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang na magluto para daw kapag nag-asawa na siya ay mas lalo daw siyang mamahalin. Dahil a way to a man's heart is through his stomach. But when they died she rarely do the cooking dahil nalulungkot siya kapag ginagawa niya iyon.

"Finally." Pumalakpak silang tatlo ng makita ang gawa nila. Everything is very good.

"Ano itong mabangong naaamoy ko?" Si lolo na pumasok sa kitchen. "Wow, who cooked?"

"Kaming tatlo ang galing namin di ba?" Pagmamayabang ni lola.

"Dapat may price kami." Singit ni tita May na kaharap na ngayon ang asawa nito. Ang sweet talaga nila although noong bata pa sila ay madalas niyang nakikitang nag-aaway ang dalawa.

"Ano ba ang gusto ng maganda kong asawa?" Hala naiinggit ako.

"Have you seen my Luci-." Automatic na napangiti si Aj ng makita siya. "Good morning." Bati nito sa kanya at saka lumapit. Napakurap siya dito at nagtaka, nagkita naman sila kahapon. Bakit mas lalo itong gumwapo ngayon?

"Morning too." Shyet na malagkit! Bakit parang nagkakahiyaan pa sila ngayon samantalang kahapon ay okay naman sila. Pero inaamin niya kinikilig siya ngayon. Parang hindi siya.

"You look good with an apron around you." She just flash him a smile.

"Do I?"

"Ano ba naman ito punong-puno ng langgam ang kitchen buti at buhay pa kayo." Inis na singit ni Nikkola na kapapasok lang ng kusina. She actually knows what she feels right now dahil halos araw-araw niya iyang nararamdaman kapag nakikita niya sina Belle at Claude, Jax at Ash pati narin iyong pinsan niya.

"Let's eat." Umupo siya sa tabi nito at habang pinagmamasdan ang mga ito na kumakain ay naisip niya. Kung magkakapamilya siya gusto niya ng ganito. Okay lang sa kanya na hindi sila sobrang yaman masikap naman siya, hindi siya titigil sa pagtatrabaho. Batid din niya na nag-aaway ang mag-asawa hindi naman kasi perfect ang isang relationship. Gaya ng mama at papa niya noon palagi din namang nag-aaway ang dalawa pero agad din na nagkakaayos. Katulad din ng parents ni Aiden, nag-aaway dahil nambababae daw si tito at sobrang selosa si tita pero nagkakaayos din sila. At mukhang nalampasan na nga nila ang stage na iyon dahil ang cute-cute nilang tingnan ngayon.

She is not getting any younger baka kapag nagkaanak na siya ay hindi na niya masubaybayan ang paglaki ng mga ito. Ang problema lang ay kanino siya magsesettle down?

"ANG lalim ng iniisip mo." Untag sa kanya ni Aiden ng yayain siya nitong mamasyal sa farm. Sumama na rin siya dahil gusto niyang mag-isip. "May I have a penny of your thoughts?"

"Nag-iisip lang ako..." pinatid niya ang maliit na mga bato sa harap niya. "Bakit kayo naghiwalay ni Anne? Di ba siya ang dream girl mo?"

Natigil ito sa paglalakad.

Royale  Series 4: THROUGH THE YEARS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon