Humalakhak nalang siya sa reaksyon ko at inakbayan ako na parang ang close close namin. Err. Bigla akong naasiwa. Gwapo kasi si Siobhan at kahit bago palang siya sa school na ‘to, marami ng nakakakilala sa kanya. Pilit kong tinanggal ang braso niya sakin kasi naman ang dami na ng nakatingin sa gawi ko. Yung ibang estudyante nga iniirapan na ako. Grr. If I know, nag-iisip na naman sila ng masama sakin.

“Akala ko ba sila ni Nate?”

“Gosh! Sabi sayong two-timer yan eh!”

“Tss. Nagbago nga ang pananamit pero kitams? Marumi parin talaga siyang tingnan.”

 

Shit. Gusto ko silang sugorin isa-isa. Ang sakit nilang magsalita ha na para bang may alam sila. Punyetang buhay ‘to oo! Akala ko masayang makipagrelasyon sa isang sikat pero di pala. Sinungaling pala yung mga writers ng mga pocketbooks na nababasa ko.

“Hayaan mo na, walang gamot sa insecurities.” Kumindat pa siya habang sinasabi yun.

Sana nga insecurity lang yang nararamdaman nila. Sana nga lang.

 

Kasi sa ganda ng pangalan ni Nate at sa lakas ng kapit niya dito sa school, baka isang araw magising nalang ako na pinapatay na ng lahat ng tao. Tingin palang ng iba parang kaya na nilang pumatay ng tao para sa presidenteng ‘yon.

“Don’t worry, I’ll explain to him personally kung sakali man.” Tumango lang ako kay Hanz kahit wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

PAGKARATING namin sa caf, agad kaming umupo sa pandalawahang mesa. Of course, ang dami na namang nakatingin. Mga tao talaga ngayon, wala ng ibang libangan kundi ang manghimasok sa buhay ng iba.

“Anong gusto mo?” tanong ni Hanz sakin.

“Uh.. Bicol express nalang tsaka dalawang kanin.” Kinunot ko ang noo ko nang makita ko siyang tumawa at tumango.

“Grabe. Ang sexy mo pero daig mo pa ang baboy kumain.” Aba’t! Babatohin ko na sana siya ng tissue pero tumakbo na ito papunta sa isang food stall. G*go talaga yun.

“Hoy! Yung bayad ko!” sigaw ko sa kanya.

“Wa’g na. My treat!” sigaw naman niya saka kumindat. Biglang uminit ang pisngi ko.

“Malandi talaga!”

“Oo nga! Ang faithful ni Nate ah pero heto siya ngayon, nakikipag-date sa iba. Tss!”

“Ingrata talaga siya!”

 

Pinaikot ko nalang ang aking mga mata at sabay-sabay silang inirapan. Porke’t sabay naglunch, date na agad? Ang dudumi ng mga isip! Pag ako di nakapagpigil, talagang kakalbohin ko na talaga kayo! Grr. Nakaka-high blood namang ang mga tao dito.

Bribing Mr. PresidentKde žijí příběhy. Začni objevovat