Chapter35

2.2K 54 13
                                    


Pagbukas ko ng pinto ng Girl Restroom bumungad sa akin ang Galit na mukh ni..


"Mikey


"A-anong ginagawa mo dito Mi-key?"nauutal na tanong ko, nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinatak pabalik ng Girl Restroom at sinandal nya ako sa pader habang hawak nya ng mahigpit ang magkabila kong braso.

"Mi-key Ano na-sasaktan ako.!"pero nakatingin lang sya ng masama sa akin puno ng galit,at selos ang nakikita ko sa mga mata nya,bakit ba sya ganito ano ba nangyayare sa kanya narinig nya kaya ang usapan namin ng bruha na yun kanina.

"Tinatanong mo ako kung ano ginagawa ko?!di ba dapat ikaw tinatanong ko nyan, Ano nanaman ba ginawa mo Aemie, ikaw?! Ikaw ba may gawa nun kay Lorraine?! HUH?! SUMAGOT KA?!!Aemie akala ko ba ok na tayo na kakalimutan mo na si Harry,. pero Ano to?!"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya, iniisip ba nya na ako ang may pakana ng pagkakaaksedente ni Lorraine.

"Ano ba Mikey!!let me go! Wala akong alam sa sinasabi.Ganyan ba tingin mo na kaya ko syang patayin_"

"Oo! Di ba nga nagawa mo na rin noon kaya hindi na ko magtataka na magagawa mo ulit iyon, Para ano?para kapag nawala na si Lorraine pwede na maging kayo ni Harry ganun ba?!."so iyon pala tingin ny sakin akala ko pa naman nauunawaan nya ako.Akala ko may tiwala sya sakin,Hindi ko npigilan na sampalin sya.

"Pak!!

"Yanba talaga tingin mo sakin? Akala ko ba may tiwala ka sakin?Akala ko naniniwala ka nq hindi ko magagawa ang pumatay?! Inaamin ko,. Oo ako may pakana ng Aksedente na naging sanhi ng pagkamatay ng magulang nya, Ako ang nag utos noon para hindi matuloy ang kasal nila ni Harry,.Pero alam ko kung gaano ko iyon pinagsisihan at pinagsisisihan ko parin iyon hanggang ngayon,.Hindi naman talaga gusto ang nangyare na iyon,.Hindi ko alam na lalagyan nila ng bomba ang kotse ng mga Madison,.At yung nangyare kay Lorraine ngayon sa maniwala ka man o hindi wala akong kinalaman doon, hindi ako ang bumangga sa kanya, tungkol naman kay Harry,.Oo mahal ko pa sya pero tanggap ko na na hindi nya talaga ako magugustuhan."hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako as in hagulgol ang ginawa ko.


"Akala ko sa lahat ng taong maniniwala at nagtitiwala sa akin ay ikaw iyon pero mali ako, Maling mali ako Mikey."magsasalita pa sana sya pero itinulak ko na sya. Aalis na sana ako ng mahawakan nya ako sa kamay,.

"Aemie i'm so sorry akala ko kase."hindi ko na sya pinatapos at nagsalita agad ako.

"Akala mo ano?! Akala bitter parin ako kay Harry kaya naisip mo na baka ako sumagasa kay Lorraine para mamatay na sya ganun ba?!Akala mo mahal ko pa si Harry kaya ko nagaww iyon..Puro ka kase akala e,Baka nga yung sinabi mo na mahal mo ako e akala mo lang din iyon, Akala mo mahal mo ko pero hindi naman talaga kase ang alam ko kapag mahal mo ang isang tao hindi mo sya pag iisipan ng masama,.kung sa bagay masama nga pala ako, di ba nga killer ako,pinatay mo ang magukang ni Lorraine."Magsasalita pa sana sya pero buong lakas ko na syang itinulak at nagtagumpay naman ako.


Pagbukas ko ng pinto nagulat kameng pareho ni Mikey ng makita naman si Harry na nakatayo sa harap ng pinto at walang makikitang emosyon sa kanya.


"Totoo ba lahat ng narinig ko Aemie."kalamado nitong sabi,bigla akong nakaramdam ng takot.

"Harry_"magsasalita sana si mikey ng pigilan sya nito.

"Manahimik ka jan Mikey hindi ikaw ang kinakausap ko.."natahimik naman si Mikey ng tingnan sya ng masama ni Harry.

"Now Aemie, I will repeat my question,. Totoo ba lahat ng narinig ko...SUMAGOT KA?!!"Nabigla ako sa pagsigaw nya una ay kalamdo pa ito pero ngayon nababalot na sya ng itim na aura na nakapagpakilabot sa akin,.Ngayon ko lang sya nakitang ganito nakakatakot.

"Y-yes! Totoo lahat ng narinig mo Harry pero maniwala ka hindi ko ginusto yung nangyare."natahimik ako ng bigla syang sumigaw at mag mura.

"Shit! Shit! Shit,Arrrgh Fuck!! Aemie Damm you,Aemie tinuring kita na para ko ng kapatid, Paano mo iyon nagawa sa akin,lalo na kay Lorraine,.Anong klase kang kaibigan?!!Aemie pinagkatiwalaan kita,pati si Lorraine nagtiwala sayo.Paano mo nagawa iyon?!"galit na galit sya hindi ko napigilan na maiyak,tama sya nagtiwala si Lorraine at Harry sa akin tinuring ako ni Lorraine na kaibiganganun din si Harry pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya sinira ko lahat iyon.


"I'm sorry Harry nagawa ko lang iyon kase mahal na mahal kita pero maniwala ka hindi ko naman gustong mamatay sila hindi ko alam na nilagyan ng bomba ang kotse nila,."sagot ko

"At sa tingin mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo huh?!! Now Aemie tell me ikaw din ba may kagagawan sa pagkakasagasa ni Lorraine?! SUMAGOT KA?!!!"

"NO!!! Hindi ako ang may pakana noon maniwala ka."sagot ko

"Ah talaga at sa tingin mo paniniwalaan kita,Sige kung hindi ikaw sino!!."hindi ako makasagot kase hindi pa ko sure kailangan ko muna ng matibay na ebidensya.

"Ano di ka makasagot?!Aemie ito tatandaan mo kapag may nangyare kay Lorraine kakalimutan ko na kaibigan kita,at pakitatak dyan sa kukote mo na kahit kailan kahit ano gawin mo, I will never ever fall in love with you!si Lorraine sya lang mahal ko.,at kung totoo man na innocent ka sa nangyare kay Lorraine then iharap mo sakin ang tunay na may sala."After nyang sabihin iyon ay iniwan na nya kame,naramdaman ko pa na hinawakan ni Mikey ang balikat ko pero itinulak ko lang sya. Aalis na sana ako ng mahawakan nya ako sa kamay ko,.

"Aemie saan ka pupunta?"may halong pag aalala sa tuno nito humarap lang ako sa kanya at sinabing.




"Aalis ako at hahanapin ko ang may gawa nito kay Lorraine,at hindi ako titigilan hanggang hindi ko sya naihaharap kay Harry ng sa ganoon ay mabawasan naman ang kasalana  ko kay harry lalo na kay Lorraine."Bago ako tuluyang umalis




Harry Pov

Sa lahat ng pwedeng gumawa noon kay Lorraine hindi ko inasahan a si Aemie lang pala ang may pakana ng lahat. All this time.Bakit sya pa?! Bestfriend at parang kapatid na kung ituring sya ni Lorraine pati ako.

Pero bakit nya to nagawa, sa pagkakakilala ko sa kanya alam ko na hindi sya masamang tao, na hindi nya kaya ang manakit ng iba para lang sa mga gusto nya.Bakit nag iba na sya, hindi ko na sya kilala.

Galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon para kay Aemie, Galit dahil sa mga kasalanang ginawa nya kay Lorraine at sa pamilya ni Lorraine pero di ko parin maiwasang malungkot kapag naaalala ko kung paano nila pakitunguan ni Lorraine ang isa't isa.






A/N:Sorry Slow Update po ako mejo busy lang kase ako.

Gangster Prince/Mafia Boss/ and ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon