HAPPY AND DARK

42 2 0
                                        

Dahil sa kahirapan ng pamumuhay sa probinsya ay napilitan si Happy na makipagsapalaran sa lungsod.Upang maiangat sa kahirapan ang amang magsasaka at ang inang paglalabada ang trabaho..

Sila nga yata ang pamilyang masasabing pinagkaitan ng marangyang buhay at sakanila mo rin maaaply ang salitang ''Isang kahig,Isang tuka'',Dahil kapag di sila kumayod paniguradong wala silang kakainin.Bagama't man ganon ang pamumuhay nila Happy ay lumaki naman syang masayahing dalagita na masagana at busog na busog sa pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang nito na masasabi nyang tanging yaman niya..

Kaya kahit na aalis sya sa probinsya nila at sabihin man na isang taon lang sya sa lungsod ay hindi maiwasan ng mga magulang nito ang humagolgol sa iyak at ganuon din sya dahil first time nyang mapahiwalay sa mga ito...Pero ganon yata talaga ang buhay kailangan mag-sakripisyo alang-alang sa pamilyang minamahal nya...

Kaya kahit sa murang edad na 18 taong gulang ay nagmatapang syang sinugod ang lungsod.Kahit na walang kasiguraduhan na may tatanggap sa kanyang trabaho lalo pa't highschool graduate lamang sya...

Nilakad nya ng nilakad ang kahabaan ng lungsod at ilang ulit narin syang sumubok sa mga restaurant,sa fastfood chain o kahit nga sa pagsasales lady ay sinubukan nya na rin.Ngunit kahit isa doon ay bigo sya.Tanging singkwenta pesos nalang ang natira sa two-hundred pesos na binigay sa kanya ng ama at ina.May kamahalan kasi ang pagsakay nya sa bus nakakahigit kasi iyon ng 150 pesos.Kaya ang natitirang singkwentang pera nya ay tinabi nya muna.Wala pa nga syang kain at puro tubig nalang ang ginawa nyang umagahan at tanghalian.Ngunit hindi parin sya nawalan ng pag-asa kahit na madilim na ay naglakad parin sya..Pero sadya talagang mailap sakanya ang kapalaran dahil kahit sa pinuntahan nya ay wala paring tumanggap sa kanya dahil sa kadahilanang di sya nakapagtapos ng pag-aaral..

When HAPPY Meets DARKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora