Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na si Hanz na bitbit ang lunch namin. Biglang nawala lahat ng sakit na nadarama ko nang makita ko ang mainit na bicol express. Hmm. Ang sarap!

Susubo na sana ako nang marinig ko na naman ang matulis na boses ni Micaela.

“BEEEEEEEEEEEEEEES!” tili niya habang tumatakbo palapit samin.

Halos magkanda-ugaga na siya sa pagtili at muntik pa siyang masamid dahil sa sobrang kasiyahan. Ano na naman kaya ang nangyari at masaya ito? Tss.

Kinuha niya ang upoan sa kabilang mesa at hingal siyang umupo saka ngumisi nang pagkalapad lapad. Napairap nalang ako. Narinig kong tumikhim at tumawa si Hanz sa gilid. Isa pa ‘to eh. Ang sarap bigwasan!

 

“Ikaw ba uminom na ng gamot?” Pa-bored kong tanong sa kanya. Nagulat pa ako kasi tumango ito.

“Oo, tapos na—teka, ba’t ako iinom ng gamot?” napakamot siya sa kanyang ulo “Well, anyway…” Nasamid pa tuloy ako. Slow ampota.

Di na ako umimik pa kasi tumili na naman siya. Tsk. May toyo na yata ‘to sa utak.

“May good news ako!”

 

“Ramdam ko nga.” Sabi ko sa kanya. Inirapan lang niya ako saka pinaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay.

“Nakita ko kasi sa labas ng office ni Sir Dean na naghahanap sila ng representative about dun sa singing contest na gaganapin sa University days natin!” tumango lang ako para patuloyin siya sa sinasabi niya.

“I walked into his office then I signed it for you!” tili niya.

Halos mabilaokan ako sa kinain ko dahil sa sinabi niya.

“WHAT THE HELL, MICAELA!” Sigaw ko sa kanya na siyang nagpatahimik sa kanya. Nakita ko ring nakatingin na ang ibang estudyante sakin. Binigyan ko sila isa-isa ng matatalim na tingin.

“ANO?! ANONG TINITINGIN TINGIN NIYO DIYAN?!” Singhal ko sa kanila. Kanina pa ako nagtitimpi ah. Bwesit! Nag-iwas sila ng tingin dahil sa biglaang pagsigaw ko.

“Hmp. Why so grouchy besty? God! Ang ganda kaya ng boses mo tapos tinatago mo!” sinamaan ko ng tingin ang bestfriend ko.

Gusto kong magmura ng napakalutong dahil sa sinabi at ginawa niya. Fck. When was the last time I joined this kind of contest? High school pa! Tapos heto na naman?! Alam naman niyang matagal ko ng tinalikoran ang musika eh!

“Darn it, Mica! Dapat kinausap mo muna ako!” padabog kong hinampas ang lamesa namin. Muntik pang mataponan ng tubig si Hanz sa ginawa ko. Kahit siya natahimik sa pag-iinit ng ulo ko.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now