Nangako si Rence na hindi siya magpapatakbo nang mabilis. Habang tumatagal ay nagiging pamilyar na ang bawat kalyeng tinatahak namin.

Pagkababa ko mula sa motor ay tinaggal ko agad ang helmet ko. "This is insane and illegal!" mahina pero madiin na sabi ko. Right now, we're at our old middle high school.

"Huwag kang maingay para hindi tayo mahuli," sabi nito bago naunang naglakad papunta sa back entrance ng school.

"You still remember?" baling niya sa akin.

"Yup." Nasa tapat na kasi namin ang library building. Madilim ang halos buong paligid bukod sa ilang corridor lights. Tumungo kami at umupo sa may bench. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina? I know about Chloe and Drake. She's your sister. Why are you suddenly so forgiving?" seryosong tanong ko sakanya.

"Did I say I forgave them? Gusto ko lang na hindi puro away kapag nadadawit ang mga pangalan namin. It will be better if we stay out of their way and them on ours. They're not the police. What the hell do they care if we go to illegal races. Drake is a regular at La Range for fuck's sake." Tumayo siya at nagsindi ng yosi.

"Si Drake?" Napatayo din tuloy ako. No way.

"Yeah. Alam ni Yeoji at Kendal, sa tingin ko. Out of those idiots, I'm mostly fucking mad at Drake. He's a pretentious coward. Those idiots insisted on following a person like that? What a trash. Ako na ang gagawa ng paraan para mailayo si Chloe sakanila. Do you get why I'm suddenly being so overprotective of you?"

Puro magkasunod na buntong hininga ang narinig ko mula sakanya. I mean, I have never known this side of the story.

"Mahal daw ni Chloe si Drake hanggang ngayon. I planned on beating the shit out of Drake and whoever stands in my way. Pero baka kapag nagpatuloy pa ako sa panghahamon sa Anarchs, baka magkaroon pa ng pagkakataon at rason si Chloe na lumapit sakanila. I don't really get girls that much."

Again, more sighs from him. Pagkaubos ng yosi niya saka siya bumalik sa pagkakaupo.

"Let's do the deal. Magpatalo ka sa karera, lalayuan mo sila at ganoon din ang gagawin ko. I want my life to be peaceful. Anarchs and Niners won't do me any good," sabi ko rin sa huli.

"Pero bago ang lahat, ano ba talaga ang iba pang ginawa ni Drake?" dagdag ko bago pa siya makapagsalita.

I sat down and he started to talk about how Drake was mostly the reason why Rence and the others got kicked out of Delkin. Hindi sila kusang nagtransfer kagaya ng sinabi ni Yeoji. So, Drake has been on the dark side all along?

Ugh, ano ba! Sinabi nang hindi na ako papayag na mahatak pa ulit ako sa gulo nila e. I've been trying my best to hold back. I wanted to call Yeoji and ask if he's already okay. But he didn't call either. I guess we're already on the same page now.

Inihatid ako ni Rence hanggang sa boarding house. Mabuti nalang pala at nakausap ko siya. Sa ngayon ay kailangan kong magtiwala na totoo ang mga sinabi niya para makumbinsi ko pa lalo ang sarili ko na wala talaga akong mabuting mapapala sa Anarchs.

"Good night, Ian. See you soon," paalam ni Rence. Nagulat ako nang lapitan niya ako't yakapin.

"Lahat ng sinabi ko ay totoo. Know that I'm really sorry that you got involved. Alright?" bulong niya sa akin.

Sa wakas ay bumitaw siya sa akin. "Good night, Rence. Thanks. I know, I'm sorry too. See you."

Hinintay kong makalayo siya bago ako pumasok sa loob. Habang naglalakad nga lang ako paakyat ay unti-unti kong naramdaman ang lungkot.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now