EPILOGUE

165K 2.6K 42
                                    

EPILOGUE


            Kanina pa siya naiinis, wala kasing clear itong boyfriend niya. He called her so many times today dahil gusto nitong papuntahin siya sa office nito. Ang problema ay hindi niya alam kung saan iyon mabuti nalang at nandoon  si Sabrina sa office kanina. Oo, ilang araw na rin mula ng makauwi sila sa bansa and so far so good. Umaattend siya ng mga therapy sessions para sa mga ugat at muscles niya sa kamay. And so far so good, approve din sa mga doctors ang ginawa niya. And she could feel improvement na.

            She parked her car as walk directly to the entrance when someone bumped her. Tinaasan niya ito ng kilay she remembered this woman before. Ito iyong babaeng kasama ni Aiden before sa fitting. Ano naman kaya ang ginagawa nito ngayon and the bitch nagawa pa talaga siyang taasan ng kilay ng bruha.

            "Huwag ka ngang pahara-hara." Mataray na parang nagtsutsupi lang ng langaw ang bruhitang ito ah. Eh mas bruha kaya siya, ngayon pa siya tinalo samantalang mainit ang ulo niya ngayon.

            "And who are you tell me what to do?" tinaasan niya ito ng kilay. Aba't ngumisi pa ito at lakas ng loob nagsmirk sa kanya.

            "Well, ako lang naman ang future Misis Aiden James Sebastian." Parang may nagpompiyang sa ulo niya sa sinabi nito.

            "Ahm, paki-ulit nga?"

            "Ano ka ba bingi? Ang sabi ko ako ang magiging asawa ni-."

            "Tama nga ang narinig ko at hindi ako namalik-teynga lang kanina. Girl, gising-gising din pag may time ha baka kasi madapa ka at aksidenteng tumama ang ulo mo at magising ka sa katotohanan na nag-aambisyon ka lang." ang lakas ng loob ng babaeng ito. Ang sarap ingudngod sa kalsada.

            "Ako? Ambisyosa? You wish I am pregnant at si Aiden ang ama kaya alam kong papakasalan niya ako." Hanuraw? "Sino ka ba? Don't tell me nag-aambisy--." She raised her fingers infront of her and showed the bitch her engagement ring na ibinigay sa kanya ni Aiden when they are still in London. He bought it in an expensive jewelry shop when they happened to pass by. Ayaw sana niya dahil sobrang mahal at ang laki pa ng bato nakakaasiwa kaso binili pa rin nito at hindi nagpaawat. Tiningnan niya ang babaeng nakatitig sa suot niyang singsing. Naningkit ang mga mata nito and she saw envy on her eyes as she still staring at her ring. May silbe naman pala ang pagkamahal-mahal na singsing na suot niya ngayon.

            "I am the fiancé and yes you are looking at the engagement ring on my finger na bigay niya."

            "Sinungaling ka." Akmang susugurin sana siya nito ng biglang may humila sa kanya. Napatingin siya sa kanyang hero.

            "You are finally here." Nakangiting salubong sa kanya ni Aiden as he give her a kiss on her lips. Sinamaan niya ito ng tingin. "What?" itinuro niya ang babaeng nanggigil sa harap niya. Ewan ba niya wala siyang mahanap na simpatya sa babaeng iyan. "Your friend?"

            She snorted as she looks at like he is crazy. Hindi ba talaga nito natatandaan ang babaeng iyan na 'binuntis' daw nito?

            "No, she said she is pregnant and you are the father."

            Napakunot ang noo nito at napatingin sa babae. Base sa reaksyon ng mukha nito ay parang sinasabi nitong nababaliw na ang babaeng iyan. "Hell no!  I never slept with any  woman the first time I saw you again." Depensa nito sa sarili nito. At masyado niyang kilala si Aiden para hindi malaman kung nagsasabi ito ng totoo at hindi.

Royale  Series 4: THROUGH THE YEARS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon